24/05/2026
SUNDAY WORSHIP CELEBRATION | PHOTO GLIMPSE 📸🙌🏻🔥🤍
Kumusta ka na, kapatid?Ang sagot lagi sa tanong na ito ay, “Ok lang.” Pero sa totoo lang, may kanya-kanya tayong pasan sa buhay. Minsan nasasanay tayong magpanggap at magkunwaring kaya pa, kahit pagod na pagod na tayo.
Pwedeng hindi ka okay dahil sa pinansyal, physical na pagod sa trabaho o ministry, sa matagal na paghihintay ng answered prayer, sa matinding battle ng buhay, o sa pinagdadaanan ng pamilya mo.
Weariness. Pagod. Fatigue. Exhaustion. Burnout. Totoo ang spiritual weariness. Pero ang Kristiyano, ilang beses mang masaktan, yanigin, o pabagsakin, patuloy pa ring lumalaban dahil may Diyos na nagpapalakas.🥹🙌🏻🔥
Paano sinasagot ng Diyos ang spiritual weariness natin? Bakit hanggang ngayon nakakapagpatuloy ka pa rin? Hindi dahil sa sarili mong kakayahan, kundi dahil sa Diyos.
Katulad ni Prophet Elijah. Ginamit siya ng Diyos para palakasin ang isang bansa, pero pagkatapos ng victory, napagod din siya at gusto nang sumuko.
Minsan after ng miracles, answered prayers, at victories, doon pa tayo napapagod at gusto nang tumigil. Minsan nasasabi rin natin, “Lord, I have had enough.”
Pero alalahanin mo ang ginawa ng Diyos sa buhay mo. Be reminded, kapatid — kung iniligtas ka ng Diyos noon, what more pa ngayon?
God’s faithfulness doesn’t fade even though our courage fades. God meets us in our weakness to restore us. Brethren, spiritual weariness is real, but God’s restoration is more real! Ang maganda sa Diyos, He will sustain you because He cares for you.
Magpahinga ka kapag pagod ka! Come to Jesus! Hindi sa mundo, hindi kung kanino-kanino, kundi sa piling ng Diyos. At tandaan — ang pagpapahinga ay pansamantala lang, hindi pansamatagal!
“Magpahinga na kayo sa ibang bagay, wag lang sa paglilingkod.” — Bishop Methuselah Ramos
Kung pagod ka at gusto mo nang sumuko, God will encounter you. Maging totoo ka sa paningin ng Diyos. Face it, don’t fake it.
And if you are burned out, tired, and exhausted — tumuloy ka lang. Just continue, because God is with you. Palalakasin ka Niya.
Yes, napapagod ka — and it’s normal. But by His grace, makakapagpatuloy ka. And God will still use you.
Mission will never stop!
Ministry will never stop.
Serving God will never stop!
Magpapatuloy tayo, kapatid!
May gagawin pa ang Diyos sa buhay mo at may ipagagawa pa Siya sa’yo. He wants you to encounter Him. This is your sign not to quit and not to give up.
“Come to Me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.” — Matthew 11:28