San Juan De Dios Chapel

San Juan De Dios Chapel “Magtrabaho nang walang tigil; gawin mo ang lahat ng mabubuting gawain na kaya mong gawin habang may panahon ka pa.”

- San Juan De Dios

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya at kabataan ni Apo San Juan De Dios na makibahagi sa isang makabuluhang Lectio...
30/04/2026

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya at kabataan ni Apo San Juan De Dios na makibahagi sa isang makabuluhang Lectio Divina—pagbasa at pagninilay ng Salita ng Diyos.

𝐏𝐞𝐭𝐬𝐚: May 1, 2026 (Biyernes) every Friday
𝐎𝐫𝐚𝐬: 4:00 PM
𝐋𝐮𝐠𝐚𝐫: San Juan De Dios Chapel

Halina’t makinig, magnilay, at magbukas ng puso sa gabay ng Diyos.
Tayo ay tinatawag!
Tayo ay makinig!

TIGNAN: Mga kuhang larawan sa pakikiisa ng Kapilya ni San Juan de Dios sa maringal na prusisyon ngayong ika-26 ng Abril ...
26/04/2026

TIGNAN:

Mga kuhang larawan sa pakikiisa ng Kapilya ni San Juan de Dios sa maringal na prusisyon ngayong ika-26 ng Abril 2026, bilang pakikiisa sa pista ng Parokya ni Nuestra Señora de las Saleras..

Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga deboto na nakiisa sa banal na gawaing ito—mula simula hanggang sa pagtatapos ng prusisyon.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa:
💃 Mga Mananayaw ni San Juan de Dios
🙏 Mga Lingkod Altar ni San Juan
👦👧 Mga Kabataan ni Apo San Juan de Dios
💪 Mga naghitak ng karosa ni San Juan de Dios

Gayundin sa lahat ng tumulong sa paghahanda at pag-aayos ng ating karosa—maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod at pagmamahal sa ating patron.

Nawa’y tularan natin si San Juan de Dios, patron ng mga may sakit—na maging mapagmalasakit, mahabagin, at handang maglingkod sa kapwa, lalo na sa oras ng kanilang pangangailangan.

At nawa’y sa pamamagitan ng ating pananampalataya, patuloy tayong maging instrumento ng pag-ibig at pag-asa ng Diyos sa bawat isa.

Maligayang Kapistahan!

San Juan de Dios
– Ipanalangin mo kami.

Nuestra Señora de las Saleras
– Ipanalangin mo kami.

𝑴𝑨𝑳𝑰𝑮𝑨𝒀𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑷𝑰𝑺𝑻𝑨𝑯𝑨𝑵!, 𝑨𝑴𝑰𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑻𝑹𝑶𝑵𝑨, 𝑰𝑵𝑨, 𝑨𝑻 𝑹𝑬𝒀𝑵𝑨 - 𝑵𝑼𝑬𝑺𝑻𝑹𝑨 𝑺𝑬Ñ𝑶𝑹𝑨 𝑫𝑬 𝑳𝑨𝑺 𝑺𝑨𝑳𝑬𝑹𝑨𝑺Ngayong araw (Abril 26) ay ating gin...
25/04/2026

𝑴𝑨𝑳𝑰𝑮𝑨𝒀𝑨𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑷𝑰𝑺𝑻𝑨𝑯𝑨𝑵!, 𝑨𝑴𝑰𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑻𝑹𝑶𝑵𝑨, 𝑰𝑵𝑨, 𝑨𝑻 𝑹𝑬𝒀𝑵𝑨 - 𝑵𝑼𝑬𝑺𝑻𝑹𝑨 𝑺𝑬Ñ𝑶𝑹𝑨 𝑫𝑬 𝑳𝑨𝑺 𝑺𝑨𝑳𝑬𝑹𝑨𝑺

Ngayong araw (Abril 26) ay ating ginugunita ang Ika-177 taong Kapistahan ng ating minamahal na patrona, ang Nuestra Señora de las Saleras, ang ating Inang Sisidlan ng Asin. Sa paglipas ng maraming taon, nananatiling buhay at matatag ang debosyon ng sambayanang Aliagueno sa Mahal na Birhen, na patuloy na nagbibigay liwanag, pag-asa, at patnubay sa bawat isa.

Ang pagdiriwang na ito ay hindi lamang isang tradisyon, kundi isang malalim na pagpapahayag ng pananampalataya at pasasalamat sa mga biyayang ating natatanggap sa pamamagitan ng kanyang mapagkalingang kamay. Sa bawat paghingi natin ng panalangin sa kanyan, muli nating pinagtitibay ang ating ugnayan sa Diyos sa tulong ng ating Ina. Siya ang tanglaw sa ating landas, lalo na sa gitna ng mga pagsubok at hamon ng buhay.

Tulad ng asin na nagbibigay lasa at buhay sa pagkain, nawa’y maging asin din tayo ng mundo—nagbibigay kabutihan, pag-asa, at liwanag sa ating kapwa. Sa ilalim ng kanyang mapag-arugang pagkalinga, patuloy tayong maglakbay patungo kay Kristo, ang ating tunay na pag-asa.

𝑽𝑰𝑽𝑨 𝑳𝑨 𝑽𝑰𝑹𝑮𝑬𝑵 𝑫𝑬 𝑳𝑨𝑺 𝑺𝑨𝑳𝑬𝑹𝑨𝑺!
𝑽𝑰𝑽𝑨! 𝑵𝑼𝑬𝑺𝑻𝑹𝑨 𝑺𝑬Ñ𝑶𝑹𝑨 𝑫𝑬 𝑳𝑨𝑺 𝑺𝑨𝑳𝑬𝑹𝑨𝑺






Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya at kabataan ni Apo San Juan De Dios na makibahagi sa isang makabuluhang Lectio...
23/04/2026

Inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya at kabataan ni Apo San Juan De Dios na makibahagi sa isang makabuluhang Lectio Divina—pagbasa at pagninilay ng Salita ng Diyos.

𝐏𝐞𝐭𝐬𝐚: Abril 24, 2026 (Biyernes)
𝐎𝐫𝐚𝐬: 4:00 PM
𝐋𝐮𝐠𝐚𝐫: San Juan De Dios Chapel

Halina’t makinig, magnilay, at magbukas ng puso sa gabay ng Diyos.
Tayo ay tinatawag!
Tayo ay makinig!

22/04/2026

"ANG PAGPASOK NG MAHAL NA PATRON SAN JUAN DE DIOS SA DAMBANA NG ATING MAHAL NA INA NUESTRA SEÑORA DE LAS SALERAS "

VIVA APO SAN JUAN DE DIOS!
VIVA LA VIRGEN DE LAS SALERAS!

NUESTRA SEÑORA DE LAS SALERAS Patrona ng Bayan ng AliagaIpanalangin mo kami.San Juan De Dios Patron ng Brgy. San Juan Ip...
22/04/2026

NUESTRA SEÑORA DE LAS SALERAS
Patrona ng Bayan ng Aliaga
Ipanalangin mo kami.

San Juan De Dios
Patron ng Brgy. San Juan
Ipanalangin mo kami.

Sa Ikaanim na araw ng Misa Nobenaryo para sa Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birheng Nuestra Señora de las Saleras ay inihatid si San Juan De Dios ng mga mananampalataya mula sa Brgy. San
Juan ito'y bilang pakikibahagi sa na lalapit na kapistahan ng Mahal na Birhen ng Saleras na ginanap ngayong araw ng Miyerkules Abril 22, 2026. Layunin nitong mas mapalawak ang debosyon kay San Juan De Dios.Patuloy pa rin na nagtitipon ang mga mananampalataya upang mag-alay ng panalangin at pasasalamat, bilang pagpapahayag ng kanilang matibay na debosyon sa Mahal na Ina.

Pinangunahan ni Reb. Pdre. Mark Kevin Salac ang banal na misa. Sa kanyang homiliya, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapwa, sa paanyayang: “Let the Eucharist transform us into more loving followers of the Lord.”

Ang pagdiriwang ay itinaguyod ng Brgy. San Juan at Sta. Monica, na nagkaisa sa paghahanda—patunay ng buhay at nagkakaisang pananampalataya.

Inaanyayahan po ang lahat ng mananampalataya ng San Juan de Dios Chapel na makiisa sa gaganaping nobenaryo para sa ating...
21/04/2026

Inaanyayahan po ang lahat ng mananampalataya ng San Juan de Dios Chapel na makiisa sa gaganaping nobenaryo para sa ating Mahal na Nuestra Señora de las Saleras.

Ang mga nagnanais pong sumama ay maaaring magtungo sa Sa ating Kapilya, kung saan sama-sama tayong sasakay papunta sa ating dambana.

🗓 Abril 22, 2026
🕓 Alas-4 ng hapon

Inaanyayahan po namin kayong maglaan ng oras upang makiisa sa panalangin at debosyon. Ang inyong presensya ay malaking bahagi ng ating sama-samang pananampalataya at pagmamahal sa Mahal na Ina.

Maraming salamat po, at nawa’y magkita-kita tayong lahat sa banal na gawaing ito.

15/04/2026
✨ PAANYAYA ✨Inaanyayahan po ang lahat sa ENCUENTRO—ang tradisyunal na pagtatagpo ngNuestra Señora de las Saleras at San ...
15/04/2026

✨ PAANYAYA ✨

Inaanyayahan po ang lahat sa ENCUENTRO—ang tradisyunal na pagtatagpo ng
Nuestra Señora de las Saleras at San Juan Bautista, mga Patron ng Bayan ng Aliaga.

📅 Abril 18, 2026

🕠 Prusisyon sa Bukang-Liwayway – 5:00AM
🕠 Encuentro – 5:30 AM
🕕 Banal na Misa – 6:00 AM

Halina at makiisa sa pagdiriwang ng ating pananampalataya at debosyon.

🙏 Nuestra Señora de las Saleras, ipanalangin mo kami.
🙏 San Juan Bautista, ipanalangin mo kami.

Ikalawang Linggo ng Pasko ng PagkabuhayIsang paanyaya sa lahat ng mananampalataya na magnilay at makiisa sa banal na Mis...
10/04/2026

Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Isang paanyaya sa lahat ng mananampalataya na magnilay at makiisa sa banal na Misa sa pagdiriwang ng Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay—paalala ng walang hanggang pag-asa, awa, at panibagong buhay na dulot ng muling pagkabuhay ni Hesukristo.

📅 April 11, 2026
🕕 6:00 PM
📍 Capilla De San Juan de Dios
Brgy. San Juan, Aliaga, Nueva Ecija

Halina’t sabay-sabay nating ipagdiwang ang liwanag ng pananampalataya at ang walang hanggang biyaya ng Diyos.

Address

San Juan, Nueva Ecija
Aliaga
3111

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Juan De Dios Chapel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share