15/05/2026
π‘ππ₯ππ§π’ ππ‘π ππ¬π’π‘π πππ‘πππ’π, π£ππ‘πππ‘π’π’π‘
Kasabay ng ikalawang araw ng pagsisiyam para sa nalalapit na Kapistahan ni Santa Rita de Cascia, isinagawa ang Rito ng Pagtatalaga ng ππππππππππ (40) πππ ππππππ ππππππ ππ πΊππππππ ππ πππ π»πππππππππππππ
ππ π«ππππππ. Sila ay kinabibilangan ng mga kabataan mula sa mga Barrio ng Sta. Lucia, Banaban, Baybay at Binagbag. Sa isang taimtim at makabuluhang pagdiriwang, ipinahayag ng bawat isa ang kanilang taos-pusong pagnanais na maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng tapat na Paglilingkod sa Dambana.
Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng Samahan ng mga Tagapaglingkod ng Dambana ng ating Parokya sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang gawaing itoβsa inyo, sa mga tumayong sponsors, sa mga magulang at tagapangalaga ng mga kabataang itinalaga para sa kanilang walang sawang suporta, at kay Rdo. P. Joshua C. Panganiban, ang ating kasalukuyang Kura Paroko, na naging daan upang maisakatuparan ang lahat ng ito. Higit sa lahat, papuri at pasasalamat sa Diyos na siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya at dahilan ng matagumpay na pagdiriwang na ito.
Β‘Viva San Tarcisio!
Β‘Viva San Agustin!
Β‘Viva Santa Rita!