18/09/2026
PAANYAYA | 2ND BALANGAY NATIONAL CONFERENCE
Ang Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno (St. John the Baptist Parish), sa pakikipag-ugnayan sa Hijos Del Nazareno Affairs Office at HDN Balangay Affairs, ay nag-aanyaya sa lahat ng AFFILIATED BALANGAY GROUPS ng Quiapo Church na makiisa sa 2nd Balangay National Conference.
Oktubre 10, 2026
Cuneta Astrodome, Pasay City
Tema:
“Kay Maria, Deboto’y Hinuhubog, Kay Hesus Nazareno’y Naglilingkod.”
Layunin ng pagtitipong ito na patatagin ang pagkakaisa, pananampalataya, at paglilingkod ng mga Balangay, bilang mga debotong patuloy na hinuhubog sa halimbawa ng Mahal na Birheng Maria at sa paglilingkod sa Poong Hesus Nazareno.
Para sa mga kaukulang impormasyon at detalye ng pagdalo, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong mga Balangay Chairman.
Inaanyayahan ang bawat Balangay na makiisa sa makabuluhang pagtitipong ito ng panalangin, paghubog, pagkakapatiran, at paglilingkod.
Viva Poong Jesus Nazareno!
Viva La Virgen!
QUIAPO CHURCH MOBILE APP
For Android: https://bit.ly/3nXUz45
For IOS: https://apple.co/3k9nfFH