08/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐
๐๐๐๐๐๐
๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐ 5:1-3
แด
แดษดษขษขแดแด, แด แดแดแด, แดษช แด๊ฑแดษขแดแด; แดษชแดแดแด
แดแด แด
แดษขษชแดษช สแดสษชแดแด๊ฑแดแด. ษชแดแดษดษขแดษขแดแด แดแดแด
ษช, แด แดสษชแด แดแดษด แด
ษชแด๊ฑแดแด, แดษช แดแดษดแดษขแด
แดแดกแดแดแดแด ษชแดษช แดแดสแดษดษขแดแด. แดษขแดแดสแดสแดษขแดแด แดแดษดแดแด, แด แดแดแด. แดแดษดษขษดษขแดษขแดแด แดษช แดษชแดแดแดแดแด ษชแดษช สษชษขแดแด; ษดแด ๊ฑแดแดษชษดษขษช๊ฑษชษดษข แดษช ษชษดษชแด โ แดษขแดแดสแดสแดษขแดแด; แดแดแด แดสแดสแดแด แดษช ๊ฑแดษดษขสแดแดแดแด แดแดษดษชแดแด.
Sa ating buhay-pananampalataya, napakahalaga ng panalangin. Ito ang daan para lumapit tayo sa Diyos, ilabas ang laman ng puso, at tanggapin ang Kanyang kaaliwan at gabay. Ngunit may mga pagkakataon na tila hindi natin maramdaman ang sagot ng Panginoon, kahit paulit-ulit tayong nananalangin. Hindi dahil hindi Siya nakikinig, kundi dahil may mga bagay na humahadlang sa bisa ng ating panalangin.
Una, mayroong ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. Kapag may tampo, galit, o hindi mapakawalan na sama ng loob, napipigilan nito ang daloy ng presensya ng Diyos sa ating puso. Bago tayo humarap sa Kanya, kailangan munang lumaya ang puso. Pinapaalalahanan tayo ng Marcos 11:24-25 na kung may p**t pa tayo, kailangan muna nating magpatawad bago umasa na maririnig ang ating panalangin. Ang pagpapatawad ay hindi para sa nakasakitโkundi para sa sarili nating kapayapaan.
Mayroon ding ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. Kapag patuloy tayong namumuhay sa mali, kahit alam nating mali, naglalagay tayo ng harang sa pagitan natin at ng Diyos. Sabi nga sa Isaias 59:1-2, hindi mahina ang kamay ng Diyos para hindi tayo tulungan, pero ang kasalanan ang naglalayo sa atin sa Kanya. Hanggaโt hindi tayo tapat na humihingi ng tawad, mananatili ang bigat ng budhi at ang di-pagkapanatag sa panalangin.
Pangatlo, ang ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. Ang taong nagdadalawang-isip ay parang alon na pinagpapalagpot ng hangin. Hindi matatag. Hindi panatag. Kaya sa Santiago 1:6-8, malinaw na sinasabi na ang nagdududa ay huwag umasa na tatanggap mula sa Diyos. Ganun din sa sinabi ni Jesus sa Mateo 21:21-22โkung buo ang paniniwala, may mangyayaring himala. Kapag may duda, humihina ang panalangin.
Mayroon ding panahon na tila walang sagot dahil ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ang ating hinihiling. Sabi sa 1 Juan 5:14, may katiyakan tayo na naririnig Niya tayo kung ang hinihiling natin ay naaayon sa Kanyang kagustuhan. Minsan hindi Niya sinusunod ang panalangin natin hindi dahil hindi tayo mahal, kundi dahil may mas mabuti Siyang nakahanda.
At panghuli, ang ๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐. Ang pusong mataas ay sarado sa presensya ng Diyos. Ang pusong mapagpakumbaba lang ang tunay na nakaririnig at nakatatanggap.
Sa ating paglalakbay, napakahalaga na alisin natin ang limang itoโhindi pagpapatawad, guilt, doubt, maling motibo, at prideโupang tuluyang bumukas ang daan ng panalangin. Kapag nilinis natin ang ating puso, nakikinig ang Diyos. Kapag sinuko natin ang sarili nating kagustuhan, mas malinaw nating naririnig ang tinig Niya. Kapag nagtiwala tayo nang buo, doon nagsisimulang gumalaw ang kapangyarihan Niya.
Kaya kung pakiramdam mo ay parang hindi nasasagot ang iyong mga panalangin, baka hindi tahimik ang Diyosโbaka may hinahawakan ka pa na dapat mong bitawan. Surrender mo. Ibigay mo. Hayaan mong Siya ang humawak. At makikita moโbababa ang kapayapaan, lalakas ang pananampalataya, at magiging buhay ang panalangin. Sapagkat ang Diyos ay laging handang sumagot, bastaโt ang puso natin ay handang sumunod.