UMC- Baruan Page

UMC- Baruan Page Time flies: Go therefore and win more souls for Jesus!

FIXING PROCESSMahirap maghandog o magkaloob sa Diyos ng kahit anuman lalo na kung hindi natin ginagawa ang bagay na ito ...
19/11/2023

FIXING PROCESS

Mahirap maghandog o magkaloob sa Diyos ng kahit anuman lalo na kung hindi natin ginagawa ang bagay na ito ng may pagmamahal.

Sa proseso ng pagtutuwid ng mga dapat nating ayusin sa paghahandog sa Panginoon, may mga ilang bagay tayong kailangang makita.

1. Paghahandog ng Buhay (Roma 12:1-2)
Ito ang sinasabi ng Romans 12. Mahirap ito. Pero kung may pagmamahal at respeto sa Diyos na nagkaloob sau ng buhay, sisikapin mong ialay ang iyong buhay sa Kanya ng walang reservation.

2. Paghahandog ng 3T's (Time, Talent, Treasures) (Malakias 1-4)
Isa sa pinakamalaking problema ng mga Israelita noong unang panahon ay ang masamang klaseng paghahandog. Naghahandog nga pero iyong mga depekto naman. Kung hindi naman depekto ay tira-tira lamang. Ang mga ganitong klaseng paghahandog ay kasumpasumpa sa harapan ng Diyos (Malakias 1:13-14). Ihandog natin nawa ang pinakamainam sa Diyos.

3. Paghahandog bilang Pagsamba
Walang pag-aari ang tao sa mundong ito. Maging ang sarilinh buhay ay hindi sa kanya. Malinaw sa Genesis 1 na nilikha ng Diyos ang lahat. Malinaw din sa atin na lahat ng meron tayo ngayon ay mula sa mga likha ng ating Diyos. Lahat ng materyalis ay galing sa Kanyang likha. Kung gayon, gawin natin na ang paghahandog ay pagpapahayag natin ng pagsamba at pasasalamat sa Diyos dahil sa pagkakaloob sa atin ng mga bagay na meron tayo ngayon.

Pagpalain nawa ang bawat isa sa inyo sa paglalaan ng oras para unawain ang mga bagay na ito.

SIZED-UP CHRISTIAN VERSION SERIES

Go and show love to all people you will encounter today. Love that brings glory to Jesus!
13/11/2023

Go and show love to all people you will encounter today. Love that brings glory to Jesus!

Address

Agno

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UMC- Baruan Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share