18/02/2026
🌿 Buhay at Pag-asa Evangelism Crusade | Unang Tatlong Gabi 🌿
Isang pagpapala ang pagsisimula ng ating crusade ngayong February 11, 13, at 14. Sa loob ng tatlong gabi, patuloy nating nasaksihan kung paano kumikilos ang Diyos sa buhay ng bawat dumalo.
Sa unang gabi, tinalakay ang “Buhay at Pag-asa sa Salita ng Diyos,” na nagpapaalala sa atin na sa gitna ng anumang pagsubok, ang tunay na pag-asa ay matatagpuan sa Kanyang Salita.
Sa ikalawang gabi, mas lumalim ang ating pananampalataya sa mensaheng “Ang Paglikha ng Lahat ng Bagay,” na nagbigay-linaw sa kapangyarihan at layunin ng Diyos mula pa sa simula.
At sa ikatlong araw, ating pinag-aralan ang “Ang Pinagmulan ni Satanas,” na nagmulat sa atin sa dakilang tunggalian at kung paano tayo mananatiling matatag kay Cristo.
Bago ang bawat mensahe, nagkaroon din ng health lectures mula sa CELEBRATIONS na tumulong sa ating kabuuang kalusugan.
Noong unang gabi, pinag-usapan ang CHOICES, ang kahalagahan ng tamang pagpili sa araw-araw.
Noong ikalawang gabi, tinalakay ang EHERSISYO at ang mga benepisyo nito sa ating katawan.
At noong Sabbath afternoon, napag-aralan ang LIQUIDS, na tinawag na “langis ng katawan,” at kung paano ito mahalaga sa ating kalusugan.
Tunay na napakabuti ng Panginoon sa matagumpay na pagsisimula ng ating crusade. Patuloy po naming inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa mga susunod pang gabi ng pag-aaral, kalusugan, at pag-asa.
✨ Samahan ninyo kami sa paglalakbay na ito hanggang March 28. Habang may buhay, may pag-asa.