17/08/2025
🎉🌸 Isang daang taon ng pagmamahal, pagkakaisa, at di-mabilang na kwento ng tagumpay! Ang Kapisanang Bulaklak sa Mayo ay patuloy na nagsisilbing ilaw at gabay ng bawat isa sa atin sa loob ng isang siglo. 💯✨
Sa makulay na selebrasyon ng ating ika-100 taon, nais naming iparating ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumulong, mapa-pinansyal man o manpower, at sa bawat isa na nakilahok, nakiisa, at nakisaya sa aming pagdiriwang. 🙏💖 Ang inyong walang sawang suporta ay siyang nagpapalakas sa atin upang patuloy na magsulong ng kabutihan at pagtulong sa ating komunidad.
Salamat sa inyong lahat—together, we are stronger! 🌼💪