08/10/2025
Isang napakagandang pagkakataon ngayong Buwan ng Santo Rosaryo na magdasal at magpasalamat sa Mahal na Birhen ng mga Biyaya. Tangan ang kandila at rosaryo tayo ay magnilay at magkaisa sa pananampalataya.
Halina't dumalo sa dawn rosary ngayong darating na ika-11 ng Oktubre, 2025 sa ganap na 3:00 ng umaga mula sa kapilya ng San Isidro Labrador, Bgy. Villa Fria hanggang sa Kapilya ng San Juan Nepomuceno, Bgy. Villa Sol. Ang pakikilahok sa gawaing ito ay may mga malalim na benepisyong espiritwal.
Narito ang ilan sa mga biyayang maaari nating makamtan:
1. Pagpapalalim ng Pananampalataya
2. Pagpapatawad at Pagsisisi
3. Paghingi ng Pagpapala
4. Pagpapalakas ng Bunga ng Espiritu Santo
5. Pagkamit ng mga biyayang hinihiling
6. Pagpapalago ng Debosyon sa Birheng Maria
7. Pagpapalakas ng Ugnayan sa Pamilya at Komunidad
Magkakaroon din po ng Mangrove Tree Planting, 6:00 ng umaga sa Bgy. Villa Sol, tapat ng Kapilya ng San Juan Nepomuceno.
See you mga kapatid🙏