UPC - Hundred Islands Apostolic Pentecostal Center

UPC - Hundred Islands Apostolic Pentecostal Center ACTS 2:38

Sunday Divine ServiceApril 26, 2026DO ALL THINGS FOR HIS GLORYI Corinthians 10:31 Ptr. Sherwin D. Ancheta Nais ng Pangin...
29/04/2026

Sunday Divine Service
April 26, 2026

DO ALL THINGS FOR HIS GLORY
I Corinthians 10:31
Ptr. Sherwin D. Ancheta

Nais ng Panginoon na ikaw at ako ay magkaroon ng pagpupuri at kaluwalhatian na ibigay sa Kanya. Nilikha ng Diyos ang tao upang tayo ay magpuri at sumamba sa Kanya.
Maaaring ikaw ay gumawa ng paraan mo pero huwag mong kalimutan na mayroong Diyos na tumulong sayo kaya dapat lamang na ibigay mo pabalik ang kaluwalhatian sa Diyos.

Siya'y nagpahayag sa laman at nagpakumbaba upang Siya ay itaas natin sa ating mga buhay.
Gawin mo ang ministry mo para sa kaluwalhatian ng Diyos at huwag mong kunin ang credit!

Kung mayroon ka mang ginagawa, gawin mo ito para sa PANGINOON!

Kapag ginagawa mo lang ang mga bagay na hindi para sa Panginoon mapapagod ka at magsasawa pero kung ginagawa mo ito para sa Panginoon kaya mo pa ring pumalakpak at magpuri para sa kaluwalhatian ng Diyos!

NWLD Youth Conference 2026 🤍✨“Now faith is the substance of things hoped for, the evidence of things not seen.” – Hebrew...
25/04/2026

NWLD Youth Conference 2026 🤍✨

“Now faith is the substance of things hoped for, the evidence of things not seen.” – Hebrews 11:1

All glory and gratitude to Jesus Christ for moving in our midst and strengthening our faith in the present—not tomorrow, but NOW.

Thank you to our beloved pastor and his wife for the wisdom and spiritual guidance, and to all our sponsors for your generous support because of you, we were able to attend and experience this youth conference.

This conference reminded us to walk by faith, live by faith, and trust God in the NOW. 🙌🔥

Sunday Divine ServiceApril 19, 2026The Lost Pauline EpistleColossians 4:16Ayaw ng Diyos ng "LUKEWARM", "MALIGAMGAM" o "S...
20/04/2026

Sunday Divine Service
April 19, 2026

The Lost Pauline Epistle
Colossians 4:16

Ayaw ng Diyos ng "LUKEWARM", "MALIGAMGAM" o "SALA SA INIT, SALA SA LAMIG sa ating paglilingkod sa Kanya. Kapag dumating man tayo'y sa sitwasyong ito ay "WE NEED TO REPENT SA MGA GINAGAWA NATING HINDI MAGANDA O MGA PAGKAKASALA" sa harapan Niya.

Kung gusto mo talagang makasama sa lugar na inihanda ng Panginoon ay kailangan mong magpalakas, magpalinis, magpuri, magtiwala, at patuloy na magpainit sa paglilingkod sa Kanya.

Hindi lang patagalan ang paglilingkod sa Panginoon kundi kailangan ng pagtitiis at pagpupursige, laliman ang ating pananampalataya upang maging lalong mas mainit sa paglilingkod sa ating Panginoon.

Magiging walang silbi ang mga naririnig mong salita ng Panginoon kung hindi mo ito inilalagay sa iyong puso at ginagawa sa buhay mo.
"SHARE THE GOSPEL OF GOD TO EVERYONE"

Mayroon tayong mga pagsubok, hindi para pahirapan tayo, bagkus upang mas patatagin tayo at palalimin ang ating pananampalataya

Handa kabang ibahagi ang mga salita ng Diyos sa iba? At magpatuloy sa paglilingkod sa Kanya?
Kung oo, gawin mo na ngayon para sa ikakalakas ng iyong pananampalataya!

"RAIN FALL AGAIN"April 12, 20261 Kings 18 : 1; 1 Kings 41-46Bro. Victor Michael InacayMayroon tayong pagsubok dahil ito ...
12/04/2026

"RAIN FALL AGAIN"
April 12, 2026
1 Kings 18 : 1; 1 Kings 41-46
Bro. Victor Michael Inacay

Mayroon tayong pagsubok dahil ito ay pinahihintulutan ng Diyos upang tayo ay lumakas at lumago sa ating pananampalataya.

Our God is a powerful God. Kahit si Elijah ay nag-iisa laban sa 850 propeta, hindi siya natalo dahil kasama niya ang Panginoon. Ipinakita nito na ang Diyos ay buhay at makapangyarihan. Paalala ito sa atin na hindi Niya tayo iiwan—Siya pa rin ang tunay na Diyos na sumasagot sa tamang panahon.

Some of us are suffering from unfair situations. We give so much, we sacrifice, and we keep praying—but it feels like God is not answering. We ask for blessings, yet it seems like there is no response. Gaya ni Elijah, hindi siya tumigil hangga’t hindi dumarating ang ulan. Patuloy siyang nanalangin at nagtiwala sa Diyos kahit walang nakikitang sagot.
Ganoon din tayo kapag huminto tayo sa paglilingkod sa Panginoon, maaari tayong magdusa sa espiritwal na pagkatalo. Maaaring kompleto ka sa materyal na bagay sa mundo, pero paano ang iyong espiritwal na buhay?

Ang tunay na tagumpay ay hindi lang sa yaman o kaginhawaan, kundi sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Kaya magpatuloy tayong maglingkod tulad ni Elijah manatiling tapat, manalangin, at magtiwala na darating ang Kanyang sagot sa tamang panahon.

The rain will fall again, and the blessings will fall again.

Sunday Divine ServiceApril 05, 2026Whose Report Will You Believe?Matthew 28:1-7At sa Kanyang muling pagkabuhay ay nawala...
05/04/2026

Sunday Divine Service
April 05, 2026

Whose Report Will You Believe?
Matthew 28:1-7

At sa Kanyang muling pagkabuhay ay nawala at nilinis na ng Panginoon ang ating mga kasalanan.
Pinapakita nito na ang Kanyang mga pangako ay tinutupad Niya.

Kung tayo man ay nagkasala sa kanyang harapan ay huwag tayong magdalawang-isip na lumapit at humingi ng kapatawaran ng buong puso sa ating Panginoon dahil siguradong papatawarin Niya tayo.

Maraming nagsasabing hindi na babalik ang ating Panginoon, subalit alam natin na lahat ng Kanyang mga pangako ay tinutupad Niya at ito ay nagpapatunay na BABALIK SIYANG MULI dahil noon pa man ay mabuti ang Diyos.

Kaya panghawakan natin ang ating pananampalataya sa ating Panginoon na muli siyang babalik upang kunin ang Kanyang mga anak na tunay na nagtitiwala, tunay na sumusunod, tunay na naglilingkod, at tunay na nagpupuri sa Kanya upang dalhin sa Kanyang kaharian sa langit.

Kanino ka ngayon maniniwala? Sa mga naririnig mo ba sa ibang tao o sa nakasulat bibliya na salita mismo ng Diyos na buhay?

Kung hindi nabuhay muli si Hesus ay magiging walang silbi ang pagpupuri natin, magiging walang silbi ang pagpunta natin sa bahay-sambahan, at nabubuhay padin tayo sa kasalanan. Pero salamat sa Diyos dahil tayo ay Kanyang niligtas.

Nagiging may silbi ang ating pangangaral, nagiging may silbi ang ating pananampalataya dahil muling nabuhay si Hesus.

HIAPC 8TH CHURCH ANNIVERSARYMarch 29, 2026"TODAY IS THE DAY TO THRIVE"John 15:1-5; Psalms 1:3; Matthew 6:33 Rev. Edward ...
29/03/2026

HIAPC 8TH CHURCH ANNIVERSARY
March 29, 2026

"TODAY IS THE DAY TO THRIVE"
John 15:1-5; Psalms 1:3; Matthew 6:33
Rev. Edward D. Ancheta

May mga pagkakataon na ang Diyos ay pinapahintulutan ang pagsubok sa ating buhay. Pangit man sa pananaw ng tao, it is for our own good. It is for our own benefit.
Minsan nabibigatan tayo dahil iniisip natin ang hinaharap. May mga katanungan tayo sa ating isipan kapag tayo ay nakakaranas ng mga sitwasyon. Pero salamat, dahil hindi tayo pinapabayaan ng Diyos at may mga pagpapalang ibinigay ng Diyos para sa atin.

Bakit pinagpapala ka ng Diyos?
para maging pagpapala sa iba.
Bakit tayo nagde-DESIRE? Dahil may nakikita ka.

Pinakabest way and key to have everything you need, seek the Kingdom of God first and His righteousness.

Are you willing to grow more?
Are you willing to be prosperous?
Are you willing to surrender?

Don't rely on your own strength, RELY ON GOD'S STRENGTH.
Surrender yourself and recommit in abiding the true God.

Step-out of Survival Mode and enter into an ABUNDANT life God has planned for you.

1 Day to go!
28/03/2026

1 Day to go!

2 days to go!
27/03/2026

2 days to go!

3 days to go!
26/03/2026

3 days to go!

Sunday Divine ServiceMarch 22, 2026DO SOMETHING!Exodus 33:8-10Kung napanghihinaan ka man sa iyong pananampalataya, ay GU...
25/03/2026

Sunday Divine Service
March 22, 2026

DO SOMETHING!
Exodus 33:8-10

Kung napanghihinaan ka man sa iyong pananampalataya, ay GUMAWA KA sa pamamagitan ng PANALANGIN, PAGPUPURI at PAGSUNOD sa mga utos ng ating Panginoon upang mapalakas ang iyong PANANAMPALATAYA at MAPALAPIT pa lalo sa Kanya.

We are waiting for God to do everything but GOD is waiting for us to DO SOMETHING!

4 days to go!
24/03/2026

4 days to go!

5 DAYS TO GO!
23/03/2026

5 DAYS TO GO!

Address

San Roque
Alaminos
2404

Telephone

+639773806336

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UPC - Hundred Islands Apostolic Pentecostal Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share