10/03/2026
_Higit Pa sa Panlabas na Ganda: Debosyonal sa Kawikaan 31:30_
"Ang halina ay madaya at ang kagandahan ay lumilipas, ngunit ang babaeng may takot sa Panginoon ay papupurihan." — Kawikaan 31:30 (NIV)
*The Beauty that Lasts*
Sa mundong labis na nakatuon sa filter, hitsura, at kung ano ang uso, madaling makalimutan kung ano ang tunay na mahalaga. Sinasabi ng Kawikaan na ang "_charm_" ay maaaring maging madaya, at ang pisikal na kagandahan ay tiyak na kumukupas sa paglipas ng panahon. Hindi masamang mag-ayos o magpaganda, ngunit kung doon lang nakasalalay ang ating halaga, mabibigo tayo.
Ang tunay na "_inner beauty_" na hindi kumukupas ay ang *pagkakaroon ng takot sa Panginoon*—isang pusong may malalim na paggalang, pagmamahal, at pagkilala sa Kanya. Kapag ang ating buhay ay nakaugat sa relasyon natin sa Diyos, nagkakaroon tayo ng ningning na hindi kayang ibigay ng anumang filter, make-up o pananamit. *Ito ang kagandahang nagbibigay ng inspirasyon at karapat-dapat sa tunay na papuri.*
*Pagninilay*🧐
Saan mo mas inuubos ang iyong oras at pagod: sa pagpapanatili lamang ba ng panlabas na anyo batay sa paningin ng tao o sa pag-aalaga ng ating sarili batay sa paningin ng Diyos?
*Panalangin*🙏
Panginoon, turuan Niyo po akong pahalagahan ang mga bagay na mahalaga sa Inyong paningin. Hubugin Niyo ang aking puso na magkaroon ng malalim na takot at pagmamahal sa Inyo, upang ang aking buhay ay maging tunay na repleksyon ng Inyong ganda. Amen.
Magandang Buhay🤗
Have a Tantalizing Tuesday🙏
God is Magnificent ❤️
Ingatan nawa tayo ng Diyos lagi🫰