Catholic Faith Defenders -Diocesan Shrine and Parish of St. Clement Chapter

Catholic Faith Defenders -Diocesan Shrine and Parish of St. Clement Chapter This is the official page of Catholic Faith Defenders (Angono Chapter). Welcome!

28/02/2026
Nagsimula kanina ang pagbabalik ng Apologetics talks ng CFD Angono. Tinalakay ni Bro. Sean Paul Rodriguez ng CFD Quezon ...
28/02/2026

Nagsimula kanina ang pagbabalik ng Apologetics talks ng CFD Angono. Tinalakay ni Bro. Sean Paul Rodriguez ng CFD Quezon City Chapter ang Introduction to Apologetics at Article 1 of the Apostle's Creed sa mga kabataan ng DSPSC Ministry of Usherettes, Greeters and Collectors at Catholic Women's League.

Inaasahang sa mga darating na buwan ng 2026 ay ipapapatuloy ang pagtatalakay sa lahat ng mga "Articles of Faith" na nakapaloob sa ating Apostle's Creed.

Photos by Sis. Mary Grace de Guzman and Bro. Arjay Garcia

Magandang araw po sa inyo!Bukas po ang Catholic Faith Defenders (DSPSC Chapter) para po sa mga taga-Angono nais maglingk...
30/08/2025

Magandang araw po sa inyo!

Bukas po ang Catholic Faith Defenders (DSPSC Chapter) para po sa mga taga-Angono nais maglingkod sa Diyos at sa Simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay ng talento para sa mga gawain sa pagtatanggol sa ating pananampalataya.

Maraming oportunidad po sa larangan ng project management, social media management, pagsusulat, public speaking, at katesismo. I-message lang po ninyo si Sis. Ma. Tria Salve Isagan via Messenger (.isagan) or magpadala ng text message sa 09190012239.

Maraming salamat po!

Ang Liham ni San Clemente sa mga taga-Corinto”Si San Irenaeus ay nagsabing nakita ni San Clemente ang mga pinagpalang Ap...
18/11/2024

Ang Liham ni San Clemente sa mga taga-Corinto”

Si San Irenaeus ay nagsabing nakita ni San Clemente ang mga pinagpalang Apostol at nakipag-usap sa kanila. Ang pangangaral ng mga Apostol at kanilang tradisyon ay naranasan niya at patuloy na isinabuhay. Ayon pa sa teologong si Tertullian, si San Pedro ang naggawad ng ordinasyon kay Papa Clemente.

Bilang ika-4 na Papa ng mga unang Kristiyano sa Roma, humugot siya sa karunungan ng mga Apostol upang gabayan ang mga Kristiyano sa Corinto. Isang di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga nakatatanda at nakababatang namumuno sa Simbahan ang nanganib sumira sa kanilang kapatiran sa Corinto. Sabi ni Papa San Clemente sa kanyang liham (13), “Kaya nga, mga kapatid, tayo ay magpakumbaba, talikuran ang lahat ng kapalaluan at pagmamataas… at ang bugso ng damdamin, lalo na ng galit; at kumilos tayo ayon sa nasusulat… Maging mapagnilay sa mga salita ng Panginoong Hesus sampu ng kanyang halimbawa ng kaamuan at matiyagang pagtitiis… Sapagkat hindi tayo magkakaroon ng kaunting pinsala, bagkus ay malaking panganib, kung padalus-dalos nating ibibigay ang ating sarili sa mga hilig ng mga tao na naglalayon sa kapana-panabik na alitan at kaguluhan, upang ilayo tayo sa mabuti. Maging mabait tayo sa isa't isa ayon sa huwaran ng magiliw na awa at kagandahang-loob ng ating Lumikha.”

Ang kanyang liham ay puno ng pagpapaalala ng pagpapakumbaba, paghimok na magkaisa ang buong Simbahan sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, pagmamahalan, at paghahanda sa muling pagdating ni Hesukristo.

Papa San Clemente, gabayan ninyo po ang aming bayan, ilayo kami sa panganib ng pagmamataas at alitan, at ilapit kami sa kay Hesus. Amen.

©️ CFD Angono

31/10/2024
31/10/2024
31/10/2024

🙏 HOLY MEN AND WOMEN, PRAY FOR US!

As one Blessed Ivan Merz Family, let us celebrate All Saints' Day at the Reliquarium in the presence of their Sacred Relics.

5:30PM • SOLEMN VESPERS
6:00PM • HOLY SACRIFICE OF THE MASS

to the Reliquarium

Taos-pusong pagbati po mula sa CFD Angono. Maligyang kaarawan po sa inyong aming minamahal na kura, Rev. Fr. Eymard Bala...
31/10/2024

Taos-pusong pagbati po mula sa CFD Angono. Maligyang kaarawan po sa inyong aming minamahal na kura, Rev. Fr. Eymard Balatbat.

Wishing you a very happy birthday! Your leadership and dedication to our parish have been a true blessing. May this special day bring you joy and peace, and may the year ahead be filled with God’s grace and abundant blessings. Thank you for your unwavering service and inspiration to us all.

Warm wishes on your special day Father Eymard!



“𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨”Ipinahayag ng Mahal na Birhen kay Santo Domingo ang mga kapakinabangan para sa mga ...
14/10/2024

“𝐀𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨”

Ipinahayag ng Mahal na Birhen kay Santo Domingo ang mga kapakinabangan para sa mga taong taimtim na nagdarasal ng Rosaryo. Ilan dito ay ang mga sumusunod:

Una, 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐛𝐢 𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐢𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐢𝐧𝐮𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐠𝐢𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐝𝐚𝐫𝐚𝐬𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐚𝐲 𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩 𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐠𝐧𝐚𝐥 𝐠𝐫𝐚𝐜𝐞 𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐭𝐢𝐜𝐮𝐥𝐚𝐫 𝐧𝐚 𝐛𝐢𝐲𝐚𝐲𝐚. Unawain nating hindi transactional ang pangakong ito; hindi ibig sabihin na magdasal ka lang ay may matatanggap ka na. Ang matapat na paglilingkod at pagpapakita ng lalim ng pananampalataya ang binibiyayaan ng Diyos. At ang biyayang ibibigay ng Diyos ay naaayon sa Kalooban Niya, hind lamang sa kahilingan natin.

Ikalawa, 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐁𝐢𝐫𝐡𝐞𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐬𝐩𝐞𝐬𝐲𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐭𝐞𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐝𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐲𝐚𝐲𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐝𝐚𝐫𝐚𝐬𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨. Ang ating Ina ang ating Tagapagtanggol at ang daluyan ng lahat ng biyaya ni Hesus sa atin. Nangangako ang Mahal na Birhen na babantayan niya upang di mapalayo kay Hesus ang mga nagdarasal ng Rosaryo.

Ikatlo, 𝐚𝐧𝐠 𝐑𝐨𝐬𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐲𝐚𝐫𝐢𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐢𝐦𝐩𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐨; 𝐬𝐢𝐬𝐢𝐫𝐚𝐢𝐧 𝐧𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨, 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐭𝐚𝐥𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐫𝐨 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐠𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐚𝐭𝐚𝐲𝐚. Sa pagdarasal ng Rosaryo, mas lumalalim ang ating pananampalataya kaya mas magiging matatag tayo sa pagpili ng tama at sa pagwaksi ng mga bisyo.

Ilan lamang ito sa 15 pangako ng Mahal na Birhen sa pagdarasal ng Rosaryo. Pero huwag nating kalilimutan na bagaman lumalapit tayo kay Maria, tayo ay itinuturo naman niya sa kanyang Anak na si Hesus. Mariing sinabi ni San Louis de Montfort na ang pinakamahusay at pinakamabilis na paraan ng pakikipag-isa sa ating Panginoon ay sa pamamagitan ng kanyang Mahal na Ina. May kapangyarihan ang pagdarasal ng Rosaryo, pero pinakamahalaga pa rin ang pagpapalalim ng relasyon natin kay Kristo sa pagdiriwang ng Eukaristiya at pagtanggap sa kay Hesus sa komunyon.
©️ CFD ANGONO

11/10/2024

Ang walang patid na pagdarasal ng Santo Rosaryo ng mga kabataan araw-araw sa CFD Antipolo.

October is Month of Holy Rosary

Address

Angono
1930

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Catholic Faith Defenders -Diocesan Shrine and Parish of St. Clement Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share