01/02/2022
Angelus
Binati ng Anghel ng Diyos si Santa Maria.
At sya ay naglihi lalang ng Espirito Santo
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus
Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kami’y mamamatay. Amen.
Narito ang alipin ng Panginoon
Maganap nawa sa amin ang ayon sa Wika Mo
Aba Ginoong Maria…
At ang Verbo ay nagkatawang tao,
At nakipamayan sa atin.
Aba Ginoong Maria…
Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos,
Nang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.
Manalanging tayo:
Panginoong naming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong Mahal na grasya at yayamang dahilan sa pamamalita ng Anghel ay nakilala namin ang Pagkakatawang Tao ni Hesukristong Anak Mo, pakundangan sa Mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus ay papakinabangin Mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa Langit. Alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.
Luwalhati sa Ama, Sa Anak, At sa Diyos Espiritu Santo. (3x)
Kapara noong unang-una, Ngayon at magpakailanman. Amen. (3x)
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen