09/06/2024
Hunyo 9 | KAPISTAHAN NG MAHAL NA BIRHEN MARIA MAULAWIN
Mariang walang kasing dilag, na hinulugan ng buong biyaya ng Maykapal, dahilan sa iyong malabis na kabanalan, na pinagtibay mo ng ikaw ay nabubuhay dito sa sangkatauhan; ikaw nga, Birheng marilag, na ang aming kasi't liyag sa katuwaan at sa hirap, na nakaakay sa ikaluluwalhati ng lahat, ituro mo sa amin ang paggawang dalisay na kabanalan, ng kami'y maging dapat sa mahal na harap ng Diyos na mataas; sapagkat sa oras-oras ay wala kaming tunay na ninanasang tamuhin, kundi ang matingkalang biyaya, na gaya ng iyo'y ipinagkaloob; at yayamang ikaw, Birheng Ina, ang tunay na nakakaalam ng lahat ng paraan ng pagsunod sa kautusan niya, kami'y samahan sa aming panalangin ng kami'y maitulad sa iyong kabanalan. At sa buhay naming ito ikaw ang aming inaasahang mag-aakay sa lahat ng kabutihang aming dapat panghawakan, na ikaliliwanag ng aming madidilim na isipan, at kami'y mapatunton sa mga banal na gawa, Hanggang sa huling buhay. Siya nawa
Mapalad tayo sapagkat sa ating pagdiriwang ngayon ng Kapistahan ng Birhen Maulawin de Marikina ay nakiisa sa atin mula pa sa Katedral Virgen Maulawin, Sta. Cruz, Laguna ang isa sa mga Orihinal na Putol ng Mahal na Birhen ito ay ang Unang Putol ng mapaghimalang kahoy ng Maulawin na siyang idinalaw sa atin ng mga deboto mula sa kanyang Dambana sa Laguna