Flores de Mayo - Poblacion 2026

Flores de Mayo - Poblacion 2026 Flores de Mayo Organization of Alfonso, Cavite

๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™‹๐˜ผ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐™„๐™๐™„๐™’๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‡ ๐™‰๐˜ผ ๐™„๐™‰๐™ˆ๐˜ผ๐˜พ๐™๐™‡๐˜ผ๐˜ฟ๐˜ผ ๐˜พ๐™Š๐™‰๐˜พ๐™€๐™‹๐˜พ๐™„๐™Š๐™‰Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naglingkod at nag...
09/12/2025

๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™‹๐˜ผ๐™‹๐˜ผ๐™Ž๐˜ผ๐™‡๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™ ๐™Ž๐˜ผ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐˜ฟ๐™„๐™๐™„๐™’๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐˜ผ๐™ƒ๐˜ผ๐™‡ ๐™‰๐˜ผ ๐™„๐™‰๐™ˆ๐˜ผ๐˜พ๐™๐™‡๐˜ผ๐˜ฟ๐˜ผ ๐˜พ๐™Š๐™‰๐˜พ๐™€๐™‹๐˜พ๐™„๐™Š๐™‰

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naglingkod at nag-sponsor sa pagdiriwang ng Mahal na Inmaculada Concepcion. Ang inyong walang sawang suporta ay nagbigay-daan sa isang maayos, mataimtim, at makabuluhang selebrasyon. Maraming salamat po.๐Ÿ’™๐Ÿ™






Maraming Salamat po โค๏ธ
09/12/2025

Maraming Salamat po โค๏ธ

๐•ฟ๐–Ž๐–Œ๐–“๐–†๐–“ ๐–†๐–“๐–Œ ๐–’๐–Œ๐–† ๐–‘๐–†๐–—๐–†๐–œ๐–†๐–“ ๐–’๐–š๐–‘๐–† ๐–˜๐–† ๐•ป๐–†๐–Œ๐–‰๐–Ž๐–—๐–Ž๐–œ๐–†๐–“๐–Œ ๐–“๐–Œ ๐•ด๐–“๐–’๐–†๐–ˆ๐–š๐–‘๐–†๐–‰๐–† ๐•ฎ๐–”๐–“๐–ˆ๐–Š๐–•๐–ˆ๐–Ž๐–”๐–“Isang araw ng biyaya at pagninilay para sa San Juan N...
08/12/2025

๐•ฟ๐–Ž๐–Œ๐–“๐–†๐–“ ๐–†๐–“๐–Œ ๐–’๐–Œ๐–† ๐–‘๐–†๐–—๐–†๐–œ๐–†๐–“ ๐–’๐–š๐–‘๐–† ๐–˜๐–† ๐•ป๐–†๐–Œ๐–‰๐–Ž๐–—๐–Ž๐–œ๐–†๐–“๐–Œ ๐–“๐–Œ ๐•ด๐–“๐–’๐–†๐–ˆ๐–š๐–‘๐–†๐–‰๐–† ๐•ฎ๐–”๐–“๐–ˆ๐–Š๐–•๐–ˆ๐–Ž๐–”๐–“

Isang araw ng biyaya at pagninilay para sa San Juan Nepomuceno Parish habang ipinagdiriwang ang Kapistahan ng Inmaculada Concepcion. Sa misa at prusisyon, damang-dama ang init ng debosyon at pag-ibig ng bawat mananampalataya kay Maria. Nawaโ€™y manatiling ilaw ng pagkakaisa ang Mahal na Ina sa ating sambayanan.

Maria, ipinaglihing walang kasalanan, Ipanalangin mo kami ๐Ÿ’™๐Ÿ’






08/12/2025
๐•ธ๐–†๐–‘๐–Ž๐–Œ๐–†๐–ž๐–†๐–“๐–Œ ๐•ถ๐–†๐–•๐–Ž๐–˜๐–™๐–†๐–๐–†๐–“ ๐–“๐–Œ ๐•ด๐–“๐–’๐–†๐–ˆ๐–š๐–‘๐–†๐–‰๐–† ๐•ฎ๐–”๐–“๐–ˆ๐–Š๐–•๐–ˆ๐–Ž๐–”๐–“! Sa araw na ito, buong galak na ipinagdiriwang ng ating parokya ang kadak...
08/12/2025

๐•ธ๐–†๐–‘๐–Ž๐–Œ๐–†๐–ž๐–†๐–“๐–Œ ๐•ถ๐–†๐–•๐–Ž๐–˜๐–™๐–†๐–๐–†๐–“ ๐–“๐–Œ ๐•ด๐–“๐–’๐–†๐–ˆ๐–š๐–‘๐–†๐–‰๐–† ๐•ฎ๐–”๐–“๐–ˆ๐–Š๐–•๐–ˆ๐–Ž๐–”๐–“!

Sa araw na ito, buong galak na ipinagdiriwang ng ating parokya ang kadakilaan ng Mahal na Birheng Maria, na mula sa unang sandali ng kanyang pag-iral ay iningatan ng Diyos mula sa kasalanan. Ang kanyang buhay ay huwaran ng kababaang-loob, pananampalataya, at ganap na pagtitiwala sa kalooban ng Diyos. Nawaโ€™y ang kanyang dalisay na pag-ibig at matatag na pananampalataya ay maging inspirasyon ng ating buong komunidad.

Maria, ipinaglihing walang kasalanan, ipanalangin mo ang aming parokya at ang buong sambayanan. ๐Ÿ’™๐Ÿ™






IKA-SIYAM NA ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIANgayong huling araw ng Novena pa...
07/12/2025

IKA-SIYAM NA ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Ngayong huling araw ng Novena para sa Kapistahan ng Inmaculada Concepcion, pinangunahan ng Kapisanan ng Flores de Mayo - Poblacion 2026 at Mangas 1, Mangas Kanluran at Esperanza Ilaya ang pagdarasal ng Santo Rosario at ng nobena sa Inmaculada Concepcion, ang Patrona Principal ng Pilipinas.

Pinagnilayan natin ngayong araw ang kadakilaan ni Maria: siya na ipinaglihi na walang kasalanan ang malinaw na huwaran ng kabanalang ating inaasam makamit.

Inang kalinis-linisan, ipanalangin mo kami.






Inaanyayahan ng Kapisanan ng Flores de Mayo โ€“ Poblacion ang buong sambayanan upang makiisa sa Dakilang Kapistahan ng Kal...
07/12/2025

Inaanyayahan ng Kapisanan ng Flores de Mayo โ€“ Poblacion ang buong sambayanan upang makiisa sa Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria (Inmaculada Concepcion) bukas. ๐Ÿ’™โœจ

Ang Misa ay sa ika-6 ng umaga at ika-6 ng gabi. Susundan ito ng prusisyon ng Mahal na Birhen sa ganap na ika-7 ng gabi

Dahil ang Inmaculada Concepcion ang Patrona Principal ng buong Kapuluan ng Pilipinas, tayo ay tinatagubilinang magsimba at makiisa sa mga pagdiriwang. Halina't pagnilayan ang dakilang hiwaga ng kabanalan at kadalisayan ni Maria, ang unang bunga ng pagliligtas ni Kristo at huwaran ng ganap na pagtatalaga sa kalooban ng Diyos.


โ€œO Maria, ipinaglihi na walang bahid-dungis, ipanalangin mo kami na dumudulog sa iyo.โ€
๐Ÿ™๐Ÿ’™โœจ



IKAWALONG ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIANgayong huling unang Sabado ng taon...
06/12/2025

IKAWALONG ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Ngayong huling unang Sabado ng taon at antevisperas ng Kapistahan (6 Disyembre), pinangunahan ng Kapisanan ng Flores de Mayo - Poblacion 2026 ang pagdarasal ng Santo Rosario at ang ika-walong araw ng nobena sa Inmaculada Concepcion, Patrona Principal ng Pilipinas.

Pinagnilayan natin ngayong araw ang isa sa mga sanhi ng maluwalhating pananagumpay ng Iglesya Katolika laban sa kanyang mga kaaway: ang walang-humpay na pagkukupkop ng Dakilang Ina, si Mariang ipinaglihi na di nabahiran ng kasalanang orihinal.

Dahil siya ang salamin ng kalinisan, masasabing walang namintakasi kay Maria na di nagtagumpay sa pakikitunggali sa mga kaaway ng kaluluwa.

Kaya't halina, tayo'y dumulog at pakupkop kay Maria, at ating sambitlain ang ganitong mga pananalitan;

Inang walang-malay sa kahalayan, ipanalangin mo kami
Inang di malapltan ng masama, ipanalangin mo kami.
Inang kalinis-linisan, ipanalangin mo kami.






IKAPITONG ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIANgayong ika-5 ng Disyembre, pinangu...
05/12/2025

IKAPITONG ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Ngayong ika-5 ng Disyembre, pinangunahan nina Illuminada Fenol, Chara Angelica Giron, Erlinda Herrera at Francheska Austria ang pagdarasal ng Rosaryo at Nobena sa Inmaculada Concepcion, Patrona Principal ng Pilipinas.

Mula pa noong una, ipinangako ng Diyos ang kaligtasan sa ating mga magulang sa pamamagitan ng isang Babae. Sa kanya magmumula ang Anak na papawi sa dilim ng kasalanan, si Hesus na ating Panginoon.

O kalinis-linisang Birheng Maria, ipanalangin mo kami!






Tao po! Nangangaroling po! Darating po kami sa inyo, dala ang awit, dasal, at kagalakan ng Pasko! โœจ๐ŸŽ„Ngayong papalapit na...
04/12/2025

Tao po! Nangangaroling po! Darating po kami sa inyo, dala ang awit, dasal, at kagalakan ng Pasko! โœจ๐ŸŽ„

Ngayong papalapit na kapaskuhan, muling binubuhay ng Flores de Mayo Poblacion ang isang nakagisnang tradisyon ng mga Pilipino, ang pangangaroling o pamamasko, handog ng mga kabataan ng Flores de Mayo - Poblacion 2026 sa atinf mahal na pamayanan.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, nais naming ihatid sa bawat tahanan ang kagalakan ni Kristo at ang mapag-arugang pag-ibig ni Maria sa pamamagitan ng awitin at panalangin.

Buong galak po naming dadalawin ang mga Katolikong pamilya sa Poblacion 1โ€“5 sa ika-6 at ika-13 ng Disyembre 2025, simula alas-6 ng gabi.

Asahan ninyo ang masasayang tinig ng kabataan, mga awiting pamasko na puno ng pag-asa, at mga panalanging iaalay para sa kapayapaan at biyaya ng inyong pamilya at tahanan.

Ngayong Pasko, sama-sama po nating salubungin si Kristo sa ating mga tahanan, sa pamamagitan ng awit, ngiti, at taos-pusong pagtanggap. Nawaโ€™y madama ninyo ang kagalakan ni Kristo at ang mapagmahal na yakap ni Mama Mary sa bawat himig na aming iaalay.

๐Ÿ ๐ŸŽถ Abangan po ninyo kami sa ika-6 at ika-13 ng Disyembre!

Buksan ang inyong mga pintuan, buksan ang inyong mga puso, at sabay-sabay nating ipagdiwang ang Pasko bilang isang nagkakaisang pamayanan.
๐Ÿ’–๐ŸŽ„

IKA-ANIM NA ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIANgayong ika-4 ng Disyembre, pinan...
04/12/2025

IKA-ANIM NA ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Ngayong ika-4 ng Disyembre, pinangunahan ng aming Adviser at ilang opisyales ng Flores de Mayo- ang pagdarasal ng Rosaryo at Nobena sa Inmaculada Concepcion, Patrona Principal ng Pilipinas.

Dahil sa malaking awa ng Diyos sa sangkatauhan, ipinagkaloob niya si Maria na Ina ng kanyang Anak na si Hesus upang maging Ina rin natin. Sa papalapit na kapistahan ng Inmaculada Concepcion, makita nawa natin si Maria hindi lamang bilang reynang sakdal gamda, kundi bilang ina nating handang dumamay.

O kalinis-linisang Birheng Maria, ipanalangin mo kami!






IKALIMANG ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIANgayong ika-3 ng Disyembre, pinangu...
03/12/2025

IKALIMANG ARAW NG NOBENA PARA SA KALINIS-LINISANG PAGLILIHI SA MAHAL NA BIRHENG MARIA

Ngayong ika-3 ng Disyembre, pinangunahan ng FDM - Marahan 1 at FDM - Poblacion ang pagdarasal ng Rosaryo at Nobena sa Inmaculada Concepcion, Patrona Principal ng Pilipinas.

Si Maria, ipinaglihing walang kasalanan, ay halimbawa ng pagtalima sa kalooban ng Ama. Tayong mga deboto ay magkaroon nawa ng pagtulad sa kanyang puso.

O kalinis-linisang Birheng Maria, ipanalangin mo kami!






Address

Alfonso

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Flores de Mayo - Poblacion 2026 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Flores de Mayo - Poblacion 2026:

Share