20/01/2026
Magalak at magdiwang, o bayan ng Diyos!
Isang karangalan para sa ating Kapilya na mapasaatin ang Krus ng Hubileyo taong 2025 ng Diocesan Shrine and Parish of Saint Clement!
Kasabay ng Kapistahan ng ating Kapilya, ay ipinagkaloob sa atin ang Krus ng Hubileyo na siyang mananahan na sa ating Kapilya. Ang Banal na Misa ay Pinangunahan ni Reb. Pd. Rowie R. Reyes, Paring nag mula sa Constellation Homes at kasalukuyang Rektor at Kura Paroko ng Minor Basilica of Saint John the Baptist, Katuwang ang ating Rektor at Kura Paroko Reb. Pd. Aly A. Barcinal.
Pasasalamat sa pamilya Herico ang Hermana 2026.
Gayon din, pasasalamat sa DSPSC PPC EXECOM, Lectors, Usherettes, Eucharistic Ministers, Ministry on Liturgical Music, MBG, C*C, at sa mga Bumuhat ng Krus ng Hubileyo.
Amin ding ipinababatid ang aming taos-pusong pasasalamat sa pamahalaang lokal ng Angono at Pamahalaang Barangay ng San Isidro. sa Pangunguna ni Mayor Gerry Calderon at Vice Mayor Jeri Mae Calderon, sila ay kinatawan sa Banal na Misa ni Kap. Joey Calderon kasama ang kaniyang maybahay Gng. Elena Calderon.
Pasasalamat din po sa lahat ng nag Donate:
- Bulaklak: Puno Family, Trapp Family, Diane Herico, Engr. Sherwin
- Raymundo Family
- Nora Castillo and Family
- Evelyn Narag and Family
at sa lahat ng nag alay sa Banal na Misa.
Maraming Salamat po!
VIVA STO. NIÑO!!!