14/09/2025
𝐌𝐀𝐆𝐏𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓, 𝐌𝐀𝐆𝐏𝐔𝐑𝐈 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐆𝐀𝐋𝐀𝐊!
Ngayong umaga, ibinalita ng ating kura paroko, Reb. Padre John Paul P. Cabrera na ang ating parokya ay ginawaran ng
𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗕𝗢𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗦𝗣𝗜𝗥𝗜𝗧𝗨𝗔𝗟 𝗔𝗙𝗙𝗜𝗡𝗜𝗧𝗬
ng Basilica de la Merce, sa Barcelona, Spain, ang sentro ng debosyon sa Mahal na Ina ng Awa.
Ito ay ang unang pagkakataon sa buong mundo na ang Basilika at ang Orden de la Merced ay nagbigay ng ganitong karangalan.
Ito ay matapos ang paghiling ng mga parokyano ng Bahay Pare, Candaba, Pampanga, sa rekomendasyon ng Arsobispo ng San Fernando - Pampanga, ang Lub. Kgg. Florentino G. Lavarias, D.D., sa Arsobispo ng Barcelona na si Lub. Kgg. Juan Jose Cardinal Omella, D.D. at sa Rektor ng Basilika na si Reb. Pd. Fermin Delgado Ramirez, OdeM na buong pusong tinanggap ang petisyong ito.
Tulad sa pagbisita sa Basilica ng Mahal na Ina sa Barcelona, ang mga mananampalatayang bibisita sa ating parokya ay magkakaroon ng "spiritual benefits" sa bisa ng pag-uugnayang ito.
𝐕𝐢𝐯𝐚 𝐍𝐮𝐞𝐬𝐭𝐫𝐚!