29/08/2021
Huwag Mawalan ng PAG-ASA
Maaring sa sitwasyon natin ngayon nawawalan ka ng pag-asa. Ang sabi nga nila: ang hirap ng buhay ngayon, pamahal ng pamahal ang bilihin May pandemic pa. Ikaw ito rin ba ang nasasabi mo? Sa tingin mo ba Wala na talagang pag-asa
Ang Mangangaral 9:4
Ngunit habang nabubuhay ang tao ay di siya dapat mawalan ng pag-asa. Ang asong buháy ay mas mainam kaysa patay na leon.
-habang buhay tayo ‘wag tayong mawalan ng pag-asa wag tayong sumuko. Sabi nga ng isang kanta ‘wag kang susuko na lang. laban Lang kapatid!
Ang mainam na gawin natin pagnakakaranas na tayo na tila Wala ng pag-asa ay ito:
Acronym ng PAG-ASA
1. P- Panalangin
1 Pedro 4:7 Malapit na ang wakas ng lahat ng bagay, kaya't maging mapagtimpi kayo at panatilihing malinaw ang inyong pag-iisip upang kayo'y makapanalangin.
-Dahil sa dami na nating problema At naguguluhan na tayo? panatilihin nating malinaw ang atin isip para makapanalangin tayo Diyos. Mapapanatag tayo pag nakipag usap tayo sa Diyos sa pamamagitan ng Panalangin.
2. A- Alalahanin
Exodo 13:3 Sinabi naman ni Moises sa mga Israelita, “Aalalahanin ninyo ang araw na ito ng inyong paglaya sa pagkaalipin sa bansang Egipto; mula roo'y inilabas kayo ni Yahweh sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. Huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa.
Maging tayo man ay nakaranas ng kalayaan sa pagkaalipin ng kahirapan, kasalan at karamdaman. Kaya alalahanin natin ito na Wala ng kapangyarihan sa atin ang anumang pagsubok para mawalan tayo ng pag-asa.
3. G- Gampanan
2 Mga Cronica 19:9 Sinabi niya sa kanila, “Gampanan ninyo ang inyong tungkulin nang may takot kay Yahweh nang buong puso, at nang buong katapatan.
-Bilang mga Kristianong binibigyan lagi tayo ng pag-asa ng Diyos nararapat lamang po nating gampanan ng may katapatan ang ating tungkulin sa Diyos.
4. A- Alisin
1 Mga Taga-Corinto 5:7 Alisin ninyo ang lumang pampaalsa, ang kasalanan, upang kayo'y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang pampaalsa, at talaga namang ganyan kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi si Cristo.
Isa na tayong bagong masa o isang bagong pagkatao na binago ni Kristo kaya alisin na po natin ang anumang uri ng kasalan na syang dahilan ng ating kapahamakan para manatili sa atin ang buhay na pag-asang galing sa Diyos
5. S-Sumamba
Genesis 13:4 Pumunta siya sa dating pinagtayuan niya ng altar, at doon sumamba kay Yahweh.
Pagkapos na tayoy mabuhayan, Mapalakas ang loob At mabigyan ng pag-asa ng Diyos. Huwag naman tayong makalimot na Siya ay sambahin sa kanyang kabutihan sa atin.
6. A-Ayusin
2 Mga Hari 20:1 Nang panahong iyon, nagkasakit nang malubha si Haring Ezequias. Dinalaw siya ng propetang si Isaias na anak ni Amoz at sinabi sa kanya, “Ipinapasabi ni Yahweh na ayusin mo na ang iyong kaharian sapagkat malapit ka nang mamatay. Hindi ka na gagaling sa sakit mong iyan.”
Ang buhay natin ay patanda At Hindi pabata. Marahin nasasabi mo bata ka pa o kaya matanda ka At May sakit pa, pero habang buhay ka pa ayusin na natin ang ating buhay sa harapan ng Diyos para ‘yong pag-asa natin na maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus ay Hindi mawala.
Kapatid matanong ko ulit sayo Wala ka parin bang PAG-ASA?
Kung meron na? Ipagtuloy lang natin yan, kapit lang sa Diyos.😇
-Pastor Rodolf Fontanilla