17/05/2026
05/17/2026
Sunday Morning Service
By: Pastora Janet Dela Cruz
"THE LAW WITH A PROMISE"
- Ephesians 6:1-3
•Ano ba ang ibig sabihin ng Law with a promise?•
-i big sabihin kapag sumusunod ka sa batas, may automatic na resulta.
"Success is predictable. Failure is predictable"
•HOW CAN WE ACTIVATE “THE LAW WITH A PROMISE"?•
A. Know the Law - Alamin natin yung principles ng Salita ng Diyos. Ang Bible ay constitution ng kaharian o ng kingdom.
B. Align your life - Iadjust mo yung thinking, words, actions mo sa law na yun.
C. Expect the promise - Kapag naka-align ka, confident ka na dadating yung promise kasi yun ang nakasaad sa batas.
“Faith is not believing God can. Faith is knowing God must, because He said it in is word”.
1. Ang Law: Honor and obey your parents.
†Honor - magbigay ng love, respect at value sakanila. Hindi lang sa sinasabi, kundi pati sa attitude, tono ng boses at sa mga decisions.
†Obey - sumunod sa mga utos or instructions nila habang nasa ilalim kapa ng bahay nila.
“Hindi yan conditional”.
“The Law works whether your parents deserve it or not. The law responds to your obedience not to their perfections".
2. Ang Promise: "It may go well with you and you may live long".
†"It may go well with you"
Life goes smoother, less friction, mas madali mag open yung doors. parang may favor na sumusunod sayo.
†"Long life" - hindi lang dami ng taon kundi quality ng buhay, less stress, less drama, less self sabotage.
Application:
•Kung kasama mo parents mo.
†LAW - sumunod sa house rules, makinig muna bago sumagot, tumulong sa gawaing bahay ng walang reklamo.
†PROMISE - magkakaroon ng peace sa bahay, mas madali humingi ng payo, mas smooth yung relationship, yung conversations at yung provision nila sayo.
•Kung malaya kana o may sariling pamilya
†LAW - tawagan sila at kamustahin. Consult sila sa mga major decisions.
Magsalita ng may respect kahit hindi ka sang-ayon sa kanila, at wag mo silang icut sa buhay mo.
†PROMISE - yung honor na binibigay mo sa kanila, binabalik din ng mga anak mo at ng mga nasa authority sayo,
"You will reap what you sow".
CONCLUSION:
“You cant harvest a promise if you refused to plant with obedience”.
Mga Kawikaan 1:8 MBBTAG12
[8] Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina;
Mga Kawikaan 6:20, 22-23 MBBTAG12
[20] Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin, huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw.
[22] Pagkat ang aral na ito sa iyo ay patnubay, sa pagtulog mo ay bantay, sa paggawa ay alalay. [23] Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw, at daan ng buhay itong mga saway.