31/05/2026
Devotion:
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Speaker: Ptr. Jess Galivo
Key Verse
Philippians 4:13 (ASND)
โAng lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.โ
Ang spiritual growth ay hindi automatic na nangyayari. Bilang mga mananampalataya, may mga bagay na nagiging hadlang upang mas lumalim ang ating relasyon sa Panginoon. Ngunit sa tulong at lakas na nagmumula kay Cristo, kaya nating mapagtagumpayan ang mga ito.
1. Pabagu-bagong Puso
May mga pagkakataon na sobrang init natin sa paglilingkod, ngunit kapag may problema o pagsubok, mabilis tayong nanghihina. Ang pagiging inconsistent sa ating commitment sa Diyos ay nagiging hadlang sa ating spiritual growth.
Santiago 1:8 (ASND)
โAng taong may pag-aalinlangan ay hindi matatag sa lahat ng kanyang ginagawa.โ
Hamon:
Maging consistent at faithful sa Panginoon kahit maganda man o mahirap ang sitwasyon.
Pagninilay:
Ang tunay na pananampalataya ay nananatiling matatag kahit hindi pabor ang mga pangyayari.
2. Mababaw na Relasyon sa Diyos
Hindi sapat na umaasa lamang tayo sa Sunday service para lumago. Kailangan natin ng personal na relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng prayer, Bible reading, at quiet time.
Jeremias 29:13 (ASND)
โHahanapin ninyo ako at matatagpuan kapag buong puso ninyo akong hinanap.โ
Hamon:
Maglaan ng oras araw-araw para makipag-usap at makinig sa Diyos.
Pagninilay:
Mas lumalalim ang ating relasyon sa Panginoon kapag regular natin Siyang hinahanap.
3. Mga Hindi Nagpapatawad na Sama ng Loob
Ang unforgiveness ay parang mabigat na dalahin sa puso. Habang kinikimkim natin ang galit at sakit, nahahadlangan ang ating paglago at kapayapaan.
Efeso 4:31-32 (ASND)
โAlisin ninyo ang lahat ng uri ng kapaitan, galit, p**t, sigawan at paninirang-puri, pati na ang lahat ng uri ng kasamaan. Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isa't isa, at magpatawaran gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo.โ
Hamon:
Piliing magpatawad gaya ng pagpapatawad sa atin ng Panginoon.
Pagninilay:
Kapag tayo ay nagpapatawad, hindi lamang ang iba ang napapalaya kundi pati ang ating sariling puso.
4. Pag-ibig sa Sanlibutan
Kapag mas inuuna natin ang mga bagay ng mundo kaysa sa Diyos, unti-unting lumalamig ang ating espirituwal na buhay. Ang mga materyal na bagay, kasikatan, at makamundong hangarin ay maaaring maglayo sa atin sa Panginoon.
1 Juan 2:15 (ASND)
โHuwag ninyong ibigin ang mundong ito o ang mga bagay na narito. Ang umiibig sa mundo ay walang pag-ibig sa Ama.โ
Hamon:
I-prioritize ang Diyos higit sa anumang bagay sa mundong ito.
Pagninilay:
Ang puso na nakatuon sa Diyos ay hindi madaling maagaw ng mga pansamantalang bagay.
5. Kawalan ng Disiplina
Ang spiritual growth ay nangangailangan ng commitment at discipline. Hindi tayo lalago kung Bible reading at prayer ay ginagawa lamang kapag may oras o kapag may problema.
1 Timoteo 4:7-8 (ASND)
โSanayin mo ang iyong sarili upang mamuhay nang may kabanalan.โ
Hamon:
Magkaroon ng regular na oras para sa panalangin, pagbabasa ng Biblia, at paglilingkod.
Pagninilay:
Ang maliliit ngunit consistent na hakbang araw-araw ay nagbubunga ng malaking paglago sa hinaharap.
6. Pride (Pagmamataas)
Ang pride ay nagiging dahilan upang isipin nating kaya natin ang lahat nang wala ang Diyos. Kapag puno tayo ng sarili, nahihirapan tayong magpasakop at matuto.
Santiago 4:6 (ASND)
โSinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas, ngunit pinagpapala niya ang mga mapagpakumbaba.โ
Hamon:
Matutong maging humble at umasa sa biyaya ng Diyos sa lahat ng bagay.
Pagninilay:
Ang pagpapakumbaba ay daan upang mas maranasan natin ang pagkilos ng Diyos sa ating buhay.
7. Kawalan ng Tamang Komunidad
Napakahalaga ng pagkakaroon ng tamang circle of friends at church family. Ang mga taong nakapaligid sa atin ay may malaking impluwensya sa ating spiritual walk.
Hebreo 10:24-25 (ASND)
โHuwag nating pabayaan ang ating pagtitipon-tipon gaya ng ginagawa ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa.โ
Hamon:
Makisama sa mga taong mag-eencourage sa iyo na mas mapalapit sa Diyos.
Pagninilay:
Mas lumalakas ang isang Kristiyano kapag may tamang suporta at fellowship mula sa kapwa mananampalataya.
Konklusyon
Lahat tayo ay may mga hadlang na kinakaharap sa ating spiritual journey. Ngunit ang magandang balita, hindi natin kailangang harapin ang mga ito nang mag-isa.
Philippians 4:13 (ASND)
โAng lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.โ
Sa pamamagitan ng lakas na ibinibigay ni Cristo, kaya nating mapagtagumpayan ang bawat hadlang, manatiling matatag sa pananampalataya, at patuloy na lumago sa ating relasyon sa Panginoon.
Pangwakas na Hamon
Tanungin ang sarili: Ano ang pinakamalaking hadlang sa aking spiritual growth ngayon? At ano ang maaari kong gawin sa linggong ito upang mas mapalapit sa Diyos?