Ministry on catechesis//St joseph Parish-Kaytitinga

Ministry on catechesis//St joseph Parish-Kaytitinga Echo of Jesus: To Love and To Serve the Lord through others

23/05/2026
23/05/2026
20/05/2026

Panalangin sa Espiritu Santo para sa Katekistang Nanghihina

Halina, Banal na Espiritu,
turuan Mo ako kung paano magturo.
Kapag ako’y kinakabahan, bigyan Mo ako ng kapayapaan.
Kapag kulang ang aking salita, Ikaw ang magsalita sa puso ng mga bata.
Kapag ako’y nanghihina, palakasin Mo ako.

Hindi man ako perpekto,
ginagamit Mo pa rin ako para ipakilala si Hesus.
Tulungan Mo akong maging mapagpakumbaba,
matiyaga, at puno ng pagmamahal.

Buksan Mo ang aking isip upang matuto pa,
at ang aking puso upang maglingkod nang tapat.

Maria, Ina ng Simbahan, ipanalangin Mo ako.
San Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod, gabayan ninyo ako.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

19/05/2026

Behind every family sitting together in church, there’s always a story.

Some overcame brokenness.
Some survived financial struggles.
Some are still healing from pain, misunderstandings, and silent battles.

And yet there they are… still choosing God together 🙌🙂

That’s why seeing families worship together is beautiful. Not because they have perfect lives, but because despite imperfections, they still decided to put God at the center of their home.

Minsan hindi natin alam kung ilang prayers na ba ang iniyak ng isang nanay para sa pamilya niya. Ilang sacrifices na ba ang ginawa ng isang tatay para maitawid ang pamilya niya. Ilang silent battles na ba ang nilalabanan ng bawat miyembro ng pamilya.

But seeing them inside the church reminds us that God is still restoring families today.

Because a family centered on God does not mean a family without problems. It means a family that keeps choosing grace, forgiveness, prayer, and love despite the struggles.

Nakakaiyak minsan makita yung buong pamilya na sabay-sabay sumasamba sa Panginoon, because in a generation where many homes are broken, divided, and distant from God… seeing families worship together is already a testimony itself.

And honestly, the church doesn’t need perfect families. It needs surrendered families.

Families who will say, “LORD, hindi man kami perpektong pamilya, pero Ikaw pa rin ang gusto naming maging sentro ng tahanan.” 🤍

Joshua 24:15 “But as for me and my household, we will serve the Lord.”

To you who’s reading this right now, whether you’re still praying for your family to come to church, still fighting battles within your home, or still waiting for restoration… let this be a reminder for you to KEEP GOING 🙌🙂

Don’t let discouragement stop you.

Tandaan na ang desisyon mo na magpatuloy sa paglingkod para sa Panginoon ay hindi lang para sa'yo kundi para rin sa pamilya mo.

One prayer can change a home.
One surrendered heart can influence a generation.
And one family centered on God can become a testimony of His grace 🤍

🍃

19/05/2026

Ipinababatid po sa lahat ng magpapakumpil sa June 13, 2026; ang huling araw po ng pagpapasa ng inyong mga dokumento (requirements) ay sa ika -anim (6) ng Hunyo 2026. (9:00am - 4:00Pm)
Maraming Salamat po.

19/05/2026

Ang Pitong Kaloob ng Espiritu Santo

Ang pitong kaloob ng Espiritu Santo ay nakabatay lalo na sa:
Isaias 11:2–3: “Mananahan sa kanya ang Espiritu ng Panginoon:
espiritu ng karunungan at pagkaunawa, espiritu ng payo at katatagan, espiritu ng kaalaman at pagkatakot sa Panginoon…”

Kaugnay rin nito ang:

1 Corinto 12 — mga biyaya at gawa ng Espiritu Santo
Galacia 5:22–23 — bunga ng Espiritu Santo
Ayon sa CCC 1831 “Ang pitong kaloob ng Espiritu Santo ay: karunungan, pagkaunawa, payo, katatagan, kaalaman, kabanalan/pagkamaka-Diyos, at pagkatakot sa Panginoon.”

Ang Pitong Kaloob ng Espiritu Santo
1. Karunungan (Wisdom)

Kakayahang makita ang lahat ayon sa pananaw ng Diyos at mahalin ang mabuti kaysa makamundong bagay.

“Kung kulang kayo sa karunungan, humingi kayo sa Diyos.”
— Santiago 1:5

Tinutulungan tayong hangarin ang Diyos higit sa lahat.
(CCC 1831)

2. Pagkaunawa (Understanding)
Mas malalim na pag-intindi sa Salita ng Diyos at mga misteryo ng pananampalataya.

“Binuksan niya ang kanilang isip upang maunawaan ang Kasulatan.”
— Lucas 24:45

Tinutulungan tayong maunawaan ang katotohanan ng pananampalataya.
(CCC 1831)

3. Payo (Counsel / Right Judgment)

Gabay ng Espiritu Santo upang makapili ng tama ayon sa kalooban ng Diyos.

“Ang Espiritu mismo ang aakay sa inyo sa buong katotohanan.”
— Juan 16:13

Nagbibigay ng tamang paghusga sa mahihirap na sitwasyon.
(CCC 1831)

4. Katatagan (Fortitude)
Kahulugan

Lakas ng loob upang manatiling tapat sa Diyos kahit may hirap, tukso, o pag-uusig.

“Magpakatatag kayo at lakasan ang inyong loob.”
— Josue 1:9
Nagbibigay ng tapang upang gawin ang mabuti kahit mahirap.
(CCC 1831)

5. Kaalaman (Knowledge)

Pagkilala sa layunin ng mga nilikha at kung paano tayo inilalapit ng mga ito sa Diyos.

“Ang pagkatakot sa Panginoon ang pasimula ng kaalaman.”
— Kawikaan 1:7

Tinutulungan tayong gamitin nang tama ang mga bagay sa mundo.
(CCC 1831)

6. Kabanalan / Pagkamaka-Diyos (Piety)

Pagmamahal at debosyon sa Diyos bilang Ama, at paggalang sa kapwa bilang anak ng Diyos.

“Tinanggap ninyo ang Espiritu ng pagiging anak.”
— Roma 8:15

Nagpapalalim ng ating panalangin, pagsamba, at pagmamahal sa Diyos.
(CCC 1831)

7. Pagkatakot sa Panginoon (Fear of the Lord)

Hindi takot na parang pangamba, kundi banal na paggalang at pag-iwas na magkasala laban sa Diyos.

“Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan.”
— Awit 111:10

Nagbibigay ng pagpapakumbaba at paggalang sa kadakilaan ng Diyos.
(CCC 1831)

Buod

Ang pitong kaloob ng Espiritu Santo ay:

ibinubuhos sa binyagan,
pinapalakas lalo sa Sakramento ng Kumpil,
tumutulong upang mamuhay bilang tunay na Kristiyano.

Mga Kaugnay na Sanggunian sa CCC
CCC 1830–1832 — Pitong Kaloob ng Espiritu Santo
CCC 1285–1303 — Kumpil at pagbubuhos ng Espiritu Santo
CCC 733, 736, 741 — Gawain ng Espiritu Santo
CCC 1845 — Buod ng buhay Kristiyano sa Espiritu

18/05/2026

This coming Sunday na

Address

Kaytitinga 1 Alfonso Cavite
Alfonso
4123

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry on catechesis//St joseph Parish-Kaytitinga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Ministry on catechesis//St joseph Parish-Kaytitinga:

Share