03/09/2026
SONDAY CELEBRATION ππ₯ | 08/30/2026
DEVOTION
- Frenz Mark Cudal
(Church Leader)
WORD
- Sis. Sheryl Monje
Series Title: "Resilient in Trials"
Series Text: 2 Corinthians 4:8
Episode Title: Victory in Christ
Episode Text: 1 Corinthians 15:57
Victory in Christ ( Tagumpay Kay Kristo)
1 Corinthians 15:57
Magpasalamat Tayo sa Diyos na nagbibigay sa atin ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginiong Hesu Kristo.
_ May sariling lakas ang tao,ngunit mahina parin .Madalas tayo ay nabibigo,hindi natatalo ang pagsubok at nakakaramdam parin t.ayo ng takot.
- Tayo ay hindi nagtatagumpay kasi hindi natin isinasangguni sa Diyos Ang ating mga alalahanin,problema,sakit,karamdaman kasi nagtitiwala Ang tao sa sariling lakas . Sa kabila ng kabiguan may Diyos na hindi nang iiwan at patuloy na nagmamahal sa kanyang mga anak.
- Binigyan tayo ng Diyos ng daan upang magtagumpay sa pamamagitan ni Hesu Kristo.
- Ang regalong ito ay hindi pansamantala kundi pang habang buhay.
Tatlong puntos para sa tagumpay Kay Kristo
1.Ang tagumpay ay biyaya/ bigay ito ng Diyos
- Ang Diyos ang nagbigay ng tagumpay hindi sa sarili nating lakas.
- bigay ito ng Diyos ng malaya,hindi natin ito pinaghirapan o atin
itong nakamit ito ay biyaya.
Halimbawa: Gideon
Sino Ang mabibigyan ng tagumpay?
1.Ang mga sumasampalataya Kay Hesu Kristo
1 Juan 4:5-6
-para ito sa mga sumasampalataya at naniniwala sa kanya.
2.Ang mga tumanggap at sumunod sa kanya.
- Hindi sapat na Kilala lang natin si Kristo.Kailangan natin siyang tanggapin nang buong puso at sumunod sa kanyang mga utos.
- Ang tagumpay ay para sa mga nagbibigay ng buhay sa kanya
Juan 1:12
3.Ang mga tapat na nagtitiwala sa kanya.
- Mabibigyan ng tagumpay Ang mga taong patuloy na nagtitiwala sa Diyos sa lahat ng pagkakataon.Hindi lang kaoag maganda Ang sitwasyon,kundi pati sa gitna ng pagsubok.
2.Ang tagumpay ay dajil Kay Kristo Hindi sa sariling lakas.
Hindi sapat na alam nating Ang tagumpay ay galing sa Diyos,kailangan nating malaman na ito ay sa pamamagitan ng ating Panginiong Hesu Kristo.
-Sa kanyang pagkamatay sa krus,binayaran Niya Ang ating mga kasalanan.
- Sa kanyang muling pagkabuhay,tinalo Niya Ang kamatayan at Tayo ay bibigyan ng bagong buhay.
- Siya ang tulay para mapalapit tayo sa Diyos.
-Kay Kristo ang daan tungo sa runay na tagumpay.
3. Ang tagumpay ay "Sa Atin"- Tayong mananampalataya.
- Ang tagumpay ay para sa lahat ng taong sumasampalataya Kay Kristo
1Juan 5:4-5
- Ang taong naging anak na ng Diyos ay may kalikasan na kayang magtagumpay laban sa sanlibutan.
- Sa pagtitiwala Kay Kristo,nakakonekta tau sa kanya na nagtatagumpay na sa sanlibutan.
-Ang pananampalataya ay hindi lamang pag alam- ito ay pagtitiwala at pagsko Kay Kristo.
Ang tunay na tagumpay ay makakamit kung
1. Patuloy sa pananampalataya/Magtiwala
2. Sumunod sa sinasabi ng Diyos.
3.Manatiling nakakonekta kay Kristo.
4.Magpakumbaba at Magtiis