Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel, Brgy. Panhulan Agoncillo Batangas

Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel, Brgy. Panhulan Agoncillo Batangas Barangay Chapel

September 8 | Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria. PANALANGIN SA KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHE...
07/09/2026

September 8 | Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria.

PANALANGIN SA KAPISTAHAN NG PAGSILANG NG MAHAL NA BIRHENG MARIA

O mapagmahal na Birheng Maria,

Ipinagdiriwang namin nang may kagalakan ang iyong banal na pagsilangโ€”isang bukang-liwayway na naghatid ng pag-asa at naghudyat ng nalalapit na katuparan ng plano ng Diyos para sa ating kaligtasan. Sa iyong pagsilang, nagalak ang langit at lupa sa pagdating ng babaeng magiging Ina ng ating Panginoong Hesukristo.

Tulad ng bukang-liwayway na nagbabadya ng pagsikat ng bagong araw, ang iyong pagsilang ay tanda ng pagsisimula ng katuparan ng mga pangako ng Diyos. Puspos ka ng grasya at inihanda upang maging mapagkumbabang lingkod at Ina ng ating Tagapagligtas.

Ina naming mahal, dinggin mo ang aming mga panalangin. Tulungan mo kaming tularan ang iyong kababaang-loob, kadalisayan, at matibay na pananampalataya. Gabayan mo kami sa landas ng kabanalan at lagi mo kaming ilapit sa iyong Anak na si Hesus.

Nawa'y ang aming mga puso ay maging tulad ng sa iyoโ€”malinis, mapagpakumbaba, at bukas sa kalooban ng Diyos. Sa gitna ng aming mga pagsubok, pangamba, at kalungkutan, maging aming Ina, gabay, at sandigan.

Sa pagdiriwang ng iyong pagsilang, ipanalangin mo kami upang higit naming makilala, mahalin, at sundin ang iyong Anak na si Hesus, at maging tapat sa aming misyon bilang mga anak ng Simbahan.

Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos at Ina namin, ipanalangin mo kami.

AMEN.

Happy Birthday Mama Mary!

Parish of Our Lady of the Miraculous Medal - Archdiocese of Lipa

๐’๐„๐“๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐„ ๐ŸŽ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐“๐ž๐ฆ๐š ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐  ๐ ๐š๐›๐š๐ฒ ๐๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง ๐๐ž๐ฅ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จโ€œ๐“š๐“ช๐”‚ ๐“œ๐“ช๐“ป...
07/09/2026

๐’๐„๐“๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐„ ๐ŸŽ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐“๐ž๐ฆ๐š ๐ง๐š ๐ฆ๐š๐ ๐ข๐ ๐ข๐ง๐  ๐ ๐š๐›๐š๐ฒ ๐๐š๐ซ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ง๐š ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง ๐๐ž๐ฅ ๐‘๐จ๐ฌ๐š๐ซ๐ข๐จ

โ€œ๐“š๐“ช๐”‚ ๐“œ๐“ช๐“ป๐“ฒ๐“ช ๐“ฃ๐“พ๐“ท๐“ฐ๐“ธ ๐“ด๐“ช๐”‚ ๐“—๐“ฎ๐“ผ๐“พ๐“ผ: ๐“ข๐“ช ๐“Ÿ๐“ช๐“ท๐“ช๐“ต๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ฒ๐“ท, ๐“Ÿ๐“ช๐“ฐ๐“ผ๐“พ๐“ท๐“ธ๐“ญ ๐“ช๐“ฝ ๐“Ÿ๐“ช๐“ฐ๐“ต๐“ฒ๐“ต๐“ฒ๐“ท๐“ฐ๐“ด๐“ธ๐“ญ, ๐“˜๐“ผ๐“ช๐“ซ๐“พ๐“ฑ๐“ช๐”‚ ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“œ๐“ฒ๐“ผ๐”‚๐“ธ๐“ท ๐“ท๐“ฐ ๐“ข๐“ฒ๐“ถ๐“ซ๐“ช๐“ฑ๐“ช๐“ท.โ€

Ang tema ng ating Kapistahan ay isang paanyaya na tahakin ang landas ng pananampalataya kasama si Maria patungo kay Hesukristo. Si Maria, bilang Ina ng Diyos at huwaran ng isang tunay na alagad, ay nagtuturo sa atin na ang debosyon ay hindi lamang nananatili sa panalangin at mga gawaing panrelihiyon, kundi humahantong sa pagsunod sa kalooban ng Diyos at sa mapagkumbabang paglilingkod sa kapwa.

๐Š๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐“๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ค๐š๐ฒ ๐‡๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ

Si Maria ay hindi ang hantungan ng ating pananampalataya kundi ang Ina at gabay na umaakay sa atin patungo kay Hesus. Sa kanyang buong buhay, itinuro niya ang sentro ng pananampalatayang Kristiyano: ang pakikinig sa Diyos, pagtanggap sa Kanyang kalooban, at pagtugon dito nang may pananampalataya.

Sa pagsasabing โ€œ๐“š๐“ช๐”‚ ๐“œ๐“ช๐“ป๐“ฒ๐“ช ๐“ฃ๐“พ๐“ท๐“ฐ๐“ธ ๐“ด๐“ช๐”‚ ๐“—๐“ฎ๐“ผ๐“พ๐“ผ,โ€ kinikilala natin na ang ating debosyon kay Maria ay dapat humantong sa mas malalim na pagkakilala, pagmamahal at pagsunod kay Kristo.

๐’๐š ๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง

Ang panalangin ang unang hakbang ng ating paglalakbay. Sa panalangin, natututo tayong makinig sa Diyos bago tayo magsalita at kumilos. Tulad ni Maria na nag-ingat at nagbulay sa mga pangyayari sa kanyang puso, tayo rin ay tinatawag na maging isang pamayanang marunong makinigโ€”sa Salita ng Diyos, sa gabay ng Espiritu Santo, at maging sa tinig ng ating mga kapatid.

Sa diwa ng Synodal Church, ang pakikinig ay mahalagang bahagi ng ating buhay bilang Simbahan. Hindi lamang tayo nakikinig upang magkaroon ng opinyon, kundi upang sama-samang kilalanin kung ano ang nais ipahiwatig ng Espiritu Santo sa ating pamayanan.

๐’๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐

Ang panalangin ay nagbubunga ng pagsunod. Sa Fiat ni Mariaโ€”โ€œ๐“œ๐“ช๐“ท๐“ฐ๐”‚๐“ช๐“ป๐“ฒ ๐“ผ๐“ช ๐“ช๐“ด๐“ฒ๐“ท ๐“ช๐”‚๐“ธ๐“ท ๐“ผ๐“ช ๐“ฒ๐”‚๐“ธ๐“ท๐“ฐ ๐“ผ๐“ช๐“ต๐“ฒ๐“ฝ๐“ชโ€ (Lc 1:38)โ€”makikita natin ang isang pananampalatayang handang tumugon sa tawag ng Diyos.

Ang pagsunod kay Kristo ay nangangahulugan ng pagiging bukas sa pagbabago, pagtalima sa kalooban ng Diyos, at pagtanggap sa ating tungkulin bilang mga alagad. Sa isang Synodal Church, ang bawat binyagan ay may dignidad, kaloob at pananagutang makibahagi sa buhay at misyon ng Simbahan.

๐’๐š ๐๐š๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐

Ang tunay na pananampalataya ay hindi lamang nakikita sa ating sinasabi o ipinagdiriwang kundi sa paraan ng ating paglilingkod.

Si Maria, matapos tanggapin ang tawag ng Diyos, ay agad na nagtungo kay Elisabet upang maglingkod. Ipinakikita nito na ang pagtanggap kay Kristo ay natural na humahantong sa paglilingkod sa kapwa.

Kaya ang ating kapistahan ay hindi lamang panahon ng paggunita at debosyon. Ito ay pagkakataon upang muling tanungin ang ating sarili: Saan ako tinatawag ng Diyos na maglingkod? Ano ang maiaambag ko sa aking pamilya, kapilya, parokya at pamayanan?

Ito rin ang puso ng synodality: ang bawat isa ay may lugar at papel sa buhay at misyon ng Simbahan. Ang Simbahan ay hindi lamang binubuo ng iilang aktibong miyembro; ang buong People of God ay tinatawag na makibahagi sa kanyang misyon.

๐ˆ๐ฌ๐š๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ ๐š๐ง๐  ๐Œ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐›๐š๐ก๐š๐ง

Ang huling bahagi ng tema ang siyang nagbibigay ng direksiyon sa lahat: โ€œIsabuhay ang Misyon ng Simbahan.โ€

Ang ating panalangin, pagsunod at paglilingkod ay hindi magkakahiwalay. Ang mga ito ay isang tuloy-tuloy na paglalakbay: ๐“œ๐“ช๐“ท๐“ช๐“ต๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ฒ๐“ท โ†’ ๐“œ๐“ช๐“ด๐“ฒ๐“ท๐“ฒ๐“ฐ โ†’ ๐“ข๐“พ๐“ถ๐“พ๐“ท๐“ธ๐“ญ โ†’ ๐“œ๐“ช๐“ฐ๐“ต๐“ฒ๐“ท๐“ฐ๐“ด๐“ธ๐“ญ โ†’ ๐“œ๐“ช๐“ฐ๐“ถ๐“ฒ๐“ผ๐”‚๐“ธ๐“ท.

Ang Synodal Church ay isang Simbahang naglalakbay nang sama-sama. Ito ay Simbahang nakaugat sa pakikipag-isa (communion), nagbibigay ng puwang sa pakikilahok (participation), at ipinapadala upang magmisyon (mission). Ang tatlong ito ay magkakaugnay at hindi maaaring paghiwa-hiwalayin.

Sa ating kapistahan, inaanyayahan tayong huwag lamang maging tagapanood ng buhay ng Simbahan, kundi maging tagapaglakbay at tagapaglingkod nito.

Sa tulong at halimbawa ni Maria, nawa'y matutuhan nating makinig sa Diyos, tumugon nang may pananampalataya, maglingkod nang may kababaang-loob, at sama-samang maglakbay patungo kay Hesus.

Sa huli, ang ating tema ay isang panawagan:

๐—ž๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป.
๐—ฆ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐˜‚๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ.
๐—ฆ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ, ๐—บ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ.
๐—”๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—›๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€, ๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป.

Kay Maria Tungo kay Hesus. Amen!

Disclaimer: AI-assisted design. Ang larawang ito ay nilikha sa tulong ng Artificial Intelligence (AI) para sa visual presentation.

Parish of Our Lady of the Miraculous Medal - Archdiocese of Lipa

Help us build our Church!Halina at tayo ay magtulong-tulong sa pagpapanibago ng ating Banal na Simbahan para sa pagtatay...
07/08/2026

Help us build our Church!

Halina at tayo ay magtulong-tulong sa pagpapanibago ng ating Banal na Simbahan para sa pagtatayo ng Choir Loft at sa pag-asang magkaroon ng bentilasyon ang pook sambahan.

Help us build our Church!
Halina at tayo ay magtulong-tulong sa pagpapanibago ng ating Banal na Simbahan para sa pagtatayo ng Choir Loft at sa pag-asang magkaroon ng bentilasyon ang pook sambahan.

The National Shrine and Parish of St Padre Pio has received the decree from the Holy See granting its elevation to an ๐ˆ๐...
04/06/2026

The National Shrine and Parish of St Padre Pio has received the decree from the Holy See granting its elevation to an ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐’๐‡๐‘๐ˆ๐๐„

The decree was issued at Vatican City, in the office of the Dicastery for Evangelization, last May 25, 2026, coinciding with the 139th Birth Anniversary of St. Padre Pio.

As we joyfully receive this blessing, let us continue to pray and prepare for the solemn declaration of our International Shrine on September 23, the Feast Day of St. Padre Pio.

May this historic milestone inspire us to deepen our faith and devotion as we journey together in prayer and thanksgiving.

The National Shrine and Parish of St Padre Pio has received the decree from the Holy See granting its elevation to an ๐ˆ๐๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐€๐‹ ๐’๐‡๐‘๐ˆ๐๐„

The decree was issued at Vatican City, in the office of the Dicastery for Evangelization, last May 25, 2026, coinciding with the 139th Birth Anniversary of St. Padre Pio.

As we joyfully receive this blessing, let us continue to pray and prepare for the solemn declaration of our International Shrine.

May this historic milestone inspire us to deepen our faith and devotion as we journey together in prayer and thanksgiving.

May 30 | Matandang Tradisyon sa NayonTingnan: Tuwing sasapit ang katapusan ng Mayo at ipinagdiriwang ang Tapusan ng Flor...
01/06/2026

May 30 | Matandang Tradisyon sa Nayon

Tingnan: Tuwing sasapit ang katapusan ng Mayo at ipinagdiriwang ang Tapusan ng Flores de Maria, isinasagawa sa Nayon ng Panhulan ang isang matandang tradisyonโ€”ang pagpapadungaw sa Mahal na Birhen sa Bulkang Taal at ang pagpapaligo sa Niรฑo Hesus sa lawa.

Isinasagawa ang tradisyong ito bilang paghingi ng gabay, proteksiyon, at kaligtasan sa nalalapit na tag-ulan; para sa masaganang kabuhayan ng mga umaasa sa lawa; at upang ipag-adya ang pamayanan sa mga panganib na dulot ng pag-aalburuto ng bulkan.

Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario, ora pro nobis!

Parish of Our Lady of the Miraculous Medal - Archdiocese of Lipa

May 30 | Grand Tapusan Tingnan: Isang prusisyon ang ginanap bilang parangal sa Mahal na Birhen sa pagtatapos ng Flores d...
01/06/2026

May 30 | Grand Tapusan

Tingnan: Isang prusisyon ang ginanap bilang parangal sa Mahal na Birhen sa pagtatapos ng Flores de Maria. Ang prusisyon ay pinangunahan ng ating Hermana Mayor ngayong taon, ang Pamilyang Hernandez.

Tampok din sa prusisyon ang walong sagala na may hawak ng mga titik na bumubuo sa salitang โ€œAVE MARIA,โ€ bilang pagpupugay at pagpaparangal sa Mahal na Birhen.

Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario, ora pro nobis!

Parish of Our Lady of the Miraculous Medal - Archdiocese of Lipa

May 30 | Banal na MisaTingnan: Nagdaos ng Banal na Misa bilang pagtatapos ng Flores de Maria, na pinangunahan ni Fr. Joj...
01/06/2026

May 30 | Banal na Misa

Tingnan: Nagdaos ng Banal na Misa bilang pagtatapos ng Flores de Maria, na pinangunahan ni Fr. Jojo, ang panauhing pari (guest priest).

Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario, ora pro nobis!

Parish of Our Lady of the Miraculous Medal - Archdiocese of Lipa

30/05/2026

Ang orihinal at mapaghimalang Birhen ng Barangay Panhulan sa kanyang bagong bihis para sa pagtatapos ng Flores de Maria. ๐ŸŒน

Ang kanyang kasuotan ay handog ng ating Hermana Mayor ngayong Tapusan 2026 ang Hernandez Family at nina G. at Gng. Johnny and Vivian Encarnacion.

Nuestra Seรฑora del Santรญsimo Rosario, ora pro nobis! ๐Ÿ™

14/05/2026

May 15 | Kapistahan ng Ikalawang Patron ng Parokya ng Subic, si San Isidro Labrador.

Panalangin para sa kahilingan kay San Isidro Labrador

Sa iyo po mahal naming pintakasi, San Isidro Labrador, nagpapasalamat kami sa mga biyayang aming natatangap araw-araw. Kagaya mo, gusto rin naming maging mapagpasalamat sa mga mumunting biyayang aming natatanggap at maibahagi ito sa iba. Sa aming pangangailangan, sa iyo kami ay tumatawag nang may buong pusong pananalig upang maihatid mo sa paanan ni Hesus ang aming samo at dalangin:

(banggitin ang personal na intensyon)

Sa iyong pag-aampon, kaming iyong mga giliw na kasama sa bukid ng Panginoon ay mag-ani rin nawa ng pagpapala sa aming buhay at, higit sa lahat, ng biyayang makalangit na magdadala sa amin sa kabanalan. Amen.

San Isidro Labrador de Subic, Ipanalangin mo kami!

14/05/2026

Maligayang Kapistahan ng San Isidro Labrador de Subic!

Address

Agoncillo
4211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Our Lady of the Most Holy Rosary Chapel, Brgy. Panhulan Agoncillo Batangas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category