San Rafael Archangel Parish Abra de Ilog

San Rafael Archangel Parish Abra de Ilog Roman Catholic Apostolic Vicariate of San Jose - Mindoro | [email protected] | Parish Official Page

๐Œ๐€๐˜๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐„๐๐“๐„๐Š๐Ž๐’๐“๐„๐’Ang presensya ni Kristo ay naipapahayag natin at lalong nagiging buhay ang kanyang ...
25/05/2026

๐Œ๐€๐˜๐Ž ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‹๐ˆ๐๐†๐†๐Ž ๐๐† ๐๐„๐๐“๐„๐Š๐Ž๐’๐“๐„๐’

Ang presensya ni Kristo ay naipapahayag natin at lalong nagiging buhay ang kanyang pagkilos kung tayoโ€™y magkakasama.

๐—ฅ๐—˜๐—ฉ. ๐—™๐—ฅ. ๐——๐—”๐—ฅ๐—ช๐—œ๐—ก ๐—ฆ. ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ญ๐—ข๐—ก๐—”
๐‘ฒ๐’–๐’“๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’“๐’๐’Œ๐’

Sa pagdating ng Espiritu Santo, muling pagningasin ang ating pananampalataya. Mapagpalang Linggo ng Pentekostes sa ating...
24/05/2026

Sa pagdating ng Espiritu Santo, muling pagningasin ang ating pananampalataya. Mapagpalang Linggo ng Pentekostes sa ating lahat!

23/05/2026

May 24, 2026 | Pentecost Sunday

Ngayong ๐‘ณ๐’Š๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’†๐’๐’•๐’†๐’Œ๐’๐’”๐’•๐’†๐’”, ating gunitain ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostolโ€”ang apoy ng pananampalataya, ...
23/05/2026

Ngayong ๐‘ณ๐’Š๐’๐’ˆ๐’ˆ๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ท๐’†๐’๐’•๐’†๐’Œ๐’๐’”๐’•๐’†๐’”, ating gunitain ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostolโ€”ang apoy ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig na patuloy na nagbibigay-buhay sa Simbahan hanggang ngayon.

Nawaโ€™y muling pag-alabin ng Espiritu Santo ang ating mga puso upang maging matatag sa pananampalataya, masigasig sa paglilingkod, at tapat sa pagmamahal sa Diyos at kapwa.

๐Ÿ•Š๏ธ โ€œHalina, Espiritu Santo, punuin Mo ang puso ng Iyong mga lingkod at pagningasin Mo sa kanila ang apoy ng Iyong pag-ibig.โ€

๐’๐ˆ๐Œ๐๐€ ๐๐Ž ๐“๐€๐˜๐Ž ๐๐”๐Š๐€๐’!Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng ๐“›๐“ฒ๐“ท๐“ฐ๐“ฐ๐“ธ ๐“ท๐“ฐ ๐“Ÿ๐“ฎ๐“ท๐“ฝ๐“ฎ๐“ด๐“ธ๐“ผ๐“ฝ๐“ฎ๐“ผ bukas Mayo 24, 2026.Hal...
23/05/2026

๐’๐ˆ๐Œ๐๐€ ๐๐Ž ๐“๐€๐˜๐Ž ๐๐”๐Š๐€๐’!

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng ๐“›๐“ฒ๐“ท๐“ฐ๐“ฐ๐“ธ ๐“ท๐“ฐ ๐“Ÿ๐“ฎ๐“ท๐“ฝ๐“ฎ๐“ด๐“ธ๐“ผ๐“ฝ๐“ฎ๐“ผ bukas Mayo 24, 2026.

Halinaโ€™t sama-sama nating damhin ang biyaya, pagmamahal, at paggabay ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng Banal na Misa.

Unang Misa: 6:00AM
Pangalawang Misa: 7:30AM

๐Ÿ”ด Maaaring magsuot ng pulang kasuotan bilang simbolo ng Espiritu Santo.

Tayoโ€™y magtipon bilang isang sambayanan ng pananampalataya at pasasalamat sa Panginoon.

Isang mapagpalang pagbati ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ซ๐’‚๐’“๐’˜๐’Š๐’ ๐‘บ. ๐‘จ๐’“๐’•๐’Š๐’›๐’๐’๐’‚ sa pagdiriwang ng inyong unang taon bilang kura paroko ng San Rafa...
21/05/2026

Isang mapagpalang pagbati ๐‘น๐’†๐’—. ๐‘ญ๐’“. ๐‘ซ๐’‚๐’“๐’˜๐’Š๐’ ๐‘บ. ๐‘จ๐’“๐’•๐’Š๐’›๐’๐’๐’‚ sa pagdiriwang ng inyong unang taon bilang kura paroko ng San Rafael Archangel Parish noong ika-18 ng Mayo.

Maraming salamat po sa inyong walang sawang paglilingkod, paggabay, at pagmamahal sa aming sambayanan ng San Rafael Archangel Parish. Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, at lakas upang maipagpatuloy ang inyong banal na misyon.

Dalangin po namin na lalo pang umusbong ang pananampalataya at pagkakaisa ng aming parokya sa ilalim ng inyong pamumuno.

Maligayang unang anibersaryo po bilang aming kura paroko!

QUEMARLABARO REGIONAL YOUTH CAMP 2026 ๐ŸŒŠ ๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿญ | Nagsimula na ang PaglusongUnti-unti nang bumubukas ang isang makabuluhan...
20/05/2026

QUEMARLABARO REGIONAL YOUTH CAMP 2026

๐ŸŒŠ ๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿญ | Nagsimula na ang Paglusong

Unti-unti nang bumubukas ang isang makabuluhang paglalakbay ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod. Ang unang hakbang ng paglusong ay hindi lamang tungkol sa pagdating โ€” ito ay pagtugon sa tawag ng Diyos na kumilos, makiisa, at maging ilaw para sa kapwa.

Tayo ang mga kabataang handang magtanim ng binhi ng pag-asa at pagmamahal na patuloy na lalago at magbibigay-buhay sa iba. Hindi tayo mananatili sa pampang. Tayo ay lalalim, lalakas, at sama-samang lalangoy patungo sa mas makabuluhang misyon bilang kabataang Kristiyano.

At bukasโ€ฆ isang mas malalim at mas makapangyarihang paglusong pa ang ating haharapin. ๐ŸŒŠ

Tomorrow is a big day, mga Kalakbay.



๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Ÿ–๐ญ๐ก ๐ƒ๐ข๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐š๐ง ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒBuong kagalakan na nakibahagi ang Mother Butler Guild (MBG) ng ating parokya sa Ika...
18/05/2026

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Ÿ–๐ญ๐ก ๐ƒ๐ข๐จ๐œ๐ž๐ฌ๐š๐ง ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ

Buong kagalakan na nakibahagi ang Mother Butler Guild (MBG) ng ating parokya
sa Ika-8 Diocesan Assembly na ginanap sa Magsaysay noong Mayo 16, 2026.

Ang pagtitipong ito ay naging makabuluhang pagkakataon ng pagkakaisa, pananampalataya, at patuloy na paglilingkod sa Simbahan.

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐ˆ๐ฌ๐ข๐๐ซ๐จ ๐‹๐š๐›๐ซ๐š๐๐จ๐ซIsinagawa ang banal na misa bilang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Isi...
18/05/2026

๐Œ๐š๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ“, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐ˆ๐ฌ๐ข๐๐ซ๐จ ๐‹๐š๐›๐ซ๐š๐๐จ๐ซ

Isinagawa ang banal na misa bilang pagdiriwang ng Kapistahan ni San Isidro Labrador sa mga pamayanan ng Pakris ng Cabacao, Tibag, at Matabang.

Isang makahulugang pagtitipon ng pananampalataya, pasasalamat, at debosyon.

San Isidro Labrador, ipanalangin mo kami!

Pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima nitong ika-13 at 14 ng Mayo sa mga pamayanan ng Pakris ng Balao, ...
15/05/2026

Pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima nitong ika-13 at 14 ng Mayo sa mga pamayanan ng Pakris ng Balao, Udalo, at Manano.

Nawaโ€™y patuloy tayong gabayan ng ating Mahal na Ina at patibayin ang ating pananampalataya bilang isang sambayanan ni Kristo.

Viva La Virgen de Fatima!

Address

Poblacion, Occidental Mindoro
Abra De Ilog
5108

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 12am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Rafael Archangel Parish Abra de Ilog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share