Vocare Christi

Vocare Christi In Fide Et Servitio
(1)

HUNYO 16 | KAPISTAHAN NI SANTA LUTGARDANgayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni Santa Lutgarda, isang banal na...
16/06/2026

HUNYO 16 | KAPISTAHAN NI SANTA LUTGARDA

Ngayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni Santa Lutgarda, isang banal na babae na naglaan ng kanyang buhay sa panalangin, pagsasakripisyo, at malalim na pakikipagkaisa sa Panginoon. Sa kanyang halimbawa, ipinakita niya ang kahalagahan ng pagtitiwala sa Diyos at ng pusong ganap na nakatuon sa Kanya.

Nawa’y maging inspirasyon si Santa Lutgarda upang higit nating mahalin ang Diyos, maging matatag sa pananampalataya, at mamuhay nang may kababaang-loob at kabanalan.

Santa Lutgarda, ipanalangin mo kami.

LUNES NG IKA-11 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (II) UNANG PAGBASA - 1 Hari 21, 1-16Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari...
15/06/2026

LUNES NG IKA-11 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON (II)

UNANG PAGBASA - 1 Hari 21, 1-16

Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari

Noong panahong iyon, si Nabat ay may ubasan na nasa tabi ng palasyo ni Acab, hari ng Samaria. Nagustuhan ni Acab ang ubasan, kaya’t sinabi niya kay Nabat: “Ibigay mo na sa akin ang iyong ubasan at gagawin kong taniman ng gulay pagkat malapit sa aking palasyo. Papalitan ko ng mas mainam na ubasan, o babayaran sa iyo.”

Ngunit ganito ang naging sagot ni Nabat: “Patawarin ako ng Panginoon, ngunit hindi ko po maibibigay sa inyo ang pamana sa akin ng aking mga ninuno.”

Umuwi si Acab na malungkot at masama ang loob dahil sa sagot ni Nabat. Nagkulong siya sa kanyang silid, hindi makausap at ayaw kumain. Nilapitan siya ni Reyna Jezebel at tinanong: “Ano ba ang isinasama ng loob mo at di ka makakain?”

Sumagot ang hari: “Kinausap ko si Nabat na taga-Jezreel, at inalok ko siyang papalitan o babayaran ang kanyang ubasan. Ngunit tinanggihan ako, at ang sabi’y hindi raw niya maaaring ibigay sa akin ang kanyang ubasan.”

Wika sa kanya ni Jezebel: “Halika na! Kumain ka at huwag ka nang malungkot! Ireregalo ko sa iyo ang ubasan ni Nabat.”

Gumawa ang reyna ng ilang sulat sa ngalan ng hari, tinatakan ng pantatak ng hari, at ipinadala sa mga matatanda at namumuno sa lungsod na tinitirahan ni Nabat. Ganito ang sabi niya sa sulat: “Ipag-utos ninyo ang isang pangkalahatang pag-aayuno. Patayuin ninyo si Nabat sa harapan ng karamihan. Kumuha kayo ng dalawang upahang saksi na maghaharap ng ganitong sumbong laban sa kanya: ‘Tinungayaw niya ang Diyos at ang hari.’ Pagkatapos, dalhin ninyo siya sa labas ng lungsod at batuhin hanggang mamatay.”

Tinupad ng matatanda at ng mga pinuno ng lungsod ang utos ni Jezebel. Ipinag-utos nila ang isang pangkalahatang pag-aayuno at iniharap sa madla si Nabat. Lumabas ang dalawang saksi na inupahan at siya’y pinaratangan ng ganito: “Tinungayaw ni Nabat ang Diyos at ang hari.” Kaya’t si Nabat ay inilabas ng lungsod at binato hanggang mamatay. Nagpasabi agad sila kay Jezebel: “Patay na po si Nabat na taga-Jezreel.”

Pagkatanggap ng gayong balita, nagpunta si Jezebel kay Acab at sinabi rito: “Hayan! Kunin mo na ang ubasang hindi mo mabili kay Nabat. Hindi na siya makatututol. Patay na siya.” Nang malaman ni Acab na patay na si Nabat, pumunta siya sa ubasan upang angkinin iyon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN - Salmo 5, 2-3. 5-6. 7

Panginoon, ako’y dinggin,
pagbigyan sa aking daing.

Ako’y dinggin, P**n, aking Panginoon,
sana’y pakinggan mo ang aking panaghoy;
Diyos ko at hari, lingapin mo ngayon
itong tumatawag at napatutulong.

Panginoon, ako’y dinggin,
pagbigyan sa aking daing.

Ang gawang masama’y di mo kalulugdan,
ang gawaing hidwa’y di mo papayagan;
ang mga palalo’t masasamang asal,
iyong itatakwil at kasusuklaman.

Panginoon, ako’y dinggin,
pagbigyan sa aking daing.

Parurusahan mo yaong sinungaling,
pati mararahas at ang mga taksil.

Panginoon, ako’y dinggin,
pagbigyan sa aking daing.

ALELUYA
Salmo 118, 105

Aleluya! Aleluya!
Ang salita mo’y liwanag,
tanglaw sa aking paglakad,
sa paghakbang sa ‘yong landas.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA - Mateo 5, 38-42

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Narinig ninyo na sinabi: ‘Mata sa mata at ngipin sa ngipin.’ Ngunit ngayo’y sinasabi ko sa inyo: huwag ninyong labanan ang masamang tao. Kung may sumampal sa iyo sa kanang pisngi, iharap mo pa sa kanya ang kabila. Kung ipagsakdal ka ninuman upang makuha ang iyong baro, ibigay mo sa kanya pati ang iyong balabal. Kung sapilitang ipapasan sa iyo ng manlulupig ang kanyang dala nang isang kilometro, pasanin mo ito nang dalawang kilometro. Magbigay ka sa nanghihingi sa iyo, at huwag mong pahindian ang nanghihiram sa iyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Coordinator nyo habang practice ng Altar Servers:"Okay pa ako sa unang mali. Okay pa rin sa pangalawa.Pero sa pang-labin...
13/06/2026

Coordinator nyo habang practice ng Altar Servers:

"Okay pa ako sa unang mali. Okay pa rin sa pangalawa.
Pero sa pang-labing lima..." Aray ko mga kapatid

HUNYO 13 | KAPISTAHAN NI SAN ANTONIO DE PADUANgayong araw ay ating ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Antonio de Padua...
13/06/2026

HUNYO 13 | KAPISTAHAN NI SAN ANTONIO DE PADUA

Ngayong araw ay ating ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Antonio de Padua, pari at pantas ng Simbahan. Kilala siya sa kanyang malalim na karunungan, makapangyarihang pangangaral, at taos-pusong pagmamahal sa Diyos at sa kapwa.

Sa kanyang buhay, ipinakita niya ang kahalagahan ng pananampalataya, kababaang-loob, at paglilingkod. Marami ang lumalapit sa kanyang pamamagitan upang humingi ng tulong at gabay, lalo na sa mga nawawalang bagay at sa mga sandaling puno ng pagsubok.

Nawa’y tularan natin ang kanyang sigasig sa pagpapahayag ng Mabuting Balita at ang kanyang walang sawang pagtitiwala sa Panginoon.

San Antonio de Padua, ipanalangin mo kami.

HUNYO 13 | PAGGUNITA SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIASa araw na ito, ginugunita natin ang Kalinis-linisang Puso ni Mari...
13/06/2026

HUNYO 13 | PAGGUNITA SA KALINIS-LINISANG PUSO NI MARIA

Sa araw na ito, ginugunita natin ang Kalinis-linisang Puso ni Maria, ang pusong puspos ng pagmamahal, katapatan, at ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Sa kanyang buhay, ipinakita niya ang tunay na halimbawa ng pananampalataya, kababaang-loob, at pagtitiwala sa Panginoon.

Nawa’y tularan natin ang kanyang dalisay na puso at manatiling bukas sa biyaya ng Diyos sa bawat yugto ng ating buhay. Sa kanyang mapagmahal na paggabay bilang ating Ina, matagpuan natin ang lakas upang higit na mapalapit kay Kristo.

Kalinis-linisang Puso ni Maria, ipanalangin mo kami.

HUNYO 12 | DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUSSa Dakilang Kapistahang ito, ginugunita natin ang walang...
12/06/2026

HUNYO 12 | DAKILANG KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG PUSO NI HESUS

Sa Dakilang Kapistahang ito, ginugunita natin ang walang hanggang pag-ibig ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus para sa sangkatauhan. Ang Kanyang Puso ay bukal ng awa, habag, kapatawaran, at pagmamahal na hindi nagmamaliw.

Nawa’y patuloy nating buksan ang ating mga puso sa Kanyang pag-ibig at tularan ang Kanyang kababaang-loob, kabutihan, at malasakit sa kapwa. Sa gitna ng mga pagsubok at hamon ng buhay, matagpuan natin sa Kanyang Puso ang tunay na kapayapaan at pag-asa.

Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, maawa Ka sa amin.

HUNYO 11 | KAPISTAHAN NI SAN BERNABENgayong araw ay ating ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Bernabe, Apostol at tapat...
11/06/2026

HUNYO 11 | KAPISTAHAN NI SAN BERNABE

Ngayong araw ay ating ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Bernabe, Apostol at tapat na lingkod ni Kristo. Kilala bilang "anak ng pag-aliw," naging mahalagang katuwang siya sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita at sa pagpapatibay ng pananampalataya ng mga unang Kristiyano.

Nawa’y tularan natin ang kanyang kabutihan, pagiging mapagbigay, at katapatan sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Sa kanyang halimbawa, matuto tayong maging mga saksi ni Kristo sa ating mga salita at gawa.

San Bernabe, ipanalangin mo kami.

Hunyo 09 II Kapistahan ni San EphremNgayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni San Ephrem, Dakilang G**o at Dokt...
09/06/2026

Hunyo 09 II Kapistahan ni San Ephrem

Ngayong araw ay ating ginugunita ang kapistahan ni San Ephrem, Dakilang G**o at Doktor ng Simbahan. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan, pananalig, at mga banal na awitin, ipinakita niya ang kagandahan ng paglilingkod sa Diyos.

Nawa’y tularan natin ang kanyang pagmamahal sa Panginoon at ang kanyang dedikasyon sa pagpapalaganap ng pananampalataya. Hilingin natin ang kanyang panalangin upang manatili tayong matatag sa ating pananampalataya at paglilingkod.

San Ephrem, ipanalangin mo kami.

PRAY FOR MINDANAO Matapos magkaroon ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa p...
08/06/2026

PRAY FOR MINDANAO

Matapos magkaroon ng Magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao, inaanyayahan namin ang lahat na makiisa sa pananalangin para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan na naapektuhan ng sakunang ito.

Sa mga oras na tulad nito, mahalaga ang ating pagkakaisa, pagdamay, at suporta sa mga pamilyang dumaranas ng takot, pangamba, at pagkawala. Nawa'y manatili tayong matatag at handang tumulong sa anumang paraan na ating makakaya.

Patuloy nating alalahanin sa ating mga panalangin ang mga biktima, mga rescue workers, mga boluntaryo, at lahat ng nasa unahan ng pagtugon sa sakunang ito.

✠ Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon ✠Ang Eukaristiya ang puso ng buhay Kristiyano. Di...
07/06/2026

✠ Dakilang Kapistahan ng Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon ✠

Ang Eukaristiya ang puso ng buhay Kristiyano. Dito natin natatagpuan si Hesukristo na hindi lamang alaala o sagisag, kundi tunay at buhay na naroroon sa Kabanal-banalang Sakramento.

Sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahang ito, alalahanin natin ang dakilang pag-ibig ng Panginoon na nananatili sa ating piling, nagbibigay-lakas sa mahihina, pag-asa sa nalulumbay, at biyaya sa mga lumalapit sa Kanya nang may pananampalataya.

Nawa'y ang ating pagsamba sa Katawan at Dugo ni Kristo ay magbunga ng mas malalim na kabanalan, higit na pagmamahal sa Simbahan, at mas tapat na paglilingkod sa Diyos at kapwa.

Adres

Philippine

Telefoon

+639952563307

Website

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer Vocare Christi nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Delen