22/03/2026
KAPISTAHAN NI POONG SAN JOSE l MARSO 19, 2026
Noong ika-19 ng Marso, ang Oblates of St. Joseph House of the Junior Professed ay nagdiwang ng kapistahan ni Poong San Jose! Ang banal na Eukaristiya ay pinangunahan ni Rb. P. Gerry Yabyabin, OSJ.
Pinagnilayan natin sa araw ng Kapistahan ni Poong San Jose ang tema: “San Jose: Tapat na Tagapangalaga ng Plano ng Diyos para sa Simbahan at sa Pamilya”
Pinasasalamatan po namin kayong lahat sa pakiki-isa sa amin sa pagsisiyam at pakikiisa sa Kapistahan ng Mahal naming Patron na si Poong San Jose! Pinasasalamatan natin ang pagtulong ng mga OSJ Cooperators Cavite Unit, Joseph Marello Youth-OSJHP at sa lahat ng nakisa saamin!
Magsakdal tayo kay Jose!
Magsakdal tayo kasama ni Jose!