Toclong I E M E L I F Church

Toclong I E M E L I F Church Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Toclong I E M E L I F Church, Evangelical church, Alapan Primero.

WHO WE ARE
IEMELIF: A VIGOROUS CHURCH

Our Mission
* Honoring God
* Sharing the Gospel of Jesus Christ
* Working together in the Spirit
* Transforming Ministry

Our Vision
Β° Strong faith in God
Β° Christ-like leadership
Β° Unity of the Spirit

Ito po ay para sa ating mga kababayan na nasalanta ng mga nagdaang bagyo, lalo't higit sa mga kababayan natin sa Cagayan...
14/11/2020

Ito po ay para sa ating mga kababayan na nasalanta ng mga nagdaang bagyo, lalo't higit sa mga kababayan natin sa Cagayan, Isabela, Tuguegarao, Pampanga, at mga karatig lugar na lubog pa rin sa baha. Gayundin naman, ito rin ay paghahanda ng tulong para sa mga maaari pang maapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

Para sa mga katanungan at mga donasyon, maaari po kayong mag message sa page ng Toclong Youth Cube o makipag ugnayan sa mga kapatid na Ian Carlo Amon OrdoΓ±ez ( https://www.facebook.com/iancarlo.ordonez) o kay kapatid na Aihla Marie Amon Delica (https://www.facebook.com/aihlamarie.amon)

Salamat po, at ang Diyos na po ang magbabalik sa atin ng mga biyaya ng siksik, liglig, at umaapaw! πŸ™









Kumusta mga kapatid? Maaring ang iba sa atin ay may mga karamdaman o may mga pinagdaraanang mahirap lunasan. Maaring ang...
28/10/2020

Kumusta mga kapatid? Maaring ang iba sa atin ay may mga karamdaman o may mga pinagdaraanang mahirap lunasan. Maaring ang iba sa atin ay di mapalagay sa pandemyang ating kinahaharap sa kasalukuyan.

Mga kapatid, patuloy nawa nating alalahanin ang di nagmamaliw na pag-ibig ng ating Diyos. Ang kanyang healing hands na patuloy na kumikilos at nagpapagaling sa kahit na anong suliranin.

Sabay-sabay nating purihin ang ating greatest doctor mamayang alas siete ng gabi (7 PM) sa ating Midweek Online Worship Service sa aming facebook live.

Halina't maki-isa at maging isa kasama Siya!

Kumusta kapatid? Kumusta ka sa mga taong nasa iyong paligid? Nagiging mabuting halimbawa ka ba? Baka naman nagiging mapa...
21/10/2020

Kumusta kapatid? Kumusta ka sa mga taong nasa iyong paligid? Nagiging mabuting halimbawa ka ba? Baka naman nagiging mapagmataas ka sa iba ng hindi mo namamalayan? Baka naman may mga tao ka nang naaapakan?

Halina't sama-samang magpasakop at magpakumbaba sa harapan ng ating Diyos! Mamayang gabi na, sa ganap na alas siete (7 PM) sa aming Midweek Online Worship Service sa pamamagitan ng facebook live dito sa aming page.

Halina't maki-isa at maging isa kasama Siya! πŸ™

15/10/2020

Featuring one of Lifework Worship's original song entitiled "Your Name" and the story behind it by Atty. Kaye Corpuz. β€οΈπŸ™Œ

Praise the Lord!

Nawawalan ng pag-asa? Natatakot at nag-aalala sa mga maaaring mangyari? Marami man ang pagbabago at dumating man ang uno...
14/10/2020

Nawawalan ng pag-asa? Natatakot at nag-aalala sa mga maaaring mangyari?

Marami man ang pagbabago at dumating man ang unos, palagi nating alalahanin na walang imposible sa ating Diyos!

Mga kapatid, muli tayong mag sama-sama sa Midweek Online Worship Service mamayang alas siete ng gabi (7 PM) sa FB live dito sa aming FB page!

Halina't maki-isa at maging isa kasama Siya!

"Hindi ko na kaya, pagod na 'ko." Pamilyar ba? Minsan mo na rin bang narinig? Marahil ilang beses na natin narinig o nas...
06/10/2020

"Hindi ko na kaya, pagod na 'ko." Pamilyar ba? Minsan mo na rin bang narinig? Marahil ilang beses na natin narinig o nasabi ang mga katagang ito, na palaging sinusundan ng "Kapag napapagod, pahinga lang. Walang susuko."

Ilang beses man tayong mapagod, makaramdam ng hapo sa lahat ng pagsubok, alalahanin nawa natin na may isang naghihintay sa atin na nais tayong bigyan ng kapahingahan. Kapahingahan sa pisikal, mental, at emosyonal na pagkapagod.

Napapagod ka na ba? Halina't samahan kami sa aming Midweek Online Worship Service mamaya, sa ganap na alas siete ng gabi (7 PM) sa aming facebook live. Sabay-sabay tayong panandaliang magpahinga at sumamba!

Halina't maki-isa at maging isa kasama Siya! πŸ™

01/10/2020

WATCH:
Find out the story and inspiration behind one of Psalmista Worship Team's original song entitled, "Buhay Ko'y Iyo", composed by Ian Carlo Amon OrdoΓ±ez as featured by Campus Alive Ministries in . πŸ˜ŠπŸ™Œβ€οΈ

To God be all the glory and praise! πŸ™ŒπŸ™ŒπŸ™Œ

Kumusta mga kapatid? Sa dami ng mga nangyayari sa mundo, nadadala na ba ang pananampalataya mo? Sa mga 'di magagandang b...
29/09/2020

Kumusta mga kapatid? Sa dami ng mga nangyayari sa mundo, nadadala na ba ang pananampalataya mo? Sa mga 'di magagandang balitang natatanggap natin, 'di na rin ba maganda ang lagay ng pananampalataya natin?

Mga kapatid, we must never forget that our faith is important in everything we do. Let us be reminded on how important our faith is, kaya samahan niyo kami sa aming Midweek Online Worship service mamaya, alas siete ng gabi (7PM) sa aming facebook livestream.

Halina't maki-isa at maging isa kasama Siya! πŸ™Œ

REALTALK:Hindi boring ang buhay na kasama si Lord.God will let us experience a lot of things in our faith journey. Kasam...
25/09/2020

REALTALK:
Hindi boring ang buhay na kasama si Lord.

God will let us experience a lot of things in our faith journey. Kasama dyan ang minsan makakaranas ka ng pagsubok, matatakot, manghihina, o mapapagod. Pero ang maganda dyan, sasamahan niya tayo at bibigyan ng tagumpay, tapang, at kalakasan.

Roller coaster man ang faith journey mo, si Lord naman ang bahala sayo. πŸ™ŒπŸ˜ŠπŸ˜‰

"Sa halip na magmura, MAGMAHAL!"Deac. Neneth SarinasMaging maingat tayo kung saan natin ginagamit ang ating mga pananali...
24/09/2020

"Sa halip na magmura, MAGMAHAL!"
Deac. Neneth Sarinas

Maging maingat tayo kung saan natin ginagamit ang ating mga pananalita na ginagamit din natin sa pagpupuri sa Panginoon.

INGAT!!
Kawikaan 6:17-19

Ingatan ang ating mga:
- Paningin
- Pangamoy
- Pananalita

Maaari po nating panuorin muli ang TIC Midweek Online kagabi (September 23, 2020). I-click lamang po natin ang link sa baba
πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡
https://www.facebook.com/toclongiemelif/videos/372218487488160/

Pagpapala sa ating Lahat!

Address

Alapan Primero
4104

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Toclong I E M E L I F Church posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Toclong I E M E L I F Church:

Share