20/11/2025
Sa pagsunod may pagpapala,
Sa pagsuway may pagtutuwid ng Ama
Pagkat ang Kanyang kamay na umaakay
Siya ring kamay na marunong magdisiplina.
Hindi upang tayo’y pahirapan,
Kundi upang tayo’y magising at mapalaan
Pagkat ang puso nating mapanglay at pagod,
Ay nais Niyang akayin pabalik sa Kanyang dako.
Kapag tayo’y sumusunod sa Kanyang tinig,
Ang landas ay nagiging payapa’t tahimik
May liwanag sa bawat hakbang,
At may kagalakang hindi kayang nakawin ninuman.
Ngunit kung tayo’y napalayo at naligaw,
Hindi Niya tayo pababayaan kailanman
Pag-ibig Niya’y mas malakas kaysa sa ating pagkukulang
At ang Kanyang pagtutuwid ay tanda ng Kanyang pagmamahal.
O Diyos na tapat at puno ng habag,
Ikaw ang kumakatawan sa buhay na may layag
Sa unos man o katahimikan
Ikaw ang gabay, Ikaw ang daan.
Kaya’t sa pagsunod ko, Ako’y umaasa
Sa iyong salita, ako’y nagpapakumbaba.
At kung ako man ay muling magkamali
Alam kong ang Iyong biyaya ang sa akin ay sasalo muli.
Purihin ka, O Diyos na Buhay
Pag-ibig Mo’y hindi nagmamaliw, hindi nagwawakas
Sa pagsunod may pagpapala
Sa pagsuway may pagtutuwid na naglalapit sa Iyo nang higit pa.