14/06/2026
Blessing Day
At the Farm
Res.
SL2-SPC
🥰❤🙏🙏🙏❤🥰
Title:“Your Provision Has an Address”
Text:1 Kings 17:3-9 + Mateo 21:1-3
God’s provision is not random. It’s reserved — at the right time, in the right place, for the obedient.
You don’t find provision by looking harder. You find it by being where God told you to be.
Pero eto nakalimutan natin: Hindi basta “hulog ng langit” ang provision ni Lord.
God’s provision flows to a time and a place.
Wala sa “malapit na”. Wala sa “pwede na”. Nasa "exact obedience".
Elijah would have gone hungry kung hindi siya pumunta sa exact na lugar.
Ikaw din.Your “donkey” is tied, ready, on time.In Mateo 21:2
Pero ang tanong: Nandun ka ba?
POINT1: PROVISION HAS A ZIP CODE – KERITH BROOK
1 Kings 17:3-6 NLT
“Umalis ka rito at magtago ka sa silangan, sa tabi ng batis ng Kerit... Iinom ka sa batis, at iniutos ko na sa mga uwak na pakainin ka roon.” v.3-4
A. God didn’t say “Just pray and food will appear.”
Sabi Niya: “Go… to Kerith Brook.”_ Specific na lugar. Bakit? Kasi dun Niya inutusan ang mga uwak.
B. Close would not have counted.
Kung sa Jordan River siya nagpunta kasi “mas malapit sa tubig”, magugutom siya.
Kung sa Jerusalem siya nag-stay kasi “mas safe”, magugutom siya.
Ang provision wala sa convenience. Nasa "obedience."
Application: Nasaan ang “Kerith” mo ngayon?
1. Yung ministry na iniiwasan mo kasi mahirap? Baka andun ang uwak.
2. Yung church na pinapa-stay sayo ni Lord ,kahit maliit , Baka andun ang batis.
In Genesis 26:12, “Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani ng tig-iisang daan” kasi dun siya tinanim ni Lord sa taggutom.
Hindi ka pagagandahin ni Lord sa maling lupa.
POINT #2: PROVISION HAS A MOVING DATE – ZAREPHATH
1 Kings 17:7-9 NLT
“Pagkaraan ng ilang panahon, natuyo ang batis... Sinabi ni Yahweh kay Elias, ‘Pumunta ka sa Zarefat... may inutusan akong isang biyuda roon na magpapakain sa iyo.’”
A. The brook dried up on purpose.
Bakit? Kasi tapus na ang season ng Kerith. Ang provision hindi forever sa isang lugar. God moves it to move you.
B. Sidon would not have counted.
Sidon yung malaking city. Zarephath = maliit na village near Sidon. v.9
Kung pumunta si Elijah sa Sidon kasi mas maraming opportunity”, magugutom siya.
Bakit? Kasi ang biyuda wala sa Sidon. Nasa Zarephath.Exact village.
Application: Timing + Location = Provision
1.Israel was provided for because they obeyed and went to Goshen.
Genesis 47:27 Wala ang provision sa Canaan nung taggutom.
Nasa Egypt pero sa Goshen lang
2. Abraham’s offering was provided because he went to the exact mountain.
Genesis 22:2, 13-14 Sa Mount Moriah may ram. Hindi sa Mount Sinai. Hindi sa bundok na mas malapit. “Sa bundok ni Yahweh ay may inilalaan.” v.14
Kung late ka ng 1 day, or off ng 1 barangay, pwedeng ma-miss mo ang biyuda mo.
POINT #3: YOUR “DONKEY” IS ALREADY WAITING – BUT ARE YOU THERE?
Mateo 21:1-3 NLT
Paglapit nila sa Jerusalem... Sinabi ni Jesus sa dalawa sa kanyang mga alagad, ‘Pumunta kayo sa nayon sa tapat ninyo, at pagpasok ninyo roon ay makikita ninyo ang isang asnong nakatali... Kalagan ninyo at dalhin dito sa akin.’”
A. The donkey was ready because Jesus was where He was supposed to be.
500 years before, Zacarias 9:9 prophesied: King will come riding on a donkey.
Sa exact na araw, exact na oras, exact na village may nakataling donkey.
Hindi nagka-emergency sa langit.Prepared na. Pero kailangan pumunta yung disciples. Kung hindi sila sumunod, walang donkey. Hindi matutupad ang prophecy.
B. Your “donkey” is on time as Bro John says — but will you be there?
1. Donkey = provision mo para sa assignment mo. Pera para sa pangangailangan mo, Bahay para sa church plant. Tao na tutulong sa ministry. Nakatali na yan.
2. Pero kung wala ka sa Bethphage”, kung nasa “Bethany” ka kasi mas komportable, hindi mo makikita.
Lukas 22:10, “Pagpasok ninyo sa lungsod, masasalubong ninyo ang isang lalaking may pasan na banga ng tubig. Sundan ninyo siya” Yan yung exact instruction para sa exact upper room para sa Last Supper.
Provision was in the details.
3 QUESTIONS FOR YOUR PROVISION
Haggai 1:6 NLT–“Kumakain kayo ngunit hindi nabubusog; umiinom kayo ngunit hindi nasisiyahan... at ang kumikita ay naglalagay ng kanyang kinikita sa supot na may butas.”_
Bakit? v.9 “Sapagkat ang aking bahay ay wasak, habang ang bawat isa sa inyo ay abala sa sarili niyang bahay.”
Wrong place = leaking provision.
Kaya tanungin mo sarili mo:
1.“Nasaan ang Kerith ko ngayon? Anong lugar, ministry, church, job ang malinaw na sinabi ni Lord na puntahan mo?
Awit 32:8, “Ituturo ko sa iyo ang daan na dapat mong lakaran.”
Kung wala ka dun, wag ka magtaka kung nauuhaw ka.
2. “Natuyo na ba ang batis ko?” Baka tapos na season mo sa Kerith. Pero ayaw mo umalis kasi “sanay na ako”.
God dries up brooks to move you to Zarephath.
Ang miracle mo wala na sa luma. Nasa susunod na utos.
3.“Handa ba akong pumunta sa ‘village’ kahit gusto ko ‘city’?” Si Sidon mas sikat. Pero si Zarephath ang may biyuda.
Si Lord hindi mo supplier sa Amazon. Siya yung Mapa.
Obedience bago abundance.
Yung provision mo, nakatali na. Nasa Zarephath na. Nasa Bethphage na.
Pero kung wala ka dun, magugutom ka.
Deuteronomio 28:2, “Lahat ng pagpapalang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo, kung susunod ka sa tinig ni Yahweh na iyong Diyos.”
“Darating sa iyo”means it’s traveling to an address. Make sure you’re home.
Prayer:
“Ama, patawad kung hinahanap ko provision Mo sa maling lugar. Patawad kung nag-stay ako sa Kerith nung pinapa-Zarephath Mo na ako. Ngayon, itinuturo ko sa Iyo ang buhay ko. Ituro Mo sa akin ang exact na lugar, exact na oras. Tutupad ako, para hindi ako magkamali. Salamat kasi yung ‘donkey’ng pagpapala ko, ready na. In Jesus’ Name, Amen.”
Memory Verse:1 Kings 17:4 _“...at iniutos ko na... pakainin ka roon.”_ “ROON.” Not anywhere. There.
“Your Provision Has an Address. Are You There?”
God Bless Everyone
🙏🙏🙏