St. Jude Thaddeus

St. Jude Thaddeus Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from St. Jude Thaddeus, Religious organisation, Abucay.

SAINT JUDE THADDEUS
of Abucay Bataan
Parokya ni Sto Domingo de Guzman Abucay Bataan
Camarero: Benjamin Tinao ,Nenita Tinao, Oscar Tinao & Tinao Family
Originally crafted 2015 & Finished March 6, 2016
Feast : Oct 28
Imagineros : Jeff Dedios Rubio

29/05/2026

Panalangin Bago Mag-Exam
O maluwalhating Apostol San Judas Tadeo, tapat na lingkod at kaibigan ni Hesus, lumalapit ako sa iyo nang may buong pagtitiwala. Ipanalangin mo ako sa ating Panginoong Diyos.Tulungan mo ako sa aking paghahanda para sa aking examination. Bigyan mo ako ng malinaw na pag-iisip, pokus, at kapayapaan ng loob upang maalala ang lahat ng aking pinag-aralan. Hanguin mo ako sa aking kabalisahan at gabayan mo ako sa pagsagot nang tama.San Judas Tadeo, tulungan mo akong makamit ang tagumpay at maipasa ang aking exam kung ito ay ayon sa Kanyang banal na kalooban.
Gabayan mo rin ang aking mga pagsisikap na maging handa. Amen

Thursday Devotion to St Jude Thaddeus Most holy Apostle, St. Jude, faithful servant and friend of Jesus, the Church hono...
28/05/2026

Thursday Devotion to St Jude Thaddeus

Most holy Apostle, St. Jude, faithful servant and friend of Jesus, the Church honors and invokes you universally, as the patron of difficult cases, of things almost despaired of, Pray for me, I am so helpless and alone.
Intercede with God for me that He bring visible and speedy help where help is almost despaired of. Come to my assistance in this great need that I may receive the consolation and help of heaven in all my necessities, tribulations, and sufferings, particularly -
(make your request here)
- and that I may praise God with you and all the saints forever. I promise, O Blessed St. Jude, to be ever mindful of this great favor granted me by God and to always honor you as my special and powerful patron, and to gratefully encourage devotion to you.
Amen

PRAYER

May the Most Sacred Heart of Jesus be adored, and loved in all the tabernacles until the end of time. Amen.

May the most Sacred Heart of Jesus be praised and glorified now and forever. Amen

St. Jude pray for us and hear our prayers. Amen.

Blessed be the Sacred Heart of Jesus
Blessed be the Immaculate Heart of Mary
Blessed be St. Jude Thaddeus, in all the world and for all Eternity.
(say this prayer, followed by the Our Father and the Hail Mary)

Dear Apostle and Martyr for Christ, you left us an Epistle in the New Testament. With good reason many invoke you when illness is at a desperate stage. We now recommend to your kindness (name of patient) who is in a critical condition. May the cure of this patient increase his/her faith and love for the Lord of Life, for the glory of our merciful God. Amen.

In Picture Solitary Apostle image of Parokya ng Santo Domingo de Guzman de Abucay, Bataan (privately owned ) for Holyweek Procession

LINGGO NG PENTEKOSTES      May 24, 2026 ๐Ÿ”ฅPANALANGIN PARA SA ESPIRITU SANTO๐Ÿ”ฅHalina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng ...
24/05/2026

LINGGO NG PENTEKOSTES May 24, 2026
๐Ÿ”ฅPANALANGIN PARA SA ESPIRITU SANTO๐Ÿ”ฅ

Halina Espiritu Santo, punuin mo ang puso ng mga sumasampalataya sa iyo at pag-alabin mo sa kanila ang init ng iyong pagmamahal... Isugo mo ang iyong Espiritu at lahat silay'y muling magbabalik-loob at mabago mo ang larawan ng mundo.

โ€ Manalangin tayo...

O Panginoon, na sa pamamagitan ng liwanag ng iyong Espiritu Santo, tinuruan mo ang puso ng iyong mananampalataya. Nawa'y sa pamamagitan din ng Espiritu Santo, kami'y manatiling mulat sa katotohanan at laging nagagalak sa iyong pagkalinga sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon Amen ๐Ÿ•ฏ๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป

Mga pribadong Imahen Mula Sa Abucay Bataan at
Parokya ng Santo Domingo de Guzman de Abucay, Bataan

Panalangin sa YUMAO Mahal sa BUHaY ๐Ÿ•ฏ๏ธ๐Ÿ™๐ŸปPanginoon naming Diyos,Ama namin,Ikaw po ang dahilan ng aming pagsilang,Ikaw po a...
21/05/2026

Panalangin sa YUMAO Mahal sa BUHaY ๐Ÿ•ฏ๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป

Panginoon naming Diyos,
Ama namin,
Ikaw po ang dahilan ng aming pagsilang,
Ikaw po ang dahilan ng aming pag-iral,
At sa iyo galing ang aming hiram na buhay,
Kaya sa alabok kamiโ€™y nanggaling
At sa alabok din naman kami babalik.

Buong kababaang loob po kaming nananalangin sa iyo,
At nagmamakaawa,
Kalugdan mo po kaluluwa ng aming namayapang si ROSALINA โ€œTIYA LINAโ€ Sampang Robles Tinao Miranda,
Na pumanaw sa mundong ito
At nananatiling nasa sa iyong mga kamay.

Kunin mo siya at bigyan ng katahimikan
Sa iyong kaharian
At palisin mo ang anumang mga karumihan
Upang siyaโ€™y maging karapat-dapat
Sa iyong walang hanggang kalinisan.
Nasa sa iyong mga kamay, Panginoon,
Ang kanyang kaligtasan,
Iahon mo siya mula sa apoy ng impiyerno
At bigyan ng puwang sa iyong Kaharian.

Magkaroon nawa ng katahimikan,
Ang kanyang kaluluwa
Gayundin ang kanyang espiritu
At makapiling sana niya
Ang iyong kaluwalhatian
At kadakilaan
At pag-ibig na wagas.

Amen ๐Ÿ•ฏ๏ธ๐Ÿ™๐Ÿป

MAY 15, 2026 Dakilang Kapistahan Ni SAN ISIDRO๐Ÿ™๐Ÿป PANALANGIN kay San Isidro Labrador | Isinasamo namin sa Iyo maawaing Di...
15/05/2026

MAY 15, 2026 Dakilang Kapistahan Ni SAN ISIDRO
๐Ÿ™๐Ÿป PANALANGIN kay San Isidro Labrador | Isinasamo namin sa Iyo maawaing Diyos na Panginoon namin, na alang-alang sa pamimintakasi sa Iyo ni SAN ISIDRONG MAGSASAKA, ay huwag Mong itulot kami sa kapalaluan; kundi alang-alang sa mga karapatan at magagandang halimbawang iniwan niya sa amin ay makapaglingkod sa Iyo nang lubos na kapakumbabaan. Alang-alang sa Kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristong Panginoon namin, na nabubuhay at naghaharing kasama Mo. Amen! ๐Ÿ™

Viva, San Isidro Labrador!

SAN ISIDRO De Abucay Bataan
kapistahan Mayo 15, 2026
San Isidro Labrador Parokya ng Santo Domingo de Guzman de Abucay, Bataan

Panalangin para sa Gobyernoโ€œAming Amang Makapangyarihan,lumalapit po kami sa Inyo upang idulog ang aming gobyerno at mga...
14/05/2026

Panalangin para sa Gobyerno

โ€œAming Amang Makapangyarihan,
lumalapit po kami sa Inyo upang idulog ang aming gobyerno at mga namumuno. Kayo ang tunay na Hari ng lahat ng bansa, at sa Inyo nagmumula ang kapangyarihan.

Panginoon, patawarin Ninyo po kami kung may kasalanang nakikita Ninyo sa aming bayan. Nawaโ€™y linisin Ninyo ang puso ng aming mga pinuno at ilayo sila sa tukso ng kasakiman at katiwalian.

Bigyan Ninyo po sila ng takot sa Inyo, ng malasakit sa tao, at ng karunungan upang mamuno ng may katapatan at katarungan. Ibalik Ninyo ang integridad sa aming pamahalaan at alisin ang mga pusong matitigas at sakim.

Kami po bilang mamamayan ay tulungan Ninyong maging tapat, masunurin sa tama, at huwag maging bahagi ng kurapsyon. Nais po naming makita ang aming bansa na pinamumunuan ng katotohanan at katuwiran.

Ito po ang aming panalangin, sa pangalan ni Jesus.
Amen.

๐๐”๐„๐’๐“๐‘๐€ ๐’๐„ร‘๐Ž๐‘๐€ ๐ƒ๐„ ๐‹๐Ž๐’ ๐ƒ๐„๐’๐€๐Œ๐๐€๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐’ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€โ€œLA GOBERNADORA DE MANILAโ€Panalangin sa Nuestra Seรฑora De Los Desamparados D...
12/05/2026

๐๐”๐„๐’๐“๐‘๐€ ๐’๐„ร‘๐Ž๐‘๐€ ๐ƒ๐„ ๐‹๐Ž๐’ ๐ƒ๐„๐’๐€๐Œ๐๐€๐‘๐€๐ƒ๐Ž๐’ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€
โ€œLA GOBERNADORA DE MANILAโ€

Panalangin sa Nuestra Seรฑora De Los Desamparados De Manila
(La Gobernadora de Manila)

Ampunin mo kami, o aming Ina at aming Patrona.
Ampunin mo ang aming pamilya,
ang aming pamayanan, sambayanan at ang sanlibutan.
Iadya mo kami sa mga digmaan at sigalot.
Pag-ugnayin mo ang mga pusong nagkakawalay
sapagkat kami ay iyong mga anak
na malapit sa iyong pagpapala.

Idulot mo sa mga nangangailangan
ang iyong pagbabasbas,
awa at bukal na pagmamahal.
Bigyan mo ang lahat ng makakain,
matutuluyan at tahanang punong-puno ng pagmamahal.
Dulutan ng lakas ang mga maysakit,
kapanatagan ang mga nagdurusa,
kaligayahan sa mga nangangailangan.
Iwaksi ang kasamaan
sa isip at kahinaan sa puso.
Tulungan magbago ang mga makasalanan
at akayin sa kabutihan ang mga naliligaw.

Hayaan kaming mabuhay na inaawit
ang mga papuri sa iyong ngalan.
Nais naming mamasdan ka sa kalangitan
ng iyong Anak na naghahari
sa sinapupunan ng kanyang Ama
at banal na Espiritu,
aming Panginoon magpakailanman.
Amen!

Mahal na Ina ng Walang Mag-Ampon,
Ipanalangin niyo kami!
Viva la Virgen!

(Ang Nasa Larawan Ang Orihinal At Mahimalang Imaheng Coronada Ng Virgen Delos Desamparados De Manila Na Nagawaran Ng Koronasyong Kanonikal Siya Ay Pinipintuho Sa Kanyang Simbahan Ang National Shrine And Parish Of Our Lady Of The Abandoned Sa Sta Ana, Manila).

๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ ๐‘ณ๐‘จ ๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘น๐‘ฎ๐‘ฌ๐‘ต!
๐‘ฝ๐‘ฐ๐‘ฝ๐‘จ ๐‘ณ๐‘จ ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘ฉ๐‘ฌ๐‘น๐‘ต๐‘จ๐‘ซ๐‘ถ๐‘น๐‘จ ๐‘ซ๐‘ฌ ๐‘ด๐‘จ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ!
๐‘จ๐‘ด๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘ถ ๐‘ฎ๐‘ผ๐‘จ๐‘ท๐‘จ!


Coronada y Coronada โค๏ธ
11/05/2026

Coronada y Coronada โค๏ธ

Kapistahan ng Nuestra Seรฑora de los Desamparados de Marikina. Ang kapistahang ito ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang Lin...
10/05/2026

Kapistahan ng Nuestra Seรฑora de los Desamparados de Marikina. Ang kapistahang ito ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang Linggo ng Mayo.

โ€œAba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kamiโ€™y mamamatay.
Amen.โ€

Nuestra Seรฑora de los Desamparados de Marikina, ipanalangin mo kami!

Ang Pagbabalik ni Apo Antin / San Pedro Martir ng Verona (century Old image)  sa Bayan Abucay Bataan at Kapilya  Ng Sali...
29/04/2026

Ang Pagbabalik ni Apo Antin / San Pedro Martir ng Verona (century Old image) sa Bayan Abucay Bataan at Kapilya Ng Salian matapos ito Mawala Taong 1978
After 48th Years nito pagkawala muli masisislayan at maibabalik ito sa kanyang dambana

29 Abril 2026 | ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜†๐—ฟ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ (๐—”๐—ฝ๐—ผ ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป) qng pag babalik nito sa kanyanh Dambana

Sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Pedro Martyr de Verona, Sa taong ito, higit na nagiging makahulugan ang pagdiriwang sa pag-uwi ng mapaghimala, matandaโ€™t orihinal na p**n sa kanyang kapilyaโ€”isang pagbabalik na sumisimbolo ng panibagong sigla ng pananampalataya at debosyon ng sambayanan.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—ธ๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜†๐—ฟ ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฉ๐—ฒ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ฎ (๐—”๐—ฝ๐—ผ ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป)

O San Pedro Martyr ng Verona, tapat na lingkod ng Diyos at matapang na saksi ng katotohanan, lumalapit kami sa iyo nang may kababaang-loob at pananampalataya. Sa gitna ng panganib at pag-uusig, hindi ka natinag sa pagpapahayag ng Mabuting Balita, bagkus ay buong tapang mong ipinagtanggol ang pananampalataya hanggang sa pag-aalay ng iyong buhay.
Ipanalangin mo kami sa Panginoon, upang kami rin ay magkaroon ng lakas ng loob na manindigan sa katotohanan at manatiling tapat kay Kristo sa salita at gawa. Nawaโ€™y sa iyong pamamagitan, kami ay maging matatag sa pananampalataya at handang magsakripisyo alang-alang sa Diyos. Sa gitna ng aming mga pagsubok, palakasin mo ang aming loob at akayin kami sa landas ng katotohanan, upang ang aming buhay ay maging patunay ng pag-ibig at katapatan sa Panginoon. Amen.

Address

Abucay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Jude Thaddeus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share