04/04/2026
Ayon sa tradisyon ng Simbahan, ang Easter Vigil ay tinatawag na “mother of all vigils” / “mater omnium vigiliarum”. Ito ang pinakamataas at pinakamahalagang gabi ng buong taon. Dito natin nararanasan nang buong-buo ang tagumpay ng Liwanag laban sa kadiliman.
Sa Exsultet, ang dakilang awit ng pagpupuri sa gabing ito, tayo’y inaanyayahan: “Rejoice, O earth, in shining splendour… knowing an end to gloom and darkness!” Ito ang gabing ipinagdiriwang na ang kadiliman ay natatalo na, at ang buong mundo ay napupuno ng liwanag mula sa nabuhay na si Kristo.
Kaya habang hawak natin ang ating kandila at pinakikinggan ang Salita ng Diyos, alalahanin natin: sa bawat kadiliman ng buhay — sakit, pagkalungkot, kasalanan, o kawalan ng pag-asa — may Liwanag na handang sumilay. Si Hesus na nabuhay muli ang ating pag-asa.
“Ang liwanag ay sisilay sa kadiliman, at hindi ito malalamon ng dilim.” (Jn 1:5)
Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay!
Manatili tayong gising at puno ng liwanag sa gabing ito.