13/02/2026
5️⃣Sesyon 5: Online na Sermon: Paano Makilatis ang Tunay na Cristo Mula sa mga Huwad
Mahal na mga kapatid, nagbalik na sa katawang-tao ang Panginoong Jesus!
Tunay ngang pinagpala tayo na marinig ang tinig ng Diyos at makadalo sa piging ng kasalan ng Kordero.
Lahat ng ito ay biyaya at pagpapala ng Panginoon.
Gayumpaman, ang ilan ay nag-aalala sa paglitaw ng mga huwad na cristo sa mga huling araw,
dahil ipinropesiya ng Panginoong Jesus na:
"Sapagkat may magsisilitaw na mga huwad na cristo, at mga huwad na propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati na ang mga hirang."
Mateo 24:24
Pero kung tatanggihan natin ang lahat ng balita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon
dahil lang takot tayo sa paglitaw ng mga huwad na cristo,
hindi ba't mapapalampas natin ang pagkakataon na salubungin ang tunay na Cristo?
Sa pamamagitan lamang ng pagkatuto sa katotohanan kung paano makilatis ang tunay na Cristo mula sa mga huwad
natin maiiwasan na malinlang at tunay na masasalubong ang tunay na Cristo.
Kung gayon, paano natin makikilala ang pagkakaiba ng tunay na Cristo sa mga huwad na cristo?
Anong gawain ang ipinarito ng tunay na Cristo para gawin?
At paano nililihis ng mga huwad na cristo ang mga tao?
Paano natin matitiyak na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Siya ngang nagbalik na Panginoong Jesus?
Samahan ninyo kami sa aming online na sermon upang tuklasin ang tamang landas
sa pagkilatis sa tunay na Cristo mula sa mga huwad.