10/10/2025
September 27, 2025 β habang ang ibang bahagi ng Pilipinas ay sinasalanta ng Bagyong Opong, isa ang Agri Supply nina Bro. John EstaΓ±ol at Sis. Mila EstaΓ±ol sa mga nasunugan sa bayan ng Aborlan. Ngunit sa kabila ng apoy, ang kamay ng Diyos ay hindi nawala.
May mga natupok man at hindi na napakinabangan sa kanilang mga produkto, marami pa rin ang naiwan at pinagtulungang isalba ng mga tao at ng kapatiran. Sa araw ding iyon, may puwesto sa kanila'y inialok na malilipatan β mga sampu hanggang labinlimang hakbang lamang mula sa nasunog nilang lugar.
Makalipas ang ilang linggo, pinayagan ng BFP Aborlan na maaari na nilang ayusin ang kanilang puwesto. At ngayon, October 10, 2025, muli nang nakabalik sina Bro. John at Sis. Mila sa dati nilang puwesto. Kasabay nito ang panalangin ng aming mahal na pastor, Rev. Joel T. Tumbagahan, Min. Joy Tumbagahan, at Sunday School Teacher Sir Jeffrey Sanchez.
Hindi naging mahirap ang kanilang pag-aayos, bagaman nasunog, hindi naman naging malaki ang pinsala. Patunay ito na ang problema at sakuna ay dumarating sa lahat ng tao β mananampalataya man o hindi. Subalit sa mga nagtitiwala sa Diyos, dumaan man ang bagyo, hindi sila babagsak; rumagasa man ang baha, hindi sila malulunod; at sa gitna ng apoy, hindi sila masusunog β sapagkat kasama nila ang Diyos.
Sabi nga Niya,
βAking isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang aking malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.β
β Joel 2:25
Salamat, Panginoon, sa kabutihan Mo sa aming buhay. Purihin Ka! Maghari Ka, Hesus!