Salita sa Bibliya

Salita sa Bibliya Matuto ng Salita ng Diyos araw-araw. Ang aming website ay https://www.salitasabibliya.net.

Kapag naabot mo na ang limitasyon ng kaya mo, tandaan mong hindi iyon limitasyon ng Diyos. Ang imposible sa atin ay nana...
08/09/2026

Kapag naabot mo na ang limitasyon ng kaya mo, tandaan mong hindi iyon limitasyon ng Diyos. Ang imposible sa atin ay nananatiling posible sa Kanya.

Kapag pakiramdam mo kulang ka, tandaan mong hindi nagkukulang ang biyaya ng Diyos. ๐Ÿค๐Ÿ“– โ€œAt kaya ng Diyos na pasaganahin s...
07/09/2026

Kapag pakiramdam mo kulang ka, tandaan mong hindi nagkukulang ang biyaya ng Diyos. ๐Ÿค

๐Ÿ“– โ€œAt kaya ng Diyos na pasaganahin sa inyo ang lahat ng biyayaโ€ฆ upang sumagana kayo sa bawat mabuting gawa.โ€ โ€” 2 Corinto 9:8

May mga panahon na iniisip natin, โ€œLord, sapat ba ang meron ako? Kakayanin ko ba?โ€ Sapat ba ang oras, lakas, resources, o kakayahan natin para sa mga bagay na nasa harapan natin?

Paalala ng talatang ito: ang ating confidence ay hindi dapat nakasalalay sa dami ng hawak natin, kundi sa Diyos na pinagmumulan ng lahat.

Tungkol ito sa pagiging bukas-palad. Tinuturuan tayo na maaari tayong magbigay at gumawa ng mabuti nang may pagtitiwala dahil ang Diyos ang naglalaan.

Hindi Niya ipinapangako ang lahat ng gusto natin, pero maaari tayong magtiwala sa Kanyang sapat na biyaya.

Kaya kapag pakiramdam mo kulang ka, lumapit ka sa Kanya.

Kung saan nagtatapos ang kakayahan natin, hindi doon nagtatapos ang biyaya ng Diyos. ๐ŸŒฟ

May imposible ba sa Diyos?๐Ÿ“– โ€œSapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.โ€ โ€” Lucas 1:37Sinabi ito ng an...
07/09/2026

May imposible ba sa Diyos?

๐Ÿ“– โ€œSapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.โ€ โ€” Lucas 1:37

Sinabi ito ng anghel kay Maria nang ipahayag na siya ay magsisilang kay Jesus. Sa pananaw ng tao, imposible ang mangyayari. Pero ang plano ng Diyos ay hindi limitado ng kakayahan ng tao.

At ang pinakamagandang patunay nito ay si Jesus mismo.

Ang Diyos ay pumasok sa kasaysayan. Si Cristo ay dumating, namuhay nang walang kasalanan, namatay para sa mga makasalanan, at muling nabuhay.

Pero tandaan: ang Lucas 1:37 ay hindi pangako na gagawin ng Diyos ang lahat ng gusto natin. Ito ay katiyakan na walang makahahadlang sa Diyos sa pagtupad ng Kanyang salita at layunin.

Kaya kung iniisip mong napakalayo mo na sa Diyos, napakarami mo nang kasalanan, o imposible ka nang magbago, huwag mong maliitin ang Kanyang biyaya.

Ang pusong makasalanan ay kaya Niyang baguhin.
Ang taong naligaw ay kaya Niyang iligtas.
Ang kasalanan ay kaya Niyang patawarin sa pamamagitan ni Cristo.

Hindi dahil kaya natin, kundi dahil makapangyarihan ang Diyos na tumutupad sa Kanyang Salita.

Lumapit ka kay Jesus. Ang Diyos na gumawa ng imposible sa kuwento ng kaligtasan ay makapangyarihan pa rin hanggang ngayon. โค๏ธโœ๏ธ

07/09/2026

Hindi sapat na malaman natin ang Salita ng Diyos. Hilingin nating turuan Niya tayong isabuhay ito. Ang tunay na pananampalataya ay nakikita sa paraan ng ating pamumuhay.

May mga bagay tungkol sa Diyos na hindi kayang maabot ng sariling karunungan ng tao.๐Ÿ“– โ€œAng mga bagay na hindi nakita ng ...
07/09/2026

May mga bagay tungkol sa Diyos na hindi kayang maabot ng sariling karunungan ng tao.

๐Ÿ“– โ€œAng mga bagay na hindi nakita ng mata, ni narinig ng tainga, ni pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa Kanya.โ€ โ€” 1 Corinto 2:9

Madalas itong ginagamit tungkol sa blessings na darating. Pero pinapakita ni Pablo ang isang mas malalim na katotohanan: ang plano ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo ay hindi kayang malaman ng tao sa sarili niyang karunungan.

Sino nga ba ang mag-aakalang ang ipinangakong Tagapagligtas ay darating nang may pagpapakumbaba? Na Siya ay ipapako sa krus? At sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay, magkakaroon ng kapatawaran at kaligtasan ang mga makasalanan?

Sa mata ng mundo, ang krus ay maaaring magmukhang kahinaan. Ngunit sa plano ng Diyos, dito nahayag ang Kanyang karunungan, pag-ibig, at kapangyarihang magligtas.

At ang magandang balita: hindi itinago ng Diyos ang daan ng kaligtasan.

๐Ÿ“– โ€œNgunit ang mga ito'y ipinahayag sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu.โ€ โ€” 1 Corinto 2:10

Hindi mo kailangang maging sapat na matalino, mabuti, o relihiyoso upang kumita ng kaligtasan.

Kailangan mo si Kristo.

Si Jesus ang namatay para sa mga makasalanan at muling nabuhay. Kaya ang tawag ng Ebanghelyo ay magsisi, manampalataya, at magtiwala sa Kanya.

Ang pinakamagandang bagay na ipinahayag ng Diyos sa atin ay hindi lamang isang blessing, kundi ang Tagapagligtas mismo: si Jesus. โค๏ธโœ๏ธ

03/09/2026

Walang panalanging masyadong maliit para sa Diyos. Naririnig Niya maging ang mga salitang mahirap mong sabihin at ang mga luha na Siya lamang ang nakakaalam.

May mga bagay na hindi kayang tapusin ng sipag at lakas natin lamang.๐Ÿ“– โ€œHindi sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan, k...
03/09/2026

May mga bagay na hindi kayang tapusin ng sipag at lakas natin lamang.

๐Ÿ“– โ€œHindi sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu,โ€ sabi ng Panginoon. โ€” Zacarias 4:6

Sinabi ito ng Diyos kay Zerubabel habang hinaharap niya ang napakalaking responsibilidad ng muling pagtatayo ng templo. Sa harap ng kakulangan at mga hadlang, pinaalala ng Diyos na ang Kanyang gawain ay hindi matatapos dahil lamang sa kakayahan ng tao, kundi sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu.

Minsan ganito rin tayo. Kapag may problema, mas nagsisikap tayo. Mas nagpaplano. Mas pinipilit nating kontrolin ang lahat. At kapag hindi pa rin kaya, saka natin nararamdaman kung gaano tayo kalimitado.

Pero hindi sinasabi ng talatang ito na hindi na tayo kikilos o magsisikap. Ang punto ay hindi natin dapat gawing ultimate source ang sarili nating lakas.

May mga bagay na Diyos lamang ang makagagawa.

At higit sa lahat, hindi rin natin kayang baguhin at iligtas ang ating sarili. Kailangan natin ang biyaya ng Diyos at ang pagkilos ng Kanyang Espiritu upang magkaroon ng tunay na pagbabago sa ating puso.

Kaya gawin mo ang dapat mong gawin, pero huwag umasa sa sarili mong lakas lamang.

Manalangin. Sumunod. Magtiwala. At hayaan mong ang Diyos ang maging pinagmumulan ng lakas mo. ๐Ÿค

02/09/2026

Kapag parang tinatangay ka ng problema, kumapit sa pag asang mayroon tayo sa Diyos. Ang sitwasyon ay maaaring magbago, pero ang Kanyang pangako ay nananatiling matatag.

02/09/2026

There is no better life than one lived knowing, following, and growing closer to Him.

๐—•๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฒ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€?Mahalagang malaman ang background nito para hindi natin isi...
02/09/2026

๐—•๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ด๐—ฎ ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฒ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐˜€?

Mahalagang malaman ang background nito para hindi natin isipin na ang mensahe ng Biblia ay: โ€œSundin mo muna ang mga utos para iligtas ka ng Diyos.โ€

Bago ibigay ang Ten Commandments sa Exodo 20, inilabas na ng Diyos ang Israel mula sa pagkaalipin sa Egypt.

At pansinin kung paano nagsimula ang Diyos:

๐Ÿ“– โ€œAko ang ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ถ๐‘ถ๐‘ต ๐’Ž๐’๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’Š๐’š๐’๐’”, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, mula sa bahay ng pagkaalipin.โ€ โ€” Exodo 20:2

Nauna ang redemption bago ang commandments.

Hindi sinabi ng Diyos sa Israel, โ€œSundin ninyo muna ang Ten Commandments at kapag naging mabuti kayo, ilalabas ko kayo sa Egypt.โ€

Iniligtas Niya muna sila. Pagkatapos, ibinigay Niya ang kautusan bilang bahagi ng Kanyang tipan sa Israel at bilang tagubilin kung paano mamumuhay ang bayang Kanyang tinawag.

Kaya mahalaga ang Ten Commandments, ngunit hindi ito ibinigay bilang paraan upang ang isang makasalanan ay kumita ng kaligtasan.

At habang umuusad ang kuwento ng Biblia, mas lumilinaw din ang isang problema: kahit mayroon nang banal na kautusan, makasalanan pa rin ang puso ng tao.

Kailangan natin ng higit pa sa utos na nagsasabing kung ano ang tama.

Kailangan natin ng bagong puso. Kailangan natin ng Tagapagligtas.

Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng New Covenant. Ipinangako ng Diyos na ilalagay Niya ang Kanyang kautusan sa puso ng Kanyang bayan (Jeremias 31:31โ€“34), at sa pamamagitan ni Cristo ay dumating ang kapatawaran at bagong buhay.

Kaya hindi magkalaban ang Law at Gospel.

Ipinapakita ng kautusan ang kabanalan ng Diyos at ang ating kasalanan. Ipinapakita naman ng Ebanghelyo ang ginawa ni Kristo upang iligtas ang mga makasalanan.

Hindi tayo sumusunod upang bilhin ang kaligtasan.

Ang tunay na pagsunod ay bunga ng biyaya ng Diyos, hindi presyo ng Kanyang biyaya. โœ๏ธ

Adres

Centrumplein 2
'T Harde
8084AZ

Meldingen

Wees de eerste die het weet en laat ons u een e-mail sturen wanneer Salita sa Bibliya nieuws en promoties plaatst. Uw e-mailadres wordt niet voor andere doeleinden gebruikt en u kunt zich op elk gewenst moment afmelden.

Contact De Plaats Van Aanbidding

Stuur een bericht naar Salita sa Bibliya:

Snelkoppelingen

Delen