26/05/2026
Oras ng Katotohanan Classics | May 26, 2026
Sa buong buwan na ito ng Mayo, sama-sama nating ginunita ang buhay at ministeryong iniwan ng lingkod ng Dios, ang minamahal na Apostle Arsenio T. Ferriol—isang buhay na naging ilaw, inspirasyon, at gabay sa napakaraming mananampalataya.
Ngayong tayo’y nasa huling linggo ng paggunita sa anibersaryo ng kanyang pag-panaw, muli nating buksan ang ating mga puso sa mga alaala at mensaheng nagpapatunay na ang isang buhay na inialay sa Dios ay kailanman hindi malilimutan. Muli nating masasaksihan ang maka-apostol na legasiya na patuloy na nabubuhay sa Iglesia—sa bawat pangangaral, sa bawat kaluluwang naakay sa katotohanan, at sa bawat buhay na patuloy na naglilingkod sa Panginoon.
Sama-sama nating balikan ang mensahe na pumapatungkol sa kung paano naitatag ang Iglesia ng Dios, na dala ni Apostle Arsenio T. Ferriol... Ang G**o ng Oras ng Katotohanan--- ang Mabuting Puno ng Sambahayan.