Kaalaman mula sa Bibliya

Kaalaman mula sa Bibliya Meron kaming libreng pagaaral sa Bibliya.

Ang mabuting Balita Ng kaharian ay ipapangaral sa Buong lupa (Mateo 24:14 )

gusto mo bang malaman Ang katotohanan at masagot Ang mga mahahalagang tanong sa Buhay at malaman kung ano layunin Ng Buhay? Ang page na ito ay hindi para sa negosyo ginawa ito para sa personal na tulong sa mga tao para maintindihan ang salita ng Diyos

Bakit may mga bagyo at lindol ? Ano Ang sinasabi Ng Bibliya sa mga pangyayaring ito Ngayon ? Lucas 21:10-11 " 10. Sinabi...
06/11/2025

Bakit may mga bagyo at lindol ?

Ano Ang sinasabi Ng Bibliya sa mga pangyayaring ito Ngayon ?

Lucas 21:10-11 "

10. Sinabi pa niya sa kanila: “Maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian.

11. Magkakaroon ng malalakas na lindol, gayundin ng mga epidemya at taggutom sa iba’bang lugar. Makakakita ang mga tao ng nakakatakot na mga bagay, at magkakaroon ng mga tanda na kitang-kita sa langit.

Sinabi ni Jesus na mangyayari Ang mga ito Bago Siya Bumalik para wakasan Ang kasamaan sa buong lupa. Mga tanda ito na mangyayari pero di pa ito Ang totoong wakas Ng sistema ni satanas Dito sa lupa.konektado din ito sa Page abuso Ng tao sa kalikasan at Pagkasira Ng Ozone layer dahil sa Factory at mga gawaing Sensya sa kalawakan sinisira nila Ang Mundo na may masamang epekto sa cycle Ng lupa.

DIYOS BA ANG MAY KAGAGAWAN NG MASASAMANG PANGYAYARI SA LUPA?

sagot Ng Bibliya " SANTIAGO 1:13 "

13. Kapag dumaranas ng pagsubok, huwag sabihin ninuman: “Sinusubok ako ng Diyos.” Dahil ang Diyos ay hindi masusubok na gumawa ng masama, at hindi rin niya sinusubok ang sinuman na gumawa ng masama.

And Diyos ay walang bakas Ng kasamaan kaya di niya magagawang gamitin Ang mga Bagyo o lindol para parusahan Ang mga tao pero Meron Siyang panahon Ng paghatol tinatawag itong ARMAGEDON sa salitang Hebreo Ang kahulugan nito ay " Dakilang Araw Ng Diyos o digmaan ito Ng Diyos para wakasan Ang lahat Ng kasamaan sa lupa sa malapit na hinaharap.

BAKIT MARAMI ANG PAGDURUSA ?

1JUAN 5:19 - AnG Buong Mundo ay nasa kapangyarihan Ng Isa na Masama. Ang Diablo

Kaya di Tayo makakaasa na Bubuti Ang kalagayan Lalo pa itong sasama Ng sasama.

Sinasabi Ng Bibliya :  Pinatitigil niya ang mga digmaan sa buong lupa. Binabali niya ang pana at dinudurog ang sibat; Si...
05/08/2025

Sinasabi Ng Bibliya : Pinatitigil niya ang mga digmaan sa buong lupa. Binabali niya ang pana at dinudurog ang sibat; Sinusunog niya ang mga karwaheng pangmilitar. Basahin ( awit 46:9)

Ibig sabihin Hindi gusto Ng Diyos Ang Mga Digmaan o karahasan. Tinuturo Ng Diyos sa Bibliya na mag ibigan sa isat Isa. (Basahin Colosas 3:13-14 ) Ayaw Ng Diyos Ang pagaaway na humahantong sa Kamatayan.

Tanong Ng karamihan : Bakit ba may mga Digmaan ? Para malaman Ang Sagot pwede Kang mag Direct message sa ating page 📩

Thank you !!! ❤️

LAHAT BA NG RELIHIYON AY TAMA Ang mga relihiyon ay parang Iisang Daan na patungo sa iisang Diyos. Pero Ganon nga kaya si...
27/04/2024

LAHAT BA NG RELIHIYON AY TAMA

Ang mga relihiyon ay parang Iisang Daan na patungo sa iisang Diyos. Pero Ganon nga kaya sinabi Ng Bible.. Sabi ni Jesus sa Mathew 7:13-14

May dalawang Daan lang Tayo na dapat lakaran Isang malapad Isang makipot

Sa verse 13 Yung malapad na papunta sa pagkapusa o paghatol sa verse 14 Yung makipot na papunta sa Buhay
At konti lang nakakakita nito.

Ang makipot Ang tinutukoy ni Jesus na tamang daanan papunta sa tunay na Buhay ibig sabihin tungo sa magandang kaugnayan sa Diyos.

Halimbawa : Maraming nag Sabi na kristiano sila pero makikita sa paraan Ng pamunuhay ay taliwas sa sinasabi Ng Bibliya halimbawa paniniwala sa mga Patay kapag namatay naniniwala na pinapahirapan Ng Diyos sa emperno Ang mga taong makasalanan Ng walang Hanggan. Ang iba Naman naniniwala na bubuhayin sa ibang katawan. Reincarnation at iba mapupunta sa langit

Pero sinasabi Ng Eclesiastes 9:5 - Ang mga Patay ay Wala Ng alam. Kaya di na sila pwedeng masaktan pa o pahirapan pa.

At sinasabi Ng Eclesiastes 12:7 Ang alabok bumabalik sa lupa at Ang hininga Ng Buhay ay babalik sa Diyos na nag bigay nito..

Kaya makikita sa tunay kristiano kung lumalakad Tayo sa tamang Daan Hindi lang Basta paniniwala lang kung ano tradition na kinagisnan Mula pagkabata kailangan natin aralin mabuti kung ano katotohanan. Sabi nga ni Jesus sa ( JHON 8:32 ) Ang katotohanan Ang magpapalaya sainyo. Ibig sabihin ni Jesus sa maling mga turo. O kasinungalingan pwede tayong Mapapalaya.

Kasi sa hinaharap tangin nasa katotohanan lang Ang maililigtas Ng Diyos at ibubukod ni Jesus Ang mga tupa sa kambing..hatulan niya Ang mga tao ayon sa kanilang pinakitang pananampalataya sa Diyos.

Kaya Hindi lahat Ng RELIHIYON ay papunta sa magandang kaugnayan sa Diyos Kasi Ang tunay na RELIHIYON ay Ang papunta sa tamang paniniwala tungkol sa Diyos.

14/04/2024

Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo, ang Ama na magiliw at maawain at ang Diyos na nagbibigay ng kaaliwan sa anumang sitwasyon, (2CORINTO 1:3)

Dapat paba Tayo mag taka sa mga Kaguluhan sa paligid ? Sinasabi Ng Bibliya na nabubuhay na Tayo sa mga huling Araw Ng si...
30/03/2024

Dapat paba Tayo mag taka sa mga Kaguluhan sa paligid ?

Sinasabi Ng Bibliya na nabubuhay na Tayo sa mga huling Araw Ng sistema ito

(2 TIMOTEO )
Pero sinasabi ko sa iyo na sa mga huling araw, magiging mapanganib at mahirap ang kalagayan.

Sinabi din ni JESUS na Magkakaroon Ng mga DIGMAAN at TAGGUTOM sa ibat ibang Lugar
Sa panahon Ng Kawakasan. ( Mateo 24:6-8 )

Kaya dapat paba tayong magtaka o mas kailangan nating magtiwala sa mga hulang natutupad sa Bibliya?

Posible ba Tayong mabuhay sa Isang Mundo na Wala Ng problema ?  Oo ito sagot Ng Bibliya : Isaias 32:18 "Titira ang bayan...
29/03/2024

Posible ba Tayong mabuhay sa Isang Mundo na Wala Ng problema ?

Oo ito sagot Ng Bibliya :

Isaias 32:18

"Titira ang bayan ko sa mapayapang tahanan, Sa ligtas na mga tirahan at tahimik na mga pahingahan.

Ang Diyos ay Hindi makakapag sinungaling talagang tutuparin niya Ang pangako na iyan sa Darating na hinaharap maging payapa Ang lupa

Ang maamo at matuwid Ang maninirahan Dito sa lupa Magpakailanman sinabi Ng Bibliya

Awit 37: 10 -11 at 29. Na mawawala na Ang Kasamaan at maging lubos na mapayapa Ang lupa at maninirahan Ang maamo at matuwid magpakailanman sa Isang Mundo na Wala Ng Pagdurusa Wala na problema dulot Ng pamamahala Ng tao kundi Ang kaharian Ng Diyos na may perpektong hari si Jesus mismo Ang namamahala para maging paraiso Ang Buong lupa kasama Ng kaniyang mga tagalamahala na pinili Mula sa lupa 144,000 na magiging kasama ni Jesus na mamahala.

26/03/2024

P**i share po Ang ating page

25/03/2024

Panoorin Ang video 📺

Sinisikap Ng tao mabuhay Ng walang Hanggan manatiling Bata kahit pa million million Ang gastusin para magawa Ng sensiya na pigilan Ang pagtanda..para mabuhay magpakailanman. Pero kaya ba talaga Ng technolohiya magawa ito ? Base sa mga Scientist ay imposible itong magawa.

Sinasabi din Ng Bibliya Ang dahilan Ng kamatayan Ng tao - ( Roma 5:12 )

12. Kaya sa pamamagitan ng isang tao, ang kasalanan ay pumasok sa sangkatauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ang kamatayan, kaya naman ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil silang lahat ay nagkasala.

Para itong sakit na naipasa sa ating lahat na walang makakagamot kundi Ang Diyos lamang.

Nangangako Ang Diyos na maibabalik Ang kabataan "JOB 33:25 " magiging massariwa Ang laman at ibabalik Ang lakas Ng kabataan.

Sa pangako ito Tayo makakapag tiwala na posibleng mabuhay magpakailanman sa lupa kapag binalik Ng Diyos at ni Kristo Ang Paraiso maging perpekto muli Ang tao.

Sinasabi Ng Bibliya "Awit 37:29 - Ang matuwid Ang magmamayari Ng lupa at titira sila roon magpakailanman "

https://www.facebook.com/share/v/SACoPXnkLVTPT1ka/?mibextid=oFDknk

Stress kaba ?  Dahil sa maraming problema dumarating parang Hindi natatapos !!  Matutulungan kanang BIBLIYA  kung ikakap...
22/03/2024

Stress kaba ? Dahil sa maraming problema dumarating parang Hindi natatapos !!

Matutulungan kanang BIBLIYA kung ikakapit mo Ang Payo ito ( FILIPUS 4:6-7 )

6. Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay; sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat;

7. at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ang magbabantay sa inyong puso at isip sa pamamagitan ni Kristo Jesus.

Hindi sa Diyos galing Ang mga problema o pagsubok kaya Hindi dapat sabihin sinusubok Tayo Ng Diyos Basahin (SANTIAGO 1:13 ) ,bagkus inaaliw pa Tayo Ng Diyos na malampasan ito tulad Ng sinabi sa FILIPUS 4:6-7 , Pinapatibay niya Ang bawat Isa sa Atin na makayanan Ang lahat Ng uri Ng problema gusto niya lumapit Tayo sa kaniya at magsumamo huminge Ng tulong at magpasalamat. ❤️

Tanong : Matatapos paba Ang mga problema ?

22/03/2024

Pero ipinakita sa atin ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa ganitong paraan: Namatay si Kristo para sa atin habang makasalanan pa tayo. ( ROMA 5:8 )

Sino Ang manininarahan sa Lupa sa Hinaharap ? Sinasagot Ng Bibliya Awit 37: 29  29 Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng l...
19/03/2024

Sino Ang manininarahan sa Lupa sa Hinaharap ?

Sinasagot Ng Bibliya

Awit 37: 29

29 Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, At titira sila roon magpakailanman.

Malinaw na Ang lupa ay mananatili Hindi ito masisira Dahil titirhan pa ito Ng mga taong matuwid mag pakailanman.

Sino ka sa mga ito Ngayon ?

Ano ba Ang inutos ni Jesus na ipagdiwang o alalahanin taon taon ? Birthday ba ? O kanyang Kamatayan ? Alin diyan Ang sus...
18/03/2024

Ano ba Ang inutos ni Jesus na ipagdiwang o alalahanin taon taon ?

Birthday ba ?
O kanyang Kamatayan ?

Alin diyan Ang susi para sa Tunay na Pagasa ?

Sinasabi Ng Bibliya tungkol sa ulat na ginawa ni Jesus Bago Siya mamatay sa tulos sa Lucas 22:19 "

19. Kumuha rin siya ng tinapay, nagpasalamat sa Diyos, pinagpira-piraso ito, ibinigay sa kanila, at sinabi: “Sumasagisag ito sa aking katawan na ibibigay ko alang-alang sa inyo. Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”

Ang kamatayan ni Jesus Ang tanging inutos niya na alalahanin natin taon taon dahil ito Ang pinakamahalagang pangyayari sa Buhay ni Jesus Ng tubusin niya Tayo sa kasalanan na minana natin Kay ADAN AT EVA. Dahil sa pantubos ni Jesus naging posible Tayong mapatawad kapag nagkakamali Tayo at magkaroon Ng magandang kaugnayan sa Diyos at pwedeng magkaroon Ng Buhay na walang Hanggan sa Isang paraisong lupa na malapit Ng Dumating.

Kaya Ang Memorial Ng kamatayan ni Jesus ay inalala taon taon. Invited ka sa Taong ito March 24 , sa KINGDOM HALL of JEHOVA WITNESS

Sa higit na impormasyon tungkol sa Pantubos
Kindly pm sa ating official page

Address

Angono
1893

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaalaman mula sa Bibliya posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share