ALAB Worship Team

ALAB Worship Team Fan into flames the gift of God which is unto you.
2 Timothy 1:6 ❤️‍🔥

Filipino Evangelical Methodist Church
Praise and Worship Team 🎶🎹🎸

30/08/2026

Subor EMC | in 2 Amazing Years ✨

"Every face tells a story of grace. Celebrating 2 years of community, love, and serving Him together. 🙏"

His love endures through every season. Look at what God has done in 2 amazing years!"

Come and be Blessed❗As we celebrate another year of God's Amazing Grace and Faithfulness.This 2-year milestone is a true...
26/08/2026

Come and be Blessed❗

As we celebrate another year of God's Amazing Grace and Faithfulness.
This 2-year milestone is a true testament to His grace and our shared commitment to His work.

"The Lord has done great things for us, and we are filled with joy." – Psalm 126:3

🗓️AUGUST 30, 2026
>9:00AM Divine Worship
>12:00PM Fellowship Lunch
>6:00PM Evangelistic Night

Come and be Blessed❗

As we celebrate another year of God's Amazing Grace and Faithfulness.
This 2-year milestone is a true testament to His grace and our shared commitment to His work.

"The Lord has done great things for us, and we are filled with joy." – Psalm 126:3

🗓️AUGUST 30, 2026
>9:00AM Divine Worship
>12:00PM Fellowship Lunch

23/08/2026

Psalms 118:24
‎“This is the day the Lord has made; we will rejoice and be glad in it"

‎Kapatid! Another day, another blessing. 😉❤️ Hindi aksidente ang araw na ito kapatid, dahil ang araw na ito ay ginawa ng Panginoon. May panibagong pagkakataon na naman tayo para mabuhay ng tapat, magmahal, matuto, maglingkod, at magpasalamat sa Kanya.☝🏻 Kaya kapatid, huwag natin hayaang nakawin ng problema ang joy na pwede nating maranasan ngayon.🤗 Yun lang, God bless! Keep safe🫡❤

23/08/2026
20/08/2026

‎Romans 12:12
‎Be joyful in hope, patient in affliction, faithful in prayer.

‎Kapag nahihirapan, pray. Kapag masaya tayo, pray. Kapag confused tayo, pray. Kapag may magandang nangyari, pray and huwag kalimutang magpasalamat. Huwag mong gawing last option ang prayer, gawin natin itong first response. Kahit sa simpleng “Lord, salamat po sa panibagong araw na ipinagkaloob Mo po sa akin at nawa'y patuloy na samahan Mo po ako sa buong araw na ito” ay panalangin na pwede mong simulan. Lagi nating simulan ang araw natin na magpasalamat at lumapit sa Kanya dahil hindi natin kaya kung wala Siya sa ating buhay.☝🏻 Kaya kapatid, pray tayo palagi!🙏❤ God bless! Keep safeee!🙌❤

19/08/2026

‎Psalm 27:1
‎The Lord is my light and my salvation whom shall I fear?
‎The Lord is the stronghold of my life of whom shall I be afraid?

‎Nasubukan mo na bang mapunta sa madilim na lugar na kahit maliit na liwanag ay wala? Ano ang unang naiisip o nararamdaman mo? diba tayo'y nakakaramdam bigla ng takot, hindi alam ang gagawin, at hindi alam kung saan patungo. Ganyan ang buhay natin kung wala ang Lord sa buhay natin, minsan sa sobrang takot o pag-aalala natin ay nakakalimutan natin na may Lord na laging andiyan para sa atin. Sa buhay na puno ng pangangamba, lagi nating tatandaan na andiyan ang Panginoon na magbibigay liwanag sa ating buhay. Hindi na natin kailangang matakot, kapatid. Hindi na natin kailangang mag-alala kung ano yung mga haharapin natin sa hinaharap. Ang kailangan natin ay kilalanin ang ating magsisilbing liwanag sa ating haharapin. Ang kailangan natin ay lumapit sa Kanya. Kaya kapatid, kung ngayon ay nag-aalala ka sa isang bagay o may kinakaharap ka man na problema, lagi mong tatandaan na andiyan ang Panginoon para samahan ka harapin ang lahat, lumapit lang tayo sa Kanya.☝🏻 Yun lang.. God bless! Keep safeee.🫡❤

18/08/2026

Galatians 6:9
‎“Let us not become weary in doing good, for at the proper time we will reap a harvest if we do not give up."

‎Pagod ka na bang gumawa ng tama pero parang di nagbubunga lahat ng ginagawa mo? Huwag kang susuko. Baka hindi mo pa nakikita ang bunga ng ginagawa mo, lalo na't hindi invisible sa Lord ang faithfulness mo. At lagi nating tatandaan na lahat ng ating gagawin ay hindi para sa ating sarili, kundi gawin natin ito para sa kaluwalhatian ng Lord. Hayaan nating Siya ang kumilos sa buhay natin.☝🏻❤ Kaya naman kapatid, Continue serving, Continue praying, Continue doing good. Yun lang😄 God bless you, kapatid! Keep safeee! 🙌❤

17/08/2026

‎1 Peter 5:7
‎“Cast all your anxiety on him because he cares for you.”

‎Hindi mo kailangang dalhin lahat ng problema mo nang mag-isa. Kung may bagay na paulit-ulit mong iniisip, ipag-pray mo. Kung may taong hindi mo mapatawad, ipag-pray mo. Kung nag-aalala ka sa future mo, lumapit ka sa Kanya. Ibigay mo sa Lord ang bigat na hindi mo kayang dalhin. He cares for you. Yun lang kapatid.. God bless! keep safeee! 🫡❤

16/08/2026

Proverbs 19:21
‎“Many are the plans in the mind of a man, but it is the purpose of the Lord that will stand.”

‎Minsan marami tayong mga plano para sa buhay.. mga pangarap, goals, at mga bagay na gusto nating mangyari. Pero minsan lahat ng plano natin ay hindi nangyayari. Pero hindi ibig sabihin na kapag hindi natuloy ang plano natin ay nabigo na tayo, maaaring may mas magandang plano ang Diyos na hindi pa natin nakikita. Magplano tayo, mangarap tayo, at magsikap tayo pero huwag nating kalimutang i-surrender sa Lord ang lahat. Kapag nagbago ang direksyon, magtiwala tayo na hindi nawawala ang plano ng Diyos. Kaya naman kapatid, kahit anong mangyari ay patuloy tayong magtiwala sa Kanya.☝🏻❤ Yun lamang kapatid. God bless! keep safeee🫡❤

15/08/2026

Matthew 6:33
‎“But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well”

‎Sa dami ng hinahabol natin, grades, pera, pangarap, at ano pa, minsan nakakalimutan na natin kung ano yung importanteng unahin sa buhay natin, ang Panginoon. What if subukan naman natin na kasama siya sa kung anong journey ang meron tayo?🤗 Kaya naman kapatid unahin natin Siya sa buhay natin, hindi naman ibig sabihin ay iwanan na natin lahat. Ibig sabihin ay gusto lang natin na kasama Siya sa journey na meron tayo. Kaya tara na sa church kapatid, Siya'y ating purihin at pasalamatan! 🙌❤


Address

Anda

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ALAB Worship Team posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share