SDIS ESP Club / Campus Youth Ministry

SDIS ESP Club / Campus Youth Ministry Official page of SDIS ESP Club and Campus Youth Ministry

Magandang Buhay!Ang kusang-loob at taos pusong pagbibigay natin sa mga mahihirap nating mga kapatid at pagiging bukas-pa...
11/01/2026

Magandang Buhay!

Ang kusang-loob at taos pusong pagbibigay natin sa mga mahihirap nating mga kapatid at pagiging bukas-palad ay ang paraan ng pasasalamat natin sa Diyos na hindi matutumbasan sa pagiging maawain at mapagbigay na nagkaloob ng kanyang Bugtong na Anak.

Kaagapay ang Barangay Sto. Domingo sa pamumuno ni Kaptina Maria Marcia B. Arceo, ang JHS V.E Club at SSLG sa pangunguna ni G. Vincent Luis P. Cabrera, V.E Club Adviser at G. King Emerald Cunanan, SSLG Adviser ay nagbahagi ng mga kaloob na donasyon para sa buwan ng Enero 2026 mula sa mga bukas-palad na mag-aaral ng Sto. Domingo Integrated School bilang pagtulong sa mga kapus-palad na mamayanan ng ating barangay. Pinasasalamatan din natin ang pamunuan ng atin paaralan sa pangunguna ng ating Principal, Allan R. Traquina, OIC Head Teacher, Glenn P. Sarmiento, at Assistant Principal, Patrick L. Academia.

Maraming salamat po sa lahat ng tao naging instrumento at daan para makatulong at maramdaman ng ating mga kapus-palad na mga kapatid ang pagmamahal at kabutihan ng Diyos. Sa kagandahan ng inyong kalooban at puso at sa pagbibigay at pagbabahagi ng biyaya para sa ating Balik Kapwa Box at Pondo ni Domingo, pagpalain nawa kayo lagi ng Poong Maykapal!

Magandang Buhay!Ika nga ng Proverbs 19:17: "Whoever is generous to the poor lends to the Lord, and He will repay him for...
11/01/2026

Magandang Buhay!

Ika nga ng Proverbs 19:17: "Whoever is generous to the poor lends to the Lord, and He will repay him for his deed."

Sa tulong ng mga mapagmalasakit na volunteers sa JHS V.E Club sa pangunguna ni G. Vincent Luis P. Cabrera na ini-handa at ini-ayos ang mga donasyon mula sa Balik-Kapwa Box na nagmula sa mga bukas-palad na mag-aaral sa Sto. Domingo Integrated School bilang pagtulong sa mga kapus-palad na mamayanan ng ating barangay para sa buwan ng Enero 2026. Pinasasalamatan din natin ang pamunuan ng atin paaralan sa pangunguna ng ating Principal, Allan R. Traquina, OIC Head Teacher, Glenn P. Sarmiento, at Assistant Principal, Patrick L. Academia.

Ad Majorem Dei Gloriam!
All For the Greater Glory of God!






Magandang Buhay!Maraming salamat sa kusang-loob at taos-pusong pagbabahagi para sa ating mga kapatid na nangangailangan....
06/01/2026

Magandang Buhay!

Maraming salamat sa kusang-loob at taos-pusong pagbabahagi para sa ating mga kapatid na nangangailangan. Sa bawat handog ninyo, ramdam ang malasakit, kabutihan, at pusong handang tumulong na isang tunay na simbolo ng pasasalamat sa Diyos na patuloy na nagmamahal at nagbibigay.

Lubos ang aming pasasalamat sa mga mag-aaral ng Grade 7, 8, 9 at Grade 10 sa kabutihan ng inyong mga puso at sa inyong malasakit sa pagbabahagi ng biyaya para sa Balik Kapwa Box para sa buwan ng Disiyembre. Nawa’y pagpalain kayo palagi ng Poong Maykapal!

Ad Majorem Dei Gloriam!
All for the Greater Glory of God!






🕯️ 𝑫𝑨𝑼𝑵 2025 🕯️Bilang iisang pamilyang paaralan, tayo ay tumitigil sandali upang alalahanin…Ang pag-ibig, ang sakripisyo...
01/11/2025

🕯️ 𝑫𝑨𝑼𝑵 2025 🕯️

Bilang iisang pamilyang paaralan, tayo ay tumitigil sandali upang alalahanin…
Ang pag-ibig, ang sakripisyo, at ang buhay ng mga nauna nang lumisan.

Ang kanilang alaala ay patuloy na nagbibigay-liwanag, gumagabay sa ating pananampalataya, at nagpapalakas sa ating bawat hakbang. 🕊️

Nawa’y maging daan ang ating mga panalangin tungo sa kapayapaan ng kanilang mga kaluluwa,
at maging aliw sa mga pusong naiwan.
Sama-sama, buhay natin ang kanilang pamana.

We joyfully celebrate today the Feast of Our Lady of the Most Holy Rosary La Naval de Angeles, the Patroness of Angeles ...
12/10/2025

We joyfully celebrate today the Feast of Our Lady of the Most Holy Rosary La Naval de Angeles, the Patroness of Angeles City.

We thank the our Lady for bringing us hope, love and peace into our city. May she continue to guide and protect us in all our endeavors.

Masayang Fiesta Indu at Reina ning Sto. Rosario!
Masayang Fiesta Lakanbalen Angeles







Loving Father,In this moment of sorrow, we commend to You the soul of our beloved Holy Father, Pope Francis, who dedicat...
21/04/2025

Loving Father,
In this moment of sorrow, we commend to You the soul of our beloved Holy Father, Pope Francis, who dedicated his life in service to Your Church as shepherd, teacher, and servant of the servants of God.

In his humility, he taught us the mercy of God. In his courage, he defended the weak. In his heart, he embraced humanity as a true spiritual father.

Now, in his passing, we trust that You have welcomed him with Your angels and the Blessed Mother into the Kingdom of light and peace.

Forgive his human frailties, and reward him with eternal life for his faithful service to Your Church. May the words, “Well done, good and faithful servant… enter into the joy of your Lord,” be fulfilled in him.

Grant us the grace to continue his mission of mercy, justice, and hope. Do not abandon the Church he loved and led.

Eternal rest grant unto him, O Lord,
and let perpetual light shine upon him.
May he rest in peace. Amen.

Holy Mary, Mother of the Church – Pray for him.
Saint Peter – Pray for him.
All holy men and women – Pray for him.

✨ Pagkilala, Pasasalamat, Panalangin at Pagbabahagi: EsP Club Appreciation and Awarding Ceremony ✨Isang pagpupugay sa pa...
15/04/2025

✨ Pagkilala, Pasasalamat, Panalangin at Pagbabahagi: EsP Club Appreciation and Awarding Ceremony ✨
Isang pagpupugay sa pagtatapos ng makasaysayang biyayang espiritwal

Sa huling araw ng pagdalaw ng mga banal na imahe at unang-klaseng relics, ginanap ang isang makabuluhang pagtitipon bilang pagsasara ng kabanatang puspos ng pananampalataya at pagmamalasakit — ang EsP Club Appreciation and Awarding Ceremony.

🎖️ Sa araw na ito, binigyang-pugay natin ang mga pinakamasisigasig at aktibong miyembro ng EsP Club, mga mag-aaral na buong puso at sigasig ang ipinamalas sa lahat ng aktibidad, mula sa pananalangin, pag-aalay, katesismo, hanggang sa pagsasakatuparan ng mga proyektong kawanggawa.

💫 Bilang huling bonding ng samahan, isinagawa ang isang payak ngunit makahulugang salu-salo na puno ng kwento, tawa, at pasasalamat. Sabay-sabay tayong nagdasal, at itinurn-over sa mga mahihirap ang mga donasyong nalikom mula sa pagdalaw ng mga santo — isang konkretong pagpapahayag ng EsP Club ng Pagpapakatao at Makataong Paglilingkod.

🤝 Kasama natin sa makabuluhang araw na ito sina: 👨‍🏫 Sir Vincent Luis P. Cabrera – EsP Club Adviser at JHS Values Education Coordinator
👨‍🏫 Sir John Medina – Grade 10 Coordinator at Values Education Teacher

Ang kanilang gabay, inspirasyon at suporta ay naging haligi ng tagumpay ng club sa mga programang makadiyos, makatao at makabuluhan.

🌟 Hindi rin naming palalampasin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang lahat ng naging bahagi ng EsP Club mula sa simula. Mula sa unang hakbang hanggang sa kasalukuyang tagumpay — kayo ang puso ng samahang ito.

📚 Sa loob ng dalawang taon, ang mga pinaka-nagkamit ng parangal sa Moving Up Ceremonies ay pawang mga opisyal ng EsP Club — patunay na ang buhay na ginugol sa pananampalataya at serbisyo ay may gantimpalang tagumpay sa pag-aaral at buhay.

🙏 Isang panalangin para sa kinabukasan ng club:

"Panginoon, sa Iyo namin iniaalay ang lahat. Patuloy Niyo pong pagpalain ang EsP Club — palawakin pa ang aming malasakit, patibayin ang aming pananampalataya, at gabayan kami sa aming misyon na maging liwanag sa kapwa. Amen."

At sa pagtatapos na ito, hindi ito pamamaalam, kundi simula ng panibagong kabanata ng pananampalataya at paglilingkod.

Ad Majorem Dei Gloriam!
All For the Greater Glory of God!




Isang hudyat ng biyaya at karangalan ang pagbisita ni Schools Division Superintendent Engr. Edgard C. Domingo, PhD, CESO...
15/04/2025

Isang hudyat ng biyaya at karangalan ang pagbisita ni Schools Division Superintendent Engr. Edgard C. Domingo, PhD, CESO V sa Sto. Domingo Integrated School upang mag-alay ng paggalang at pagpaparangal sa mga banal na imahe at unang-klaseng relics sa kabila ng ating makulay na pagdiriwang ng Senior High School Graduation ngayong Abril 15, 2025.

Kasama siya sa pagdalaw at panalangin ng mga mahalagang imahe at relics ang ating mga tagapamahala:

Sir Allan R. Traquina – Punongg**o
Dr. Patrick Academia – Assistant Principal
Mr. Glenn P. Sarmiento – OIC JHS Head Teacher

Sa kanilang pagbisita, nagbigay sila ng matinding karangalan at biyaya sa ating paaralan at buong komunidad. Ang kanilang presensya ay isang patunay ng pagkilala at pagpapahalaga sa ating mga gawaing espiritwal at ang pagbabalik-loob sa Diyos.

Tunay nga na pinagpala at pinarangalan tayo sa pagkakataong ito. Habang tayo ay nagdiriwang ng tagumpay at pagtatapos ng mga mag-aaral sa Senior High School, ipinagpapasalamat din natin ang pagbisita ng mga pinuno ng ating komunidad na nagsisilbing gabay at inspirasyon sa bawat hakbang natin.

Maraming salamat po, Engr. Edgard C. Domingo, Sir Allan R. Traquina, Dr. Patrick Academia, at Mr. Glenn P. Sarmiento sa inyong pagmumuno at pagsuporta sa ating mga layunin bilang isang maka-Diyos at makatarungang pamayanan.

Ad Majorem Dei Gloriam!
All For the Greater Glory of God!




Isang Biyayang Pagbabalik at Pagbisita ng Pananampalataya Isang makasaysayang sandali ang naging pagdalaw ng Student Cat...
15/04/2025

Isang Biyayang Pagbabalik at Pagbisita ng Pananampalataya

Isang makasaysayang sandali ang naging pagdalaw ng Student Catholic Action (SCA) ng Republic Central Colleges (RCC) sa Sto. Domingo Integrated School bilang bahagi ng ating paggunita sa pagdalaw ng mga banal na imahe at unang-klaseng relics mula Abril 1–15, 2025.

Lubos ang aming pasasalamat sa kanilang aktibong pakikiisa sa mga gawaing espiritwal at debosyonal na ginanap sa ating paaralan—isang patunay na ang pananampalataya ay hindi nasusukat sa lugar, kundi sa bukas na pusong handang tumugon sa biyaya.

Isang natatanging pasasalamat kay Charles Dincen A. Candelaria, dating EsP Club President, na ngayon ay bahagi na ng RCC at patuloy pa ring naging instrumento ng Diyos sa pagbabalik at paggabay sa mga bagong kabataan upang makaranas ng ganitong grasya.

Kasama niya ang iba pang alumni ng SDIS na ngayon ay aktibong miyembro ng SCA ng RCC—isang inspirasyon sa mga mag-aaral ngayon na ang paglalakbay ng pananampalataya ay tuloy-tuloy, saan mang paaralan sila naroroon.

Sa kanilang pagdalaw, hindi lamang sila nakiisa sa panalangin at paggalang sa mga relics, kundi nagbahagi rin ng pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagsuporta sa ating mga proyektong kawanggawa na hango sa buhay ng mga santo.

Salamat po sa inyong pagbabalik at pakikiisa! Nawa’y patuloy kayong maging ilaw at gabay sa kapwa kabataan, at maging tagapagdala ng pananampalataya saan man kayo dalhin ng Diyos.

Ad Majorem Dei Gloriam!
All For the Greater Glory of God!




Isang pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Sto. Domingo Integrated School sa Chapel Pastoral Council ng Barangay Sto. D...
15/04/2025

Isang pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng Sto. Domingo Integrated School sa Chapel Pastoral Council ng Barangay Sto. Domingo na dumalaw at nakiisa sa makasaysayang pagbisita ng mga banal na imahe at unang-klaseng relics mula Abril 1–15, 2025. 🙏

Sa pangunguna ng kanilang contact person na si Sister Amy, ang buong pastoral council ay naglaan ng oras upang manalangin, magpugay, at makiisa sa ating mga gawaing espiritwal at kawanggawa. 💐📿

Hindi lamang nila pinayabong ang ating sama-samang pagdarasal, kundi buong puso rin silang nag-ambag sa ating charity projects na hango sa buhay ng mga santo:

✏️ Aquinas Scholars' Kit
🍞 Dominic’s Bread of Life
🍜 Margaret’s Meal of Mercy

Ang kanilang presensya ay isang patunay na ang pananampalataya ay higit pa sa salita—ito ay pagkilos at pagmamalasakit sa kapwa.

Maraming salamat po sa inyong panalangin, suporta, at pagmamahal. Nawa’y patuloy tayong magkaisa sa layunin ng paghubog ng Maka-Diyos, Makatao, Makabansa, at Makakalikasan na pamayanan.

Ad Majorem Dei Gloriam!
All For the Greater Glory of God!




Ngayong araw, habang pormal nating tinatapos ang pagdalaw ng mga banal na imahen at unang-klaseng relics mula Abril 1 ha...
15/04/2025

Ngayong araw, habang pormal nating tinatapos ang pagdalaw ng mga banal na imahen at unang-klaseng relics mula Abril 1 hanggang Abril 15, 2025, sabay-sabay tayong tumingala sa langit na may pusong puspos ng pasasalamat at pag-asa.

Sa loob ng dalawang linggong ito, tunay ngang naramdaman natin ang presensya ng Diyos sa ating paaralan. Hindi lamang sa tahimik na panalangin kundi sa mga konkretong gawa ng pananampalataya at pagmamalasakit.

🙏 Mga Banal na Gawain na Isinagawa:

📿 Sama-samang pagdarasal ng Santo Rosaryo – isang pagpapahayag ng ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

🕯️ Paggalang at paglapit sa mga banal na imahe at unang-klaseng relics – kabilang na ang mga buto ng mga santo at ang napakabihirang Real Veil of the Blessed Virgin Mary (ang tunay na belo na pinaniniwalaang isinusuot ng Mahal na Ina).

📚 Mga Katesismo, talakayan, at pagninilay – na nagturo sa atin ng mga aral mula sa buhay nina St. Dominic de Guzman, St. Thomas Aquinas, St. Margaret of Castello, at ang ating Mahal na Ina ng Santo Rosaryo.

🤝 At higit sa lahat, naisabuhay natin ang mga aral ng mga banal sa pamamagitan ng charity projects na ito:

✏️ "Aquinas Scholars' Kit" – Donasyon ng School Supplies
Paggunita sa pagmamahal ni St. Thomas Aquinas sa karunungan, nagbigay tayo ng school supplies sa mga batang higit na nangangailangan.

🍞 "Dominic’s Bread of Life" – Donasyon ng Pagkain
Bilang inspirasyon kay St. Dominic, namahagi tayo ng crackers, biscuits, at cupcakes sa mga pamilyang dumaranas ng gutom.

🍜 "Margaret’s Meal of Mercy" – Pamimigay ng Noodles
Alaala ni St. Margaret of Castello, namahagi tayo ng noodles sa mga pamilyang kapos-palad bilang sagisag ng awa at malasakit.

🌸 Sa lahat ng ito, hindi rin matatawaran ang suporta at kabutihang loob ng maraming indibidwal at institusyon:

💐 Maraming salamat sa Sacred Heart Hospital sa pagbibigay ng mga bulaklak na ginamit sa ating pag-aalay.
💐 Taos-puso ring pasasalamat kina Ma’am May Manalili at iba pang g**o sa kanilang paghahandog ng bulaklak bilang tanda ng pagmamahal at debosyon.

📿 Mula sa kaibuturan ng aming puso, salamat sa Mila's Tokwa't Baboy at kay Rev. Fr. Rayvin Garcia, O.P. sa kanilang donasyon ng mga rosaryo na ibinahagi sa mga mag-aaral at bisita — isang napakagandang alaala ng panahong ito ng grasya.

🎒 Salamat din sa lahat ng g**o at mag-aaral na buong pusong nag-ambag para sa mga proyektong kawanggawa—tunay kayong huwaran ng Pagpapakatao at Makataong Paglilingkod.

At sa lahat ng ito, isang malaking pasasalamat sa ating Punongg**o, Sir Allan R. Traquina, at sa buong pamunuan ng Sto. Domingo Integrated School sa walang sawang gabay at suporta.

Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang ating pagkakaisa, pananampalataya, at malasakit. Tayo ay tunay na pinagpala!

Ad Majorem Dei Gloriam!
All For the Greater Glory of God!




Ngayong ika-15 ng Abril 2025, pormal na nating tinatapos ang isang napakabiyayang yugto sa Sto. Domingo Integrated Schoo...
15/04/2025

Ngayong ika-15 ng Abril 2025, pormal na nating tinatapos ang isang napakabiyayang yugto sa Sto. Domingo Integrated School—ang pagdalaw ng mga banal na imahen at mga relics mula Abril 1 hanggang Abril 15, 2025.

Sa loob ng dalawang linggo, tayo ay pinagpala ng presensya nina:

St. Dominic de Guzman
St. Thomas Aquinas
St. Margaret of Castello
Sto. Cristo del Perdon
At ang milagrosong 200-taong gulang na orihinal na Imahe ng Our Lady of the Holy Rosary de Malusac mula sa Malusac, Sasmuan

Kasama rin sa pagdalaw ang mga first-class relics—mga banal na bahagi mula sa mismong buto ng mga santo na nagpapaalala sa atin ng kanilang tunay na pagkabuhay sa pananampalataya.

Isinama rin sa ating paaralan ang napakabihirang Real Veil of the Blessed Virgin Mary—ang tunay na belo na pinaniniwalaang isinusuot ng Mahal na Ina, isang mahalagang tanda ng kanyang presensya at pagmamahal sa sangkatauhan.

Lubos ang ating pasasalamat kay Rev. Fr. Rayvin Garcia, O.P., ang pari at lingkod ng Diyos na naging daan upang maranasan natin ang napakagandang biyayang ito. Taos-puso rin ang pasasalamat sa suporta ng ating mga tagapamahala, lalo na sa ating mahal na Punongg**o, Sir Allan R. Traquina, sa kanilang gabay at pagtitiwala.

Habang tinatapos natin ang pagdalaw, baon-baon natin ang pasasalamat at pag-asa na patuloy tayong pagkakalooban ng Diyos ng Kanyang mga biyaya. Nawa’y mamuhay tayo sa kabanalan, inspirasyon ng mga banal na halimbawa sa ating harapan.

Maraming salamat po, Panginoon.
Hindi man habambuhay ang presensya ng mga imahen at relics, ang biyaya ng pananampalataya ay mananatili sa ating puso magpakailanman.

Ad Majorem Dei Gloriam!
All For the Greater Glory of God!




Address

San Pedro Street , Sto. Domingo
Angeles City
2009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SDIS ESP Club / Campus Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share