04/07/2023
Kasalukuyan pa ring nagaganap ang Continuing Theological Education (CTE) ng mga Kaparian ng Diocesis de Cavite sa Teus Farm, Alfonso, Cavite.
Layunin ng pag-aaral na ito na mas mapalalim pa ang administratibong kaalaman at kakayahan ng mga Pari sa usapin ng Centralization ng Simbahan.
Kaakibat ng pag-aaral ay ang partisipasyon sa pagtulong at pag-gampan sa iilang gawain mula sa ating Capilla de San Isidro Labrador - Narvaez, Bailen.