06/05/2026
📢 PAANYAYA NG PAROKYA | FLORES DE MAYO 🌸
Inaanyayahan po ng ating Parokya ang lahat ng mga bata, lalo na ang mga mula sa Poblacion, na makiisa sa ating taonang pagdiriwang ng Flores de Mayo.
🗓 Simula: Mayo 4, 2026 (Lunes)
⏰ Oras: Ika-2 ng hapon
📍 Lugar: Parokya
Ang Flores de Mayo ay isang tradisyong Katoliko na iniaalay sa Mahal na Birheng Maria, bilang pagkilala sa kanyang natatanging papel sa kasaysayan ng kaligtasan. Sa pag-aalay ng bulaklak, ipinapakita natin ang ating pagmamahal, paggalang, at pagtitiwala sa ating Ina na patuloy na gumagabay sa atin patungo kay Kristo.
Sa gawaing ito, ang mga bata ay inaakay sa:
•Mas malalim na panalangin at debosyon.
•Pagkilala sa halimbawa ng kababaang-loob at pananampalataya ni Maria.
•Pakikibahagi sa buhay ng Simbahan at komunidad.
Inaanyayahan ang bawat bata na magdala ng bulaklak bilang handog at magsuot ng maayos at angkop na kasuotan.
Halina’t sama-sama nating parangalan ang ating Mahal na Ina at patatagin ang ating pananampalataya bilang isang sambayanang Kristiyano. 💐