16/05/2026
"Wag Tamarin sa Pagsamba"
📖 Hebreo 10:25
“Huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon…”
👉Minsan pagod tayo, busy, o nawawalan ng gana kaya tinatamad tayong sumamba sa Diyos. Pero isipin natin — kailanman hindi tinamad ang Diyos na mahalin tayo, ingatan tayo, patawarin tayo, at biyayaan tayo araw-araw.
Sa bawat paggising natin, may bagong biyaya. Sa bawat problema, may bagong lakas na galing sa Kanya. Kaya hindi dapat maging burden ang pagsamba — ito ay privilege at pasasalamat sa Diyos na laging tapat sa atin.
✨ Huwag mong katamaran ang pagsamba, dahil ang Diyos kailanman ay hindi tinamad na biyayaan ka.
Sama sama tayong sumamba bukas ika-9 ng umaga.🙏