Kapilya ni Kristong Hari - Exodusville Chapel

Kapilya ni Kristong Hari - Exodusville Chapel Official page of Christ the King Chapel under the Diocesan Shrine and Parish of Saint Clement

VIVA CRISTO REY! VIVA!
25/11/2025

VIVA CRISTO REY! VIVA!

HALINA'T  TAYO'Y MAG-ALAY NG BULAKLAK KAY MARIA!Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating taunang Flores de Maria: a...
30/04/2025

HALINA'T TAYO'Y MAG-ALAY NG BULAKLAK KAY MARIA!

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa ating taunang Flores de Maria: ang Buwan ng pag-aalay ng Bulaklak sa Mahal na Birheng Maria, na gaganapin mula ika- 1 hanggang ika- 31 ng Mayo, 2025.

Iskedyul ng Gawain:
Linggo hanggang Biyernes – alas 3:00 n.h.
Sabado – alas 2:00 n.h.

Ngayong buwan ng Mayo, ialay natin ang ating mga bulaklak, panalangin at pusong puno ng pananampalataya sa ating Mahal na Ina. Nawa'y magsilbing gabay sa atin ang kanyang pagmamahal at pananalig sa Diyos.

"Halina at Magsidulog
Kay Mariang ina ni Jesus
At nating tanang tinubos
Nitong poong mananakop
Sintahin nati't igalang
Yamang siya'y ating Ina!"

“Iyong itulot sa amin Diyos Amang maawain mangyaring aming dalitin, hirap, sakit at hilahil ng Anak mong ginigiliw.”Ngay...
14/04/2025

“Iyong itulot sa amin
Diyos Amang maawain
mangyaring aming dalitin,
hirap, sakit at hilahil
ng Anak mong ginigiliw.”

Ngayong Lunes Santo, ating muling sariwain ang dakilang sakripisyo ni Hesus sa pamamagitan ng Pabasa ng Pasyon sa Kapilya ni Kristong Hari ngayong ika-12 ng tanghali.


Ang kapilya ni Kristong Hari, sa pakikilahok ng Samahang Lingkod ng Mag Ina at Mahal na Sto. Niño de San Vicente ay magk...
13/04/2025

Ang kapilya ni Kristong Hari, sa pakikilahok ng Samahang Lingkod ng Mag Ina at Mahal na Sto. Niño de San Vicente ay magkakaroon ng Pabasa ng Pasyon sa darating na Lunes Santo, mula ika-12 ng tanghali. Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa taimtim na pagninilay at paggunita sa Mahal na Araw.



Magkita-kita po tayo mamaya ng 1:30 PM sa tahanan ng Hermano Mayor 2023 Bujie Liwanag at pamilya sa B 20 L 11 sa Exodusv...
17/11/2023

Magkita-kita po tayo mamaya ng 1:30 PM sa tahanan ng Hermano Mayor 2023 Bujie Liwanag at pamilya sa B 20 L 11 sa Exodusville upang simulan maikling prusisyon ng paghahatid sa ganap na 2:00 PM mula sa tahanan ng hermano hanggang sa kapilya at ang unang nobenaryo para sa dakilang kapistahan ni Kristong Hari

Mabuhay Kristong Hari!
Viva San Clemente

Narito ang programa para sa mga gawain ng ating kapilya para sa dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Mabuhay Kristong H...
16/11/2023

Narito ang programa para sa mga gawain ng ating kapilya para sa dakilang kapistahan ng Kristong Hari. Mabuhay Kristong Hari! Viva San Clemente!

Kasalukuyang ginaganap ngayon pagrorosario para sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang kaarawan.
08/09/2023

Kasalukuyang ginaganap ngayon pagrorosario para sa karangalan ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang kaarawan.

Mamaya sa ika-1 ng hapon ay inaanyayahan ang mga deboto ng Mahal na Birheng Maria na dumalo sa gaganaping PAGRO-ROSARYO ...
07/09/2023

Mamaya sa ika-1 ng hapon ay inaanyayahan ang mga deboto ng Mahal na Birheng Maria na dumalo sa gaganaping PAGRO-ROSARYO bilang pagdiriwang sa kanyang kaarawan. Pagkatapos, sa ika-3 ng hapon ay susundan ito ng paglabas ng mga imahen mula sa kapilya patungo sa simbahan.

Maraming Salamat po!
Maligayang Kaawaran sa ating Mahal na Birheng Maria!
Viva La Virgen!

28/05/2023
PASKUHAN SA EXODUS VILLE December 23, 2022 Mula po sa Pamunuan ng Kapilya ng Kristong malugod ko pong ipinapakilala sa i...
24/12/2022

PASKUHAN SA EXODUS VILLE
December 23, 2022

Mula po sa Pamunuan ng Kapilya ng Kristong malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang bagong Hermano Mayor 2023 ay si Kagawad Bujie Liwanag at kaniyang pamilya.

Kahapon ay pormal nang ipinasa ni hermana mayor 2022 na si Tita Racquel Caranto ang kaniyang tungkulin sa susunod na Hermano para sa susunod na Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari

Narito ang ilang mga litrato na mga naganap kagabisa Kapilya.
MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR!

Address

Angono

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapilya ni Kristong Hari - Exodusville Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share