06/10/2026
Hindi pa tapos ang paghihintay.
Ang Panginoong Hesus ay babalik parin.
Nananatili kabang handa sa pagbabalik ng iyong Panginoon tulad ng limang matatalinong babae o nauubusan na ng langis ang iyong ilawan tulad ng limang hangal na babae?
๐ Mateo 25
"Ang kaharian ng langit ay tulad ng sampung dalaga: lima ang matatalino na naghanda ng dagdag na langis, at lima ang hangal na hindi naghanda. Nang dumating ang lalaking ikakasal, ang limang handa ay nakapasok sa kasalan, samantalang ang limang hindi handa ay naiwan. Kaya sinabi ni Jesus na magbantay at laging maging handa, sapagkat hindi natin alam ang araw o oras ng Kanyang pagdating."
Ang ilawan ay ang ating Espiritu.
Ang Langis ay ang pagkilos ng Banal na Espiritu sa iyong buhay.
panatiliing puspos ng Banal na Espiritu ang iyong buhay hanggang sa pagbabalik ng Panginoon. Sundin ang nais ng Banal na Espiritu.
Unahin ang Nais at kalooban ng Diyos higit sa lahat ng bagay.
Hayaan mo na ang rason ng iyong mga ginagawa ay ang pagmamahal mo sa Panginoon.
Kahit napakarami nating ginagawa sa loob ng church, kahit sumasama tayo sa activities ng church, kahit umaawit o tumatayo tayo sa harapan ng church ngunit kung hindi si Cristo ang sentro ng ating pagkilos ito ay walang kabuluhan.
Laging maging tunay ang pagnanais mong makasama ang Panginoon at ang kumilos para sknya lamang.
๐ Pahayag 2:2-5
"Alam ko ang mga ginagawa mo, ang iyong mga pagpapagal at matiyagang pagtitiis.
Alam kong hindi mo kinukunsinti ang masasamang tao. Sinubok mo ang mga nagsasabing sila'y apostol, at napatunayan mong sila'y huwad.
3 Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin at hindi ka sumuko.
4 Subalit may isang bagay na ayaw ko sa iyo: iniwan mo na ang pag-ibig mo noong una.
5 Alalahanin mo ang dati mong kalagayan; pagsisihan mo at talikuran ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginagawa mo noong una. Kapag hindi ka nagsisi, pupunta ako diyan at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan"
God is giving us an extra time. Gawin ang dapat at maging handa sa kanyang pagbabalik ๐๐