Tugdan Life Church - Assembly of God

Tugdan Life Church - Assembly of God Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tugdan Life Church - Assembly of God, Religious organisation, Alcantara.

🌊 Pananampalataya sa Gitna ng Bagyo 🌊Ang pananampalataya sa gitna ng bagyo ay hindi lang isang ideya—ito ay malinaw na m...
01/02/2026

🌊 Pananampalataya sa Gitna ng Bagyo 🌊

Ang pananampalataya sa gitna ng bagyo ay hindi lang isang ideya—ito ay malinaw na makikita sa kwento ni Pedro. Sa kanyang karanasan, nakikita natin ang sarili nating takot, pag-aalinlangan, at pag-asa.

Hindi exempted ang Kristiyano sa bagyo. Kahit sumusunod tayo kay Jesus, may mga unos pa ring dumarating. Ang mga alagad ay nasa gitna ng dagat dahil sinunod nila ang Panginoon, hindi dahil sila’y nagkamali.
“In this world you will have trouble. But take heart! I have overcome the world.”John 16:33

Humakbang si Pedro palabas ng bangka—iyon ang pananampalataya. Ngunit nang tumingin siya sa lakas ng alon imbes na kay Jesus, siya ay lumubog.
“But when he saw the wind, he was afraid and, beginning to sink…”
Matthew 14:30

Ngunit napakaganda ng katotohanan: kahit nanghina ang kanyang pananampalataya, hindi siya pinabayaan ni Jesus. Agad Siyang umabot.
“Immediately Jesus reached out his hand and caught him.”Matthew 14:31

✨ Sa gitna ng bagyo, may pagpipilian tayo:
➡️ Tumitig sa alon at manghina
➡️ O tumingin kay Jesus at magtiwala

💙 Ang nagtitiwala sa Panginoon ay maaaring manghina, pero hinding-hindi pababayaan. ✝️🌊



Ngayong linggo, muli nating narinig ang makapangyarihang mensahe: “Just Believe.”Isang maikling pahayag, ngunit may napa...
18/01/2026

Ngayong linggo, muli nating narinig ang makapangyarihang mensahe: “Just Believe.”
Isang maikling pahayag, ngunit may napakalalim na epekto sa ating buhay—lalo na sa ating relasyon sa Panginoon.

Ito ay paalala na hindi takot ang dapat manguna sa atin, kundi pananampalataya. Sapagkat “ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan at ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita” (Hebreo 11:1).

Magkaiba ang prinsipyo ng mundo at ng Diyos.
Sa mundo, to see is to believe.
Ngunit sa Panginoon, believe and you will see.
“Kung ikaw ay sasampalataya, makikita mo ang kaluwalhatian ng Diyos” (Juan 11:40).

Marami sa mga himala ni Jesus ang nangyari dahil sa pananampalataya ng mga taong buong pusong naniwala sa kanya. Tulad ng babaeng dinugo sa loob ng labindalawang taon—naniwala siyang gagaling siya kahit mahawakan lamang ang laylayan ng damit ni Jesus. At sinabi sa kanya ni Jesus,
“Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya” (Marcos 5:34).

Ito ang malinaw na patunay na walang imposible sa Diyos para sa mga sumasampalataya (Lucas 1:37).
Kapag hindi ka naniwala, maraming oportunidad ang mawawala. Ngunit kapag ikaw ay naniwala, walang mawawala—bagkus, maraming maaaring magbago, gumaling, at mangyari.

Kaya sama-sama nating ipanalangin na alisin ng Diyos ang lahat ng takot sa ating mga puso at palitan ito ng matibay na pananampalataya.

“Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng takot, kundi ng kapangyarihan, pag-ibig, at maayos na pag-iisip” (2 Timoteo 1:7).

Just believe.
Dahil sa pananampalataya, nagsisimula ang himala. 🙏

2/2-----------HARVEST CELEBRATION-----------✨ Mapagpalang Linggo sa ating lahat ✨Isang araw ng paalala na ang bawat pagl...
11/01/2026

2/2
-----------HARVEST CELEBRATION-----------
✨ Mapagpalang Linggo sa ating lahat ✨
Isang araw ng paalala na ang bawat paglapit sa Diyos ay mahalaga sa Kanya. Natutuwa ang Panginoon sa bawat bisitang dumadalo, at naniniwala tayo na hindi aksidente ang kanilang pagdating. Ang bawat hakbang papunta sa presensya ng Diyos ay may layunin, at may kagalakan sa kalangitan sa bawat pusong bumabalik sa Kanya. 🙌
Sa ating church service, ating napakinggan ang mensaheng “Come to Me, all of you who are weary.”
Ito ay paanyaya ng Diyos para sa ating lahat — anuman ang ating pinagdaraanan sa buhay.
Kung tayo man ay pagod, may kabigatan, masaya, may sakit, o may sugatang relasyon, nais ng Diyos na lumapit tayo sa Kanya. Hindi Niya hinihintay na maging perpekto muna tayo; ang mahalaga sa Kanya ay ang ating pusong handang magtiwala.
Higit sa lahat, ang nais ng Diyos para sa atin ay kaligtasan — hindi lamang kaginhawaan sa kasalukuyan, kundi buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo. Ang tunay na kapahingahan ay nagsisimula kapag tinanggap natin Siya bilang ating Panginoon at Tagapagligtas.
📖 “Halikayo sa Akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan, at kayo’y bibigyan Ko ng kapahingahan.”
— Mateo 11:28
📖 “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
— Juan 3:16
Sa susunod na Linggo, inaasahan tayong muli ng Panginoon. Bukas ang Kanyang tahanan para sa atin, at inaanyayahan din tayong mag-imbita ng iba pa, sapagkat nais ng Diyos na mapuno ang langit ng mga pusong tumutugon sa Kanyang pag-ibig.
📖 “Kaya’t lumabas kayo sa mga lansangan at mga daan at pilitin ninyong pumasok ang mga tao, upang mapuno ang aking bahay.”
— Lucas 14:23
Anuman ang ating dinadala, kapag inilapit natin ito sa Panginoon, Siya ang tutulong at magpapagaan. May kapahingahan, pag-asa, at higit sa lahat — kaligtasan para sa ating lahat kay Cristo. 🤍

----------HARVEST CELEBRATION---------✨ Mapagpalang Linggo sa ating lahat ✨Isang araw ng paalala na ang bawat paglapit s...
11/01/2026

----------HARVEST CELEBRATION---------
✨ Mapagpalang Linggo sa ating lahat ✨
Isang araw ng paalala na ang bawat paglapit sa Diyos ay mahalaga sa Kanya. Natutuwa ang Panginoon sa bawat bisitang dumadalo, at naniniwala tayo na hindi aksidente ang kanilang pagdating. Ang bawat hakbang papunta sa presensya ng Diyos ay may layunin, at may kagalakan sa kalangitan sa bawat pusong bumabalik sa Kanya. 🙌
Sa ating church service, ating napakinggan ang mensaheng “Come to Me, all of you who are weary,and I will give you rest.”
Ito ay paanyaya ng Diyos para sa ating lahat — anuman ang ating pinagdaraanan sa buhay.
Kung tayo man ay pagod, may kabigatan, masaya, may sakit, o may sugatang relasyon, nais ng Diyos na lumapit tayo sa Kanya. Hindi Niya hinihintay na maging perpekto muna tayo; ang mahalaga sa Kanya ay ang ating pusong handang magtiwala.
Higit sa lahat, ang nais ng Diyos para sa atin ay kaligtasan — hindi lamang kaginhawaan sa kasalukuyan, kundi buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo. Ang tunay na kapahingahan ay nagsisimula kapag tinanggap natin Siya bilang ating Panginoon at Tagapagligtas.
📖 “Halikayo sa Akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan, at kayo’y bibigyan Ko ng kapahingahan.”
— Mateo 11:28
📖 “Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”
— Juan 3:16
Sa susunod na Linggo, inaasahan tayong muli ng Panginoon. Bukas ang Kanyang tahanan para sa atin, at inaanyayahan din tayong mag-imbita ng iba pa, sapagkat nais ng Diyos na mapuno ang langit ng mga pusong tumutugon sa Kanyang pag-ibig.
📖 “Kaya’t lumabas kayo sa mga lansangan at mga daan at pilitin ninyong pumasok ang mga tao, upang mapuno ang aking bahay.”
— Lucas 14:23
Anuman ang ating dinadala, kapag inilapit natin ito sa Panginoon, Siya ang tutulong at magpapagaan. May kapahingahan, pag-asa, at higit sa lahat — kaligtasan para sa ating lahat kay Cristo. 🤍

Sa Diyos ang Kataas-taasang papuri 🙏

Ngayong huling linggo ng taong 2025, ang mensaheng ibinahagi sa atin ni Pastor Edel ay tumimo sa ating mga puso: “Isang ...
28/12/2025

Ngayong huling linggo ng taong 2025, ang mensaheng ibinahagi sa atin ni Pastor Edel ay tumimo sa ating mga puso: “Isang sanggol na nagpabago ng lahat ng bagay sa sanlibutan.” Ito ang tunay na diwa ng Pasko—ang pagsilang ng ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ang Pasko ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo o isang tradisyong taun-taon nating ginugunita. Ito ay paalala ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.
Bakit nga ba natin ipinagdiriwang ang Pasko?

✨ Christmas is God’s gift to us – Ipinagkaloob ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak, hindi dahil karapat-dapat tayo, kundi dahil mahal Niya tayo.
✨ Christmas reveals who Jesus truly is – Siya ang Emmanuel, ang Diyos na sumasa-atin, ang Tagapagligtas na nagpakumbaba upang iligtas ang makasalanan.
✨ Christmas declares Christ’s authority – Sa Kanyang pagsilang ay ipinahayag ang kapangyarihan ng Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.

Mas dapat nating ipagdiwang at pahalagahan ang Pasko, hindi dahil sa mga regalong ating naibibigay o natatanggap, kundi dahil nakamit na natin ang pinakadakilang regalo—si Jesus Christ. Siya ang dahilan ng ating kaligtasan, ng bagong buhay, at ng pag-asang may buhay na walang hanggan.

Ito ang tunay na Pasko. Ito ang dahilan kung bakit tayo nagdiriwang.

December 21, 2025 — Isang mapagpalang araw ng Church Thanksgiving kung saan sama-sama nating ipinagdiwang at pinasalamat...
21/12/2025

December 21, 2025 — Isang mapagpalang araw ng Church Thanksgiving kung saan sama-sama nating ipinagdiwang at pinasalamatan ang Diyos sa Kanyang walang sawang kabutihan, proteksyon, at provision sa buong taon.
Pinagpala rin ang aming mga puso sa mga patotoong ibinahagi nina Bro. Carlo Delfin at Sis. Phoebe Ibon, na nagpaalala sa atin na ang Panginoon ay tunay na nalulugod sa pusong mapagpasalamat—pusong marunong kumilala sa Kanyang gawa sa gitna ng anumang sitwasyon.
Kasabay ng selebrasyong ito ang ating Pastor’s Appreciation, kung saan taos-puso nating binigyang-pugay ang buhay ng ating minamahal na Pastor Edel at ng kanyang pamilya. Nagpapasalamat din tayo sa buhay ni Pastor Chet Solidum, ang ating palaging guest pastor sa Tugdan Life Church. Maaaring hindi man palaging vocal ang ating pasasalamat, ngunit ang simpleng pagkilala at pagpapahalaga ay malaking bagay—isang alay ng paggalang at pasasalamat sa mga lingkod ng Diyos.
Tunay na ang taon na ito ay puno ng mga pagsubok, saya, at tagumpay. Ngunit sa kabila ng lahat, nararapat lamang na ibalik natin ang lahat ng pasasalamat sa Panginoon, sapagkat mula sa Kanya nagmumula ang lahat ng mayroon tayo.
At higit sa lahat, ngayong nalalapit ang Pasko, buong puso nating ipinagpapasalamat ang buhay ni Hesus—ang pinakadakilang kaloob ng Diyos, patunay ng Kanyang wagas at walang hanggang pag-ibig sa atin.Ito ang tunay na dahilan ng Christmas ,ang ipagbunyi si Kristo sa ating mga buhay 😇

Merry Christmas everyone !
To God be all the glory! 🙏✨

Earlier during our Sunday service, even with the typhoon, the house of God was filled with His presence. Truly, nothing ...
09/11/2025

Earlier during our Sunday service, even with the typhoon, the house of God was filled with His presence. Truly, nothing can stop those who hunger for Him.
Today's message delivered by Pastor Ken Paghiligan was titled "The Roadmap of Life."

Ano ang Daan?
Sa buhay, may dalawang daan. Ang makitid na daan na patungo sa kaligtasan, at ang malawak na daan na patungo sa kapahamakan. Kung nais nating makarating sa tamang destinasyon, kailangan piliin natin ang tamang daan.

Ano ang Mapa?
Bilang Kristyano, hindi tayo naglalakad nang walang gabay. Ang Bibliya ang ating mapa at gabay upang hindi tayo maligaw. Sa tuwing may pagdududa o usaping hindi natin maintindihan, dito tayo bumabalik at nagtatanong.

Ano ang Buhay?
Kung dumaan tayo sa tamang daan, at sumunod sa tamang mapa, tiyak na dadalhin tayo ng Diyos sa buhay na Kanyang inihanda para sa atin. Hindi man madali, pero siguradong ligtas, payapa, at may saysay.

God is always leading. We just have to walk with Him.

"Your word is a lamp to my feet and a light to my path."
Psalm 119:105 🌿

Stay safe and stay anchored in the Lord. 🙏✨

✨ Isang Gabi ng Pasasalamat at Panibagong Simula ✨Kagabi, November 8, 2025, ginanap ang Graduation Night ng ating Discip...
08/11/2025

✨ Isang Gabi ng Pasasalamat at Panibagong Simula ✨

Kagabi, November 8, 2025, ginanap ang Graduation Night ng ating Discipleship Class. Kasama rin ng ating mga graduates ang ilan sa kanilang pamilya, kaya’t dama ang saya at suporta habang ipinagdiriwang ang naging paglalakbay nila sa pananampalataya.

Nagsimula ang programa sa processional march, kung saan nagmartsa ang mga graduates kasama ang kanilang mga teachers at pinangunahan ni Rev. Lito Gatarin. Mula rito, naging mas makahulugan ang gabi nang magbahagi ng kanilang mga patotoo ang ilan sa ating mga estudyante: Bro. Edwin Miñas, Bro. Jonard Galin, Bro. Elmer, at Sis. Perlie Galicia. Ang kanilang mga kwento ay nagpapaalala na tunay na kumikilos ang Panginoon sa tahimik na pagbabago ng puso.

Kasunod nito, inawit ng ating mga graduates ang kanilang graduation song na “Gintong Panahon.” Ang kanta ay nagsilbing simbolo ng pagtatapos ng isang yugto at pagharap sa panibagong misyon.

Pagkatapos ng awitin, nagbahagi ng mensahe si Pastor Lito na may temang “Born to Multiply.” Dito ay binigyang-diin na ang discipleship ay hindi lamang natatapos sa pagkuha ng leksyon, kundi ito ang simula ng pagdadala ng iba pang kaluluwa pabalik sa Panginoon. Hindi lamang tayo tinawag upang lumago, kundi upang maging instrumento para sa paglago ng iba.

Mula rito ay dumaloy ang gabi patungo sa isang munting salo-salo, kung saan nagkaroon ng pagkakataong magkwentuhan, magpasalamat, at ipagdiwang ang kabutihan ng Diyos sa ating lahat.

At habang natapos ang programa, malinaw ang paalala:
Hindi dito nagtatapos ang ating paglalakbay.
Natapos man ang lessons, ngunit ang misyon ay magpapatuloy. Ang mga natutunan ay magsisilbing ilaw sa paglakad sa mas malalim na paglilingkod.

Lubos ang pasasalamat ng Tugdan Life Church sa lahat ng teachers, sa pangunguna ni Pastor Lito, na naging gabay at huwaran sa aming paglago.
At higit sa lahat, sa Panginoon na nagbigay proteksyon, karunungan, at tagumpay sa buong gawaing ito.

To our 1st Batch graduates, congratulations!🎉🎉
God bless sa susunod na mga ministeryo at gawain na ating haharapin.
At siyempre, see you soon, Second Batch students!
Mas marami pang buhay ang aangat, lalago, at maglilingkod.

Sa Kanya ang papuri at pasasalamat magpakailanman.
To God be the Glory! ✨🙏

9th Week & Final Night of Discipleship: “A New Beginning”Ngayong gabi ay ginanap ang ika-9 at huling linggo ng ating Dis...
30/10/2025

9th Week & Final Night of Discipleship: “A New Beginning”

Ngayong gabi ay ginanap ang ika-9 at huling linggo ng ating Discipleship. Bago magsimula ang pagbabahagi ng mensahe, nag-alay muna ng kaniya-kaniyang worship song composition ang apat na grupo na binuo noong nakaraang Biyernes. Ang bawat awitin ay hango sa Romans 8:15, kung saan ipinapaalala sa atin na hindi na tayo alipin ng takot, kundi mga anak ng Diyos — may karapatang tumawag sa Kanya bilang ating Ama.

Matapos ang mga natatanging awitin, tinalakay naman ni Pastor Lito ang paksa ngayong gabi na pinamagatang “A New Beginning.”
Binigyang-diin niya na ang tunay na bagong simula ay nagsisimula sa tunay na pagsuko ng buhay kay Kristo, at isa sa mga unang hakbang ng pagbabagong ito ay ang pagpapabautismo sa tubig.

Ipinaliwanag ni Pastor Lito ang kaibahan ng binyag at bautismo sa tubig. Ang binyag ay madalas na ginagawa noong tayo ay mga sanggol pa, ngunit ang bautismo sa tubig ay isang malayang pasya ng isang mananampalataya na sumasampalataya at tumatanggap kay Hesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ito ay simbolo ng paglilibing sa dating pagkatao at muling pagkabuhay sa bagong buhay kay Kristo (Roma 6:4).

Tunay ngang ang gabing ito ay isang paalala ng panibagong simula — isang imbitasyon na iwan ang lumang buhay at yakapin ang buhay na ganap sa piling ng Diyos.

“Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come.” – 2 Corinthians 5:17

To God be all the glory! ✨🙌

Kanina sa ating Sunday service, ibinahagi ni Pastor Edel Gaad ang mensaheng “Knowing Your Enemy.”Tinalakay sa atin kung ...
26/10/2025

Kanina sa ating Sunday service, ibinahagi ni Pastor Edel Gaad ang mensaheng “Knowing Your Enemy.”
Tinalakay sa atin kung sino si Satanas ayon sa Biblia — ang kanyang mga katawagan, mga gawa, at ang mga paraan kung paano niya dinadaya ang mga tao (Juan 8:44, 1 Pedro 5:8, Efeso 6:11).

Ang kaaway ay tuso at mapanlinlang, ngunit kapag kilala natin ang kanyang mga taktika, mas madali natin siyang mapagtatagumpayan sa tulong ng Diyos (2 Corinto 2:11, Santiago 4:7).

Si Lucifer ay nilikha ng Diyos bilang isang marangal at magandang anghel (Ezekiel 28:12-15), ngunit dahil sa pagmamataas, naghangad siyang itaas ang sarili higit sa Diyos (Isaias 14:12-15). Dahil dito, siya ay ibinagsak mula sa langit.

Ang paalala sa atin:
Hindi tayo tinawag upang maging perpekto sa mundong ito, kundi upang maging kalugod-lugod sa paningin ng Diyos (Roma 12:1-2).

8th Week of Discipleship | October 23, 2025Topic: “Nothing Less Than God’s Best”Led by: Teacher Ara, Teacher Kenneth, an...
23/10/2025

8th Week of Discipleship | October 23, 2025
Topic: “Nothing Less Than God’s Best”
Led by: Teacher Ara, Teacher Kenneth, and Teacher Ricky 🌿✨

Ngayong linggo, tinalakay namin ang Romans 8:15–17, kung saan ipinapaalala ng Diyos na tayo ay Kanyang mga anak — hindi mga alipin ng takot, kundi mga tagapagmana ng Kanyang kaharian. 💫
Napakaganda isipin na binigyan tayo ng karapatang tawagin Siyang “Ama”, isang tawag na puno ng pagmamahal, kalinga, at pagiging malapit. ❤️

Bilang ating Ama, nais Niya palagi ang pinakamainam para sa atin — hindi lamang sapat, kundi ang Kanyang pinakamahusay. Sa bawat pagsubok, plano Niya ang kabutihan; sa bawat pagod, may nakalaan Siyang pahinga; at sa bawat panalangin, may kasagutan ayon sa Kanyang kalooban. 🙏

Tunay ngang walang hihigit sa God’s best, dahil ito ay bunga ng Kanyang walang hanggang pag-ibig sa atin bilang mga anak Niya. 💖👑

✨ God bless, kapatid!
Wag kalimutang maglambing sa ating Ama — Siya lang ang may yakap na laging sapat. 🤗💖

Today, we joyfully celebrate the life of a faithful servant of God — our beloved Pastor Edel Gaad! 🙏 Your life is a livi...
17/10/2025

Today, we joyfully celebrate the life of a faithful servant of God — our beloved Pastor Edel Gaad! 🙏 Your life is a living testimony of God’s grace and goodness. Thank you for your unwavering faith, your heart for the people, and your dedication to sharing God’s Word. May the Lord continue to bless you with strength, wisdom, and overflowing joy as you lead His flock.

Happy Birthday, Pastor! 🎂✨

'And I will give you shepherds after my own heart, who will feed you with knowledge and understanding.' — Jeremiah 3:15 💖

Address

Alcantara
5509

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tugdan Life Church - Assembly of God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share