19/08/2026
Hindi porket nakarinig tayo ng song na hindi explicitly religious, gaya ng “Because You Loved Me” ni Céline Dion ay automatic worldly na agad. Parang dalawang choices lang lagi: religious o worldly. May mahalagang distinction dito na madalas nawawala kapag ginagawang binary ang classification ng music: religious = good, non-religious = worldly.
Sa Bible, may distinction ang “holy” at “common”. Ang “common” ay hindi automatic na sinful, immoral, o against God. May mga bagay na hindi ginagamit sa worship, hindi sacred in that sense, pero hindi naman masama.
Ganoon din sa music. May songs na hindi worship song, hymn, o gospel song, pero hindi rin agad dapat i-label na worldly. May mga awit na wholesome, inspirational, at may positive message tungkol sa love, sacrifice, gratitude, faithfulness, family, at hope. Sa ganitong lens, ang “Because You Loved Me” ay maaaring pakinggan bilang isang expression of gratitude sa taong naging instrument ng strength, encouragement, at healing sa buhay ng iba.
Palaisipan lang. Kung sa panahon natin ngayon kumanta si Solomon ng kanyang version ng “Pitu-pito,” (Song of Solomon 7:7) at “Otso-otso” Song of Solomon 8:8, iba-bash din kaya natin siya?
Paalala. Sa Biblia, ang worldly ay pamumuhay na nakaayon sa values, attitudes, and behaviors of the flesh rather than being governed by the Spirit. Gaya ng: Jealousy o inggitan, Quarreling o pag-aaway, Division/factionalism o pagkakampi-kampi, Pride at spiritual immaturity at Self-centeredness kaysa sa pagiging Christ-centered (1 Corinthians 3:1-3).
Kaya nga ang Christian discernment is not simply about putting labels on everything. It is about testing things in the light of God’s Word. Hindi lahat ng non-religious ay worldly, at hindi rin lahat ng may religious label ay automatic spiritually healthy. Ang kailangan natin ay a Christ-centered heart, a Bible-shaped mind, at isang buhay na pipiliin ang anumang totoo, honorable, pure, lovely, at praiseworthy (Filipos 4:8).
(Note: Ito ay pagtugon sa isang FB comment/post na bakit daw umawit ng worldly song si Jeramie Sanico.)
Photo credit to the respective owner.