23/05/2026
23 Mayo | ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐ผ๐๐ผ๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐ผ-๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐ฝ๐๐๐ผ๐
Oh uliran sa kababaan, pintakasi naming San Clemente: Talastas mo na ang laking katamaran namin tungkol sa mga gawang magaling; ang mga puso namin ay nahihinggil sa mga kapalaluan at kaparangalan, malayong malayo ang aming mga kaisipan sa tinaglay mong pagpapakababa; ikaw ngaโy nalukluk sa catedra ni San Pedro, Vicario at pangalawa ni Kristo dito sa lupa, Principe ng buong Santa Iglesia, ay ipinakalayo-layo mo sa puso ang masidhing lason ng kapalaluan, at bagkus ka ngang tumulad kay Hesukristong Panginoon natin na nalimbag sa kaluluwa mo yaong kanyang magandang aral: โKayoโy mag-aral sa akin na akoโy maamo at mababang loob.โ Itanim mo sa puso namin ang kabanalan, upang kami ay makasunod sa utos ng Diyos at matulad sa iyo. Tuloy ipinag-amo-amo namin yaong tanging biyayang aming hinihingi kung nararapat sa kapurihan ng Diyos.
Siya nawa.
IPAHAYAG ANG BIYAYANG NAIS KAMTAN SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NI SAN CLEMENTE.
MAGDASAL NG ISANG AMA NAMIN, ABA GINOONG MARIA AT ISANG GLORIA PATUNGKOL SA IKAPAPAWI NG KAPALALUAN NG TAO.
๐๐ผ๐๐ฟ๐๐ฟ๐๐๐-๐ฟ๐๐๐ ๐๐ผ ๐๐๐ผ-๐ผ๐๐ผ๐ ๐๐ผ ๐ฝ๐๐๐ผ๐
Itanim sa puso mo kaluluwang kristiano, itong magagandang aral, at pagbulaybulayin mo ang wika ni San Agustin... Ang hindi, aniya, tumulad kay Hesukristong Panginoon natin ay walang kabuluhang taglayin ang pangalang kristiyano. Walang sino mang makapapasok sa langit, kundi pagsasanayan ang tunay na pagpapakababa. Kung hindi kayo magpakaliit, ani Jesus, hindi kayo makapapasok sa kaharian ng langit. Dapat mo namang malaman, kaluluwang devoto, na ang hiyas ng kabanalang pagpapakababa ay ang pagwawalang halaga sa kanyang sarili, na nagnanasang alimurahin ng lahat; at ito nga ang siyang tinaglay ni San Clemente niyong siyaโy papanawin at itapon sa Isla ng Punto Euxino; dooโy pinapagtibag siya sa mga mina. Anong daming kaalimurahan, at karuwahaginan ang kanyang sinapit kayaโt kung ibig mong makamtan itong mahalagang kabanalan, lagi mong isa kasalanan, ang kahambal-- isip ang laki at dami ng iyong hambal na buhay na pinasapit ng Anak ng Diyos , dahil sa iyo, kaya ikakahiya mo ang iyong kapalaluan at pagtikahan mong tulad ni San Clemente.