Immaculate Conception Quasi-Parish

Directions

Immaculate Conception Quasi-Parish The official page of Immaculate Conception Quasi-Parish
Marungko, Angat, Bulacan, 3012
email: [email protected]

Priest in Charge: Rev. Fr. Mendoza

Carlo S.

08/10/2026

10.08.2026 | 9:00 N.U. | Diocesan Pastoral Assembly 2026

[LIVE] Diocesan Pastoral Assembly 2026 | Morning Activity | 8 Waves Waterpark and Hotel, Ulingao, San Rafael, Bulacan

YOUTUBE LINK:
https://youtube.com/live/9p5clRvFbI4?feature=share



=================
Visit our Website and Follow our Social Media Platforms!
Website: https://dioceseofmalolos.ph/
Facebook: https://www.facebook.com/angsandiganmalolos
Instagram: https://www.instagram.com/angsandiganmalolos
Youtube: https://www.youtube.com/c/angsandiganmalolos
TikTok: https://www.tiktok.com/

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐– | ๐ˆ๐Š๐€- 08 ๐๐† ๐Ž๐Š๐“๐”๐๐‘๐„  2026 | ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-27 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ)๐™๐™‰๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผGa...
07/10/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐– | ๐ˆ๐Š๐€- 08 ๐๐† ๐Ž๐Š๐“๐”๐๐‘๐„ 2026 | ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-27 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ)

๐™๐™‰๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ
Galacia 3, 1-5

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Nahihibang na ba kayong mga taga-Galacia? Sino ang nakagayuma sa inyo? Maliwanag na ipinahayag sa inyo ang pagkamatay ni Hesukristo sa krus! Ito lamang ang ibig kong malaman sa inyo: tinanggap ba ninyo ang Espiritu dahil sa pagsunod sa Kautusan o dahil sa inyong pakikinig at paniniwala sa Mabuting Balita tungkol kay Kristo? Napakahangal ninyo! Nagsimula kayo sa Espiritu at ngayoโ€™y nagwawakas sa laman. Wala na bang halaga ang naging karanasan ninyo? Marahil naman ay mayroon. Bakit ba ipinagkakaloob sa inyo ng Diyos ang Espiritu? Bakit ba siya gumagawa ng mga himala? Dahil ba sa inyong mga gawa ayon sa Kautusan o dahil sa inyong paniniwala sa Mabuting Balita.

Ang Salita ng Diyos.

๐™Ž๐˜ผ๐™‡๐™ˆ๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™๐™๐™‚๐™๐™‰๐˜ผ๐™‰
Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75

P**ng Diyos ay purihin,
nilingap nโ€™ya ang Israel.

Nagpadala ang Diyos sa atin ng isang makapangyarihang Tagapagligtas,
mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.
Ipinangako niya sa pamamagitan ng kanyang mga banal na propeta noong una.

P**ng Diyos ay purihin,
nilingap nโ€™ya ang Israel.

Na ililigtas niya tayo sa ating mga kaaway.
At sa kamay ng lahat ng napopoot sa atin.
Ipinangako rin niya na kahahabagan ang ating mga magulang,
at aalalahanin ang kanyang banal na tipan.

P**ng Diyos ay purihin,
nilingap nโ€™ya ang Israel.

Iyan ang sumpang binitiwan niya sa ating amang si Abraham,
na ililigtas tayo sa ating mga kaaway,
upang walang takot na makasamba sa kanya,
at maging banal at matuwid sa kanyang paningin, habang tayoโ€™y nabubuhay.

P**ng Diyos ay purihin,
nilingap nโ€™ya ang Israel.

๐˜ผ๐™‡๐™€๐™‡๐™๐™”๐˜ผ
Mga Gawa 16, 14b

Aleluya! Aleluya!
Kamiโ€™y iyong pangaralan
upang aming matutuhan
ang Salitang bumubuhay!
Aleluya! Aleluya!

๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™๐™„๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™๐˜ผ
Lucas 11, 5-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โ€œIpalagay natin na ang isa sa inyoโ€™y nagpunta sa isang kaibigan isang hatinggabi at nagsabi, โ€˜Kaibigan, bigyan mo muna ako ng tatlong tinapay. Dumating kasi ang isa kong kaibigang naglalakbay at wala akong maihain sa kanya!โ€™ At ganito naman ang sagot ng kanyang kaibigan sa loob ng bahay, โ€˜Huwag mo nga akong gambalain! Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi na ako makababangon pa upang bigyan kita ng iyong kailangan.โ€™ Sinasabi ko sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagkakaibigan, babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan sa pagpupumilit nito. Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayoโ€™y bibigyan; humanap kayo at kayoโ€™y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pintoโ€™y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung humihingi ng isda? Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siyaโ€™y humihingi ng itlog? Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya!โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”
Ang mga Pagbasa po ay mula sa Awit at Papuri Communication ( awitatpapuri.com )



๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ | ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐๐† ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐ˆ๐Ž | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž 07,2026 O Reyna ng Pilipinas, sa iyong mapagkalingang kamay, ta...
07/10/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ | ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐๐† ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐ˆ๐Ž | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž 07,2026

O Reyna ng Pilipinas, sa iyong mapagkalingang kamay, tangan-tangan mo si Hesus na aming Panginoon, aming Hari at Tagapagligtas. Tangan-tangan mo Siya upang aming sambahin at paglingkuran, upang aming mahalin at gawing sandigan ng aming kaligtasan. O aming Ina at Reyna, munti ang aming mga puso subalit dakila ang aming pagmamahal.

Hinihiling namin na dalawin mo kami at sa amiโ€™y maghari ang iyong Anak, upang makaisa kami sa iyong piling, upang mapuspos kami ng iyong pag-ibig at patnubay, upang akayin kami sa walang hanggang Fiat at Magnificat sa Diyos na Makapangyarihan. Amen.

Kupkupin mo kami sa iyong pagkakandili, O Reyna ng Santo Rosaryo. Huwag mo kaming siphayuin sa aming pagluhog, bagkus ipag-adya mo kami sa lahat ng panganib at kasamaan, O maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.

Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo, ipanalangin mo po kami!



๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐! Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Makinabang  (Makinabang,Lungsod ng Baliwag, Bula...
07/10/2026

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐!
Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Makinabang
(Makinabang,Lungsod ng Baliwag, Bulacan)

Pagbati sa: Ang Layag - Our Lady of the Most Holy Rosary Parish

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐!
Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Sto. Rosario ng Makinabang
(Makinabang,Lungsod ng Baliwag, Bulacan)

Pagbati sa: Ang Layag - Our lady of the Most Holy Rosary Parish

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐•๐ˆ๐‘๐†๐„๐ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐”๐ˆ๐๐€๐๐€๐๐†

Aming Pintakasi,
itinataas namin ang aming mga pusong uhaw
sa pag-ibig ng iyong Anak.
Gabayan mo kami upang manatiling tapat sa Kanya
at mamuhay ayon sa Kanyang mga aral.
Palakasin mo ang aming pananampalataya
upang sa bawat pagsubok
ay patuloy kaming umasa, magtiwala,
at kumapit sa Diyos.
Amen.

Pagbati mula sa Inihahandang Parokya ng Inmaculada Concepciรณn (Marungko,Angat,Bulacan)



๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐Ž ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐ˆ๐Ž  | Oktubre 07 Noong ika-16 na siglo, sinalakay ng mga Turko ang mar...
06/10/2026

๐๐€๐†๐†๐”๐๐ˆ๐“๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‡๐€๐‹ ๐๐€ ๐๐ˆ๐‘๐‡๐„๐๐† ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐๐† ๐’๐€๐๐“๐Ž ๐‘๐Ž๐’๐€๐‘๐ˆ๐Ž | Oktubre 07

Noong ika-16 na siglo, sinalakay ng mga Turko ang maraming bansa hanggang sa panganib na mahulog sa kamay nila ang buong Europa at malupig ng Mahumetanismo ang Kristiyanismo. Si Papa Pio V ay nanawagan sa mga Haring Kristiyano upang magkaisang sugpuin ang panganib na iyon. Ang sangka-kristiyanuhan ay inanyayahan ng Papa upang manalangin sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng walang patid na pagdarasal ng Santo Rosario.
Noong Oktubre 7, 1571 samantalang nakikipanayam si Papa Pio V sa kanyang mga Kardinal, ibinalita niya ang pagtatagumpay ng mga hukbong Kristiyano sa Lepanto.
Dahil sa pagwawaging ito sa Lepanto, itinatag ng Papa ang Pista ng Nuestra Seรฑora de las Victorias na pagkaraan ay naging Pista ng Nuestra Seรฑora del Santisimo Rosario. Dito sa ating bayan, itinuturing ding biyaya ng Mahal na Ina ang pagwawagi ng mga Kastila at Pilipino laban sa mga Holandes noong 1646.

Sa ating bansa ay maraming lugar ang namimintuho sa Mahal na Birhen ng Santo Rosario, kaya't ang ilan sa mga ito ay may natatanging araw ng pagdiriwang ng Kapistahan, halimbawa ng Mahal na Birhen ng Manaoag sa Pangasinan, tuwing Unang Linggo ng Oktubre at ang La Naval ng Maynila tuwing Ikalawang Linggo ng Oktubre.

Mahal na Birheng Maria ng Santo Rosario, Ipanalangin mo kami.



๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐– | ๐ˆ๐Š๐€-07 ๐๐† ๐Ž๐Š๐“๐”๐๐‘๐„  2026 | ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’‰๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐‘น๐’๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’Mga Pagbasa mula saMi...
06/10/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐– | ๐ˆ๐Š๐€-07 ๐๐† ๐Ž๐Š๐“๐”๐๐‘๐„ 2026 | ๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’‰๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐‘น๐’๐’”๐’‚๐’“๐’Š๐’

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

๐™๐™‰๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ
Galacia 2, 1-2. 7-14

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, makalipas ang labing-apat na taon, muli akong pumunta sa Jerusalem na kasama sina Bernabe at Tito. Nagbalik ako sapagkat ipinaalam sa akin ng Diyos na dapat akong pumaroon. Nakipagpulong ako nang sarilinan sa mga pangunahin sa simbahan, at ipinaliwanag ko sa kanila ang Mabuting Balita ng kaligtasan na ipinangangaral ko sa mga Hentil. Ginawa ko ito sapagkat ayokong mawalan ng kabuluhan ang aking pagpapagal sa nakaraan at sa kasalukuyan.

Sa halip, kinilala nilang akoโ€™y hinirang ng Diyos upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Hentil, tulad din ng pagkahirang kay Pedro upang mangaral ng Mabuting Balita ng kaligtasan sa mga Judio. Ang Diyos na humirang kay Pedro bilang apostol sa mga Judio ang siya ring humirang sa akin bilang apostol sa mga Hentil. Nabatid nina Santiago, Pedro at Juan, mga kilalang haligi ng simbahan, na ang Diyos ang siyang nagbigay sa akin ng tanging kaloob na ito. Kayaโ€™t kami ni Bernabeโ€™y tinanggap nila bilang mga kamanggagawa. Pinagkasunduan namin na kamiโ€™y sa mga Hentil at sa mga Judio naman sila. Ang hiling lamang nila ay huwag naming pababayaan ang mga dukha, na talaga namang pinagsisikapan kong gawin.

Nang si Pedroโ€™y nasa Antioquia, hayagan kong sinabi sa kanyang mali ang kanyang ginagawa. Sapagkat noong hindi pa dumarating ang ilang lalaking pinaparoon ni Santiago, siyaโ€™y sumasalo sa mga Hentil. Subalit nang dumating ang mga iyon, siyaโ€™y lumayo at hindi na nakisalo sa kanila dahil sa takot sa pangkat ng mga Judio. At gumaya rin sa kanya ang ibang mga kapatid doon na mga Judio; pati na si Bernabeโ€™y natangay sa kanilang pagkukunwari. Nang makita kong hindi sila namumuhay ayon sa tunay na diwa ng Mabuting Balita, sinabi ko kay Pedro sa harapan nilang lahat, โ€œKung ikaw na isang Judio ay namumuhay na parang Hentil at di bilang isang Judio, paano mo mapipilit ang mga Hentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?โ€

Ang Salita ng Diyos.

๐™Ž๐˜ผ๐™‡๐™ˆ๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™๐™๐™‚๐™๐™‰๐˜ผ๐™‰

Salmo 116, 1. 2

Humayoโ€™t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

o kaya: Aleluya.

Purihin ang P**n!
Dapat na purihin ng lahat ng bansa,
Siya ay purihin
ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Humayoโ€™t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

Pagkat ang pag-ibig
na ukol sa atiโ€™y dakila at wagas,
at ang katapatan niyaโ€™y walang wakas.

Humayoโ€™t dalhin sa tanan
Mabuting Balitang aral.

๐˜ผ๐™‡๐™€๐™‡๐™๐™”๐˜ผ
Roma 8, 15bk

Aleluya! Aleluya!
Espiritu ng Diyos Anak
ay siyang ating tinanggap
nang Dโ€™yos Ama ay matawag.
Aleluya! Aleluya!

๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™๐™„๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™๐˜ผ
Lucas 11, 1-4

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Minsan, nananalangin si Hesus. Pagkatapos niya, sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, โ€œPanginoon, turuan po ninyo kaming manalangin, katulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad.โ€ Sinabi ni Hesus, โ€œKung kayoโ€™y mananalangin, ganito ang sabihin ninyo:

โ€˜Ama, sambahin nawa ang pangalan mo.
Magsimula na sana ang iyong paghahari.
Bigyan mo kami ng aming makakain sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
sapagkat pinatatawad namin ang bawat nagkasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok.โ€™โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”
Ang mga Pagbasa po ay mula sa Awit at Papuri Communication ( awitatpapuri.com )



Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon | Oktubre 04,2026Isinagawa ang pagbabasbas ng mga alagang hayop bilang paggunita sa ...
06/10/2026

Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon | Oktubre 04,2026

Isinagawa ang pagbabasbas ng mga alagang hayop bilang paggunita sa kapistahan ni San Francisco ng Assisi, Patron ng kalikasan, kapaligiran, at mga hayop.

Nawaโ€™y patuloy tayong matutong
mag-ingat, at maging mabuting katiwala ng lahat ng nilikha ng Diyos. Sa pamamagitan ng ating malasakit sa mga hayop at kalikasan, naipapakita rin natin ang ating pagmamahal sa Diyos.

โ€œAng paghaharian ng Diyos ay ang bansang maglilingkod sa Kanya ng tapat" (Mt 21:43)

Larawan ni: TrMSB, RFMD, AmrA, Ang Sinag - Soccom


๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐– | ๐ˆ๐Š๐€-06 ๐๐† ๐Ž๐Š๐“๐”๐๐‘๐„  2026 | ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-27 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ)๐™๐™‰๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผGala...
05/10/2026

๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐๐€๐’๐€ ๐’๐€ ๐€๐‘๐€๐–-๐€๐‘๐€๐– | ๐ˆ๐Š๐€-06 ๐๐† ๐Ž๐Š๐“๐”๐๐‘๐„ 2026 | ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ฌ ๐ง๐  ๐ˆ๐ค๐š-27 ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐š๐ก๐จ๐ง (๐ˆ๐ˆ)

๐™๐™‰๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฝ๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ
Galacia 1, 13-24

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia

Mga kapatid, hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay bilang masugid na kaanib sa Judaismo. Buong lupit kong inusig ang simbahan ng Diyos at sinikap na itoโ€™y wasakin. Naging mas masugid ako sa relihiyong ito kaysa maraming Judiong kasinggulang ko, at malaki ang aking malasakit sa mga kaugalian ng aming mga ninuno.

Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, hinirang niya ako bago pa ipanganak, at tinawag upang maging lingkod niya. At nang ihayag niya sa akin ang kanyang Anak, upang ang Mabuting Balita tungkol sa kanya ay maipangaral ko sa mga Hentil, hindi ako sumangguni kaninuman. Ni hindi ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na una kaysa akin. Sa halip, nagtungo ako sa Arabia at pagkatapos ay nagbalik sa Damasco. Nakaraan pa ang tatlong taon bago ako umakyat sa Jerusalem upang makipagkita kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. Wala akong nakitang apostol liban kay Santiago na kapatid ng Panginoon.

Totoong lahat ang sinasabi ko sa sulat na ito. Alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling.

Pagkatapos, pumunta ako sa mga lalawigan ng Siria at ng Cilicia. Hindi pa ako nakikita noon ng mga Kristiyano sa Judea. Nabalitaan lamang nila na ang dating umuusig sa kanila ay nangangaral ngayon tungkol sa pananampalataya na kanyang sinikap na wasakin noong una. Kayaโ€™t nagpuri sila sa Diyos dahil sa akin.

Ang Salita ng Diyos.

๐™Ž๐˜ผ๐™‡๐™ˆ๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™๐™๐™‚๐™๐™‰๐˜ผ๐™‰
Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15

P**n, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Akoโ€™y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay,
ang lahat kong lihim, P**n, ay tiyak mong nalalaman.
Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid,
kahit ikaw ay malaya, batid mo ang aking isip.
Akoโ€™y iyong nakikita, gumagawa o hindi man,
ang lahat ng gawain koโ€™y pawang iyong nalalaman.

P**n, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,
sa tiyan ng aking inaโ€™y hinugis mo akong bata.
Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,
ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay.

P**n, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

Lahat itoโ€™y nakikintal, sa puso ko at loobin.
Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,
sa loob ng bahay-bata dooโ€™y iyong napapansin;
lumalaki ako roong sa iyoโ€™y di nalilihim.

P**n, ako ay samahan
sa buhay na walang hanggan.

๐˜ผ๐™‡๐™€๐™‡๐™๐™”๐˜ผ

Lucas 11, 28

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang sumusunod
sa salitang buhat sa Dโ€™yos
at namumuhay nang angkop.
Aleluya! Aleluya!

๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐™๐™๐™„๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™๐˜ผ
Lucas 10, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, pumasok si Hesus sa isang nayon. Malugod siyang tinanggap ng isang babaing nagngangalang Marta sa tahanan nito. Ang babaing itoโ€™y may isang kapatid na Maria ang pangalan. Naupo ito sa paanan ng Panginoon at nakinig sa kanyang itinuturo. Alalang-alala si Marta sapagkat kulang ang kanyang katawan sa paghahanda, kayaโ€™t lumapit siya kay Hesus at ang wika, โ€œPanginoon, sabihin nga po ninyo sa kapatid kong tulungan naman ako.โ€ Ngunit sinagot siya ng Panginoon, โ€œMarta, Marta, naliligalig ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit isa lamang ang talagang kailangan. Pinili ni Maria ang lalong mabuti, at itoโ€™y hindi aalisin sa kanya.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”โ€”
Ang mga Pagbasa po ay mula sa Awit at Papuri Communication ( awitatpapuri.com )



๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ | Healing ServiceMartes | 5:00 N.H. | Oktubre 06  ,2026 - Banal na Misa - Healing Service Inaanyayahan po ang la...
05/10/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ | Healing Service

Martes | 5:00 N.H. | Oktubre 06 ,2026
- Banal na Misa
- Healing Service

Inaanyayahan po ang lahat laloโ€™t higit ang mga may nararamdaman o may mga ispesyal na intention na makiisa sa Banal na Misa na susundan ng Healing Service. Maari din po natin dalhin ang ating Prayer Booklets, Rosary at iba pang religious items upang mabasbasan.




๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐๐† ๐๐€๐’๐“๐Ž๐‹ | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž 04,2026โ€œAng pinakamensahe nitong talinghagang ito ay hindi tungkol sa Diyos na mapaghiganti, ku...
05/10/2026

๐–๐ˆ๐Š๐€ ๐๐† ๐๐€๐’๐“๐Ž๐‹ | ๐Ž๐ค๐ญ๐ฎ๐›๐ซ๐ž 04,2026

โ€œAng pinakamensahe nitong talinghagang ito ay hindi tungkol sa Diyos na mapaghiganti, kundi sa Diyos na maawain at mapagmahal ... Jesus is introducing a God who is ever merciful, who is not vengeful to those who have done harm to Him and to others.โ€ - Rdo. P. Carlo S. Mendoza

Ika -27 na Linggo sa Karaniwang Panahon



Address

Villarama Street Marungko
Angat
3012

Opening Hours

Tuesday 8:30am - 5pm
Wednesday 8:30am - 5pm
Thursday 8:30am - 5pm
Friday 8:30am - 5pm
Saturday 8:30am - 5pm
Sunday 8:30am - 12pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Immaculate Conception Quasi-Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share