Saint Isidore the Farmer Chapel Pastoral Council - Magsaysay, Aliaga, N.E.

Saint Isidore the Farmer Chapel Pastoral Council - Magsaysay, Aliaga, N.E. Page created for upcoming and finished activities of Chapel.

Ang Pagsalubong ni Ka Idro sa Mahal na birhen NUESTRA SEÑORA DE LAS SALERAS.Maraming salamat po sa lahat Ng nakiisa sa p...
13/03/2026

Ang Pagsalubong ni Ka Idro sa Mahal na birhen NUESTRA SEÑORA DE LAS SALERAS.

Maraming salamat po sa lahat Ng nakiisa sa pagsalubong sa Mahal na birhen.
Maraming salamat po sa lahat Ng baranggay official at baranggay tanod sa pangunguna Ng Ating butihing kapitan, Brgy Capt. Ruben Estrella .

Dalaw SALERAS 2026
13/03/2026

Dalaw SALERAS 2026

Ang misyon sa mga may sakit ay ang pagbibigay ng espirituwal, pisikal, at emosyonal na kalinga, na nakaugat sa pagmamaha...
13/03/2026

Ang misyon sa mga may sakit ay ang pagbibigay ng espirituwal, pisikal, at emosyonal na kalinga, na nakaugat sa pagmamahal at pagpapagaling gaya ng ginawa ni Hesus. Layunin nitong magdala ng pag-asa, panalangin para sa kagalingan ng katawan at kaluluwa, upang damhin nila ang presensya ng Diyos sa kanilang pagsubok.

Paanyaya,Mga kabarangay Magsaysay, tayo po'y mapalad sapagkat muli pong dadalaw ang imahen ng mahal na Inang Birhen at a...
02/03/2026

Paanyaya,

Mga kabarangay Magsaysay, tayo po'y mapalad sapagkat muli pong dadalaw ang imahen ng mahal na Inang Birhen at ang kanyang Anak na si Hesus sa ating kapilya sa darating na ika-7 ng Marso taung kasalukuyan (2026) araw ng sabado. Ito po ay pangungunahan ng ating Kura paroko na si Reb. Pdre. Franz Joseph G. Aquino sa idaraos na banal na Misa at pagkatapos po ay dadalaw siya sa mga may sakit upang basbasan at pahiran ng banal langis.

Ganoon din po sa nakalipas na taon, kami po na inyong mga lingkod na bumubuo ng Chapel Pastoral Council of Saint Isidore the Farmer - Magsaysay ay dadalaw din po sa bawat tahanan sa ating komunidad upang magsagawa ng dalaw Saleras at ipanalangin ang bawat pamilya at bawat isa.

Inaasahan po namin ang inyong pakikiisa sa nasabing banal na gawain. Tayo po ay magsama-samang magpuri at magpasalamat sa Panginoong ating Diyos, upang tayo 'y pagpalain ng siksik, liglig at umaapaw.

Ang Pagdiriwang Ng Banal na Misa Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi an...
31/01/2026

Ang Pagdiriwang Ng Banal na Misa
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon

Mapalad ang mga taong walang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. “Mapalad ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos. “Mapalad ang mga mapagpakumbabá, sapagkat mamanahin nila ang daigdig.
Mateo:5:3-48

Ang Diyos Ang nagbibigay Ng buhay.
Ang Diyos Ang nagbibigay Ng biyaya.
Ang Diyos ay Hindi nang-iiwan.
Pag-ingatan at mahalin dahil Ang lahat Ng biyaya Ng Diyos, dahil Tayo ay mapapalad.
Rev. Fr. Keth Arriba

Ang Pagdiriwang Ng Banal na Misa Sa sandaling iyon, nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na parang i...
10/01/2026

Ang Pagdiriwang Ng Banal na Misa

Sa sandaling iyon, nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na parang isang kalapating bumababa hanggang sa dumapo ito sa kanya.
Mateo3:16

Like a King,
-Learn to serve each other.
Like a Priest,
-Learn to teach children the faith that was instilled in us.
Like a Prophet,
-Learn to proclaim the gospel.
Rev. Fr. Mitch Cinense

Paanyaya,Sa mga kabarangay po namin dito sa Brgy. Magsaysay ang Banal na Misa po natin ay tuwing araw ng Sabado sa ganap...
02/01/2026

Paanyaya,

Sa mga kabarangay po namin dito sa Brgy. Magsaysay ang Banal na Misa po natin ay tuwing araw ng Sabado sa ganap na ika-6:30 ng gabi sa pangunguna po ni Reb. Pdre Franz Joseph Aquino (1st & 3rd Saturday of the Month).
Rev. Fr. Mitchelle Cinense, kura paroko po ng Our Lady of Most Holy Rosary -Licab, Nueva Ecija. (2nd & 4th Saturday of the Month).

Tayo po ay magsimba upang magpasalamat sa mga biyayang pinagkakaloob ng Diyos sa atin araw-araw at upang tayo ay makahingi ng kapatawaran sa ating mga nagagawang pagkakasala.

Tayo na mga kabarangay, magsimba na po tayo! 😇🙏

,3rd&5thFr.Franz
&4thFr.Mitch

Paanyaya,Mga kabarangay, kayo po ay aming inaanyayahan sa darating na ika-31 ng Disyembre huling  araw ng taung 2025. Ta...
29/12/2025

Paanyaya,

Mga kabarangay, kayo po ay aming inaanyayahan sa darating na ika-31 ng Disyembre huling araw ng taung 2025. Tayo po ay magkakaroon ng Banal na Misa sa ganap na ikalima at kalahati ng hapon (5:30pm) na pangungunahan ng ating Kura paroko na si Reb. Pdre. Franz Joseph G. Aquino. Tayo po ay magsama-samang magpuri at magpasalamat sa Panginoon.

Amin po kayong aantayin upang makasama po namin kayong manalangin para sa darating na bagong taon ay maging puno ng pagpapala at pag-asa para sa ating lahat.

Maraming salamat po!🙏

Maraming salamat po sa lahat Ng nagpa-almusal Ng buong Simbang gabi at Mismong kapaskuhan.
28/12/2025

Maraming salamat po sa lahat Ng nagpa-almusal Ng buong
Simbang gabi at Mismong kapaskuhan.

Maraming salamat po Mr. @ Mrs. Aldrin Alfaro and Family sa inyong handog Pamasko.
28/12/2025

Maraming salamat po Mr. @ Mrs. Aldrin Alfaro and Family sa inyong handog Pamasko.

Pag-ibig ni Kristo: Paskong Alay ni Inang Saleras, GIFT GIVING 2025Isinagawa ngayong Disyembre 24, 2025 ang “Pag-ibig ni...
28/12/2025

Pag-ibig ni Kristo: Paskong Alay ni Inang Saleras, GIFT GIVING 2025

Isinagawa ngayong Disyembre 24, 2025 ang “Pag-ibig ni Kristo: Paskong Alay ni Inang Saleras,” ang taunang Christmas gift-giving program ng Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de las Saleras, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pasko at paghahanda sa Kapanganakan ng Panginoon.

Layunin ng programa na maipadama ang diwa ng pag-ibig ni Kristo sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tulong at biyaya sa mga pamilyang nangangailangan sa pamayanan. Namahagi ang parokya ng 840 Christmas gift packs na naglalaman ng bigas, canned goods, spaghetti packs, at iba pang pangunahing pangangailangan upang makatulong sa mas makabuluhang pagdiriwang ng Pasko ng mga benepisyaryo.

Ayon sa pamunuan ng parokya, ang programa ay hindi lamang pamimigay ng materyal na tulong, kundi isang konkretong pagpapahayag ng malasakit, pagkakaisa, at pananampalataya.

Binigyang-diin na sa pamamagitan ng Pag-ibig ni Kristo at paggabay ni Inang Saleras, patuloy na tinatahak ng parokya ang misyon ng Simbahan na maglingkod sa kapwa, lalo na sa mga nasa laylayan ng lipunan. Sa pagtatapos ng programa, ipinahayag ang pasasalamat sa lahat ng nagbahagi ng oras, lakas, at donasyon upang maging matagumpay ang gawaing ito ng pag-ibig at pag-asa.

28/12/2025

Address

Magsaysay
Aliaga
3111

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Saint Isidore the Farmer Chapel Pastoral Council - Magsaysay, Aliaga, N.E. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share