God's Messages & Wisdom

God's Messages & Wisdom The Gospel, The Word, More on the goodness of God in our life.

17/03/2023

Marcos 12:28-34

Narinig ng isa sa mga eskribang naroon ang kanilang pagtatalo. Natanto niyang mahusay ang pagkakasagot ni Jesus sa mga Saduseo, kaya lumapit siya't nagtanong. "Alin pong utos ang pinakamahalaga?" Sumagot si Jesus, "Ito ang pinakamahalagang utos, 'Pakinggan mo Israel! Ang Panginoon na ating Diyos siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.' Ito naman ang pangalawa, 'Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.' Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito." Tama po, G**o! wika ng eskriba. "Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umiibig sa kanya nang buong puso, buong pag iisip, at buong lakas, at ang umiibig sa kapwa gaya ng kanyang sarile ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain." Nakita ni Jesus na matalino ang kanyang sagot, kaya't sinabi niya. "Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos." At wala nang nangahas magtanong kay Jesus mula noon.

16/03/2023

Lucas 11:14-23

Minsan, pinalayas ni Jesus ang isang demonyong sanhi ng pagkakapipi ng Isang lalaki, at ito'y nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao, ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, "Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihan magpalayas ng mga demonyo." May iba namang nais siyang subukan, kaya't nagsabi, "Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo." Ngunit batid ni Jesus ang kanilang iniisip, kaya't sinabi sa kanila, "Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili, paano mananatili ang kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga taga sunod na makagawa ng gayon? Sila na rin ang nagpapatunay na maling-mali kayo. Ngayon, kung nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, nangangahulugang dumating na sa inyo ang paghahari ng Diyos. Kapag ang isang taong malakas at nasasandatahan ay nagbabantay sa kanyang bahay, malayo sa panganib ang kanyang ari-arian. Ngunit kung salakayin siya at talunin ng isang taong higit na malakas, sasamsamin nito ang mga sandatang kanyang inaasahan at ipamamahagi ang ari-ariang inagaw. Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at nagkakalat ang hindi tumutulong sa aking mag-ipon."

15/03/2023

Mateo 5:17-19

"Huwag ninyong akalaing naparito ako upang pawalang-bisa ang Kautusan at ang mga aral ng propeta. Naparito ako, hindi upang pawalang-bisa kundi para ipaliwanag at ganapin ang mga iyon. Tandaan ninyo ito: magwawakas ang langit at ang lupa, ngunit ang kaliit-liitang bahagi ng Kautusan ay di mawawalan ng bisa hangga't hindi nagaganap ang lahat. Kaya't sinumang magpawalang-halaga kahit sa kaliit-liitang bahagi nito, at magturo nang gayon sa mga tao, ay ibibilang na pinakamababa sa kaharian ng Diyos. Ngunit ang gumaganap ng Kautusan at nagtuturo na tuparin iyon ay ibibilang na dakila sa kaharian ng Diyos.

14/03/2023

Mateo 18:21-35

Lumapit noon si Pedro at nagtanong sa kanya. "Panginoon, makailan kong patatawarin ang aking kapatid na paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Makapito po ba?" Sinagot siya ni Jesus, "Hindi ko sinasabing makapito, kundi pitumpung ulit pa nito. Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay katulad nito: ipinasiya ng isang hari na pagbayarin ang kanyang mga lingkod na may utang sa kanya. Unang dinala sa kanya ang isang may utang na 10,000,000. Dahil na siya'y walang ibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng ari-arian, upang makabayad. Nanikluhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa: 'Bigyan pa ninyo ako ng panahon, at babayaran ko sa inyo ang lahat.' Naawa sa kanya ang hari kaya ipinatawad ang kanyang mga utang at pinayaon siya. "Ngunit pagkaalis niya roon ay nakatagpo niya ang isa sa kanyang kapwa lingkod na may utang na 500 sa kanya. Sinunggaban niya ito at sinakal, sabay wika: Magbayad ka ng utang mo! Naglumuhod iyon at nagmakaawa sa kanya: 'Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.' Ngunit hindi siya pumayag; sa halip ipinabilanggo niya ang kanyang kapwa lingkod hanggang sa ito'y makabayad. Nang makita ng kanyang mga kapwa lingkod ang nangyari, sila'y labis na nagdamdam: pumunta sila sa hari at isinumbong ang nangyari. Kaya't ipinatawag siya ng hari. 'Ikaw napakasama mo!' sabi niya. 'Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. Nahabag ako sa iyo; hindi ba dapat ka ring mahabag sa kapwa mo?' At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayon din ang gagawin sa inyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid."

13/03/2023

Luke 4:24-30

At nagpatuloy ng pagsasalita si Jesus, "Tandaan ninyo: walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan. Ngunit sinasabi ko sa inyo: maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlong tao't kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Subalit hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaeng balo sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling." Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito. Nagtindigan sila, at ipinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.

12/03/2023

John 4:5-42

Theme: I Am Thirsty

Topic: I Am Thirsty For Your Love

Intro: In our life there are times that we feel thirsty not in water but by the love of others specially the love of God.

When we are thirsty for the love of God we look for:

This is about the relationship of God to Men vice versa.

A. Acceptance / more on physical
Romans 2:11

B. Belonging/ more on feelings
Luke 20:25

C. Caring/ both on physical and feelings
Philippians 2:4

D. Desire
Psalms 37:4

Conclusion: Jesus want us to realize that we are Accepted, that we Belong, that he Cares for us to open our hearts desire and that is to know him better as our saviour.

Challenge: Are you Thirsty? Look for the love of God.

10/03/2023

Mateo 21:33-43, 45-46

"Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at ito'y binakuran niya. Gumawa siya roon ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, kanyang iniwan sa mga kasama ang ubasan, at siya'y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapupunta ng may-ari ng ubasan ang kanyang mga alipin upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang mga alipin; binugbog nila ang isa, pinatay ang ikalawa, at binato naman ang ikatlo. Pinapunta uli ng may-ari ang mas maraming alipin, ngunit gayon din ang ginawa ng mga kasama sa mga ito. Sa kahuli-huliha'y pinapunta niya ang kanyang anak na lalaki. 'Igagalang nila ang aking anak,' wika niya sa sarili. Ngunit nang makita ng mga kasama ang anak, sila'y nagusap-usap: 'Ito ang tagapagmana. Halikayo! Patayin natin ng mapasaatin ang kanyang mamanahin.' Kaya't siya'y sinunggaban nila, inilabas sa ubasan at pinatay. Pagbalik ng may-ari ng ubasan, ano kaya ang gagawin niya sa mga kasamang iyon? Sumagot sila, "Lilipulin niya ang mga buhong na iyon, at paaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas." Tinatanong sila ni Jesus, "Hindi pa ba ninyo nababasa ang talatang ito sa Kasulatan? 'Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay
Ang siyang naging batong panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, At ito'y kahanga-hanga!' Kaya nga sinasabi ko sa inyo: hindi na kayo ang paghahatian ng Diyos kundi ang bansang maglilingkod sa kanya nang tapat. Narinig ng mga punong saserdote at ng mga Pariseo ang mga talinghaga ni Jesus, at naunawaan nilang sila ang pinatatamaan niya. Dadakpin sana nila siya, ngunit natakot sila sa mga tao, sapagkat kinikilala ng mga ito na propeta si Jesus.

09/03/2023

Lucas 16:19-31

"May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isa namang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo'y nilalapitan siya ng a*o at dinidilaan ang kanyang mga sugat. Namatay ang pulubi, at dinala ng mga anghel sa piling ni Abraham. Namatay rin ang mayaman, at inilibing. Sa gitna ng kanyang pagdurusa sa Hades, tumingala ang mayaman at kanyang natanaw sa malayo si Abraham, kapiling si Lazaro. At sumigaw siya: 'Amang Abraham, mahabag po kayo sa akin. Utusan ninyo si Lazaro na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at palamigin ang aking dila, sapagkat naghihirap ako sa apoy na ito.' Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Anak, alalahanin mong nagpasasa ka sa buhay sa ibabaw ng lupa, at si Lazaro'y nagtiis ng kahirapan. Ngunit ngayo'y inaaliw siya rito, samantalang ikaw nama'y nagdurusa. Higit sa lahat, inilagay sa pagitan natin ang isang malaking bangin upang ang mga narini ay hindi makapariyan at ang mga nariyan ay hindi makaparini.' At sinabi ng mayaman, 'Kung ganon po, Amang Abraham, ipinamamanhik ko sa inyong papuntahin si Lazaro sa bahay ng aking ama; sapagkat ako'y may limang kapatid na lalaki. Paparoonin nga ninyo siya upang babalaan sila at nang hindi sila humantong sa dakong ito ng pagdurusa. Ngunit sinabi sa kanya ni Abraham, 'Nasa kanila ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta: pakinggan nila ang mga iyon. 'Hindi po sapat ang mga iyon, tugon niya, ngunit kung pumunta sa kanila ang isang patay na muling nabuhay, tatalikdan nila ang kanilang mga kasalanan.' Sinabi sa kanya ni Abraham, "Kung ayaw nilang pakinggan ang mga sinulat ni Moises at ng mga propeta, hindi rin nila paniniwalaan kahit ang isang patay na muling nabuhay."

08/03/2023

Mateo 20:17-28

Nang nasa daan na si Jesus patungong Jerusalem, ibinukod niya ang Labindalawa. Sinabi niya sa kanila, "Aakyat tayo sa Jerusalem. Doo'y ipagkakanulo sa mga punong saserdote at sa mga eskriba ang Anak ng Tao. Hahatulan siya ng kamatayan, at ibibigay sa mga Hentil. Siya'y tutuyain, hahagupitin, at ipapako sa krus; ngunit muli siyang bubuhayin sa ikatlong araw." Lumapit kay Jesus ang asawa ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. May ibig siyang hilingin, kaya't lumuhod siya sa harapan ni Jesus. "Ano ang ibig mo?" tanong ni Jesus. Sumagot siya, "Sana'y ipagkaloob ninyo sa dalawa kong anak na ito ang karapatan na makaupong katabi ninyo sa inyong kaharian isa sa kanan at isa sa kaliwa. "Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihinge," sabi ni Jesus sa kanila. "Mababata ba ninyo ang hirap na babatahin ko? Opo, tugon nila. Sinabi ni Jesus, "Ang hirap na babatahin ko'y babatahin nga ninyo. Ngunit wala sa akin ang pagpapasiya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga luklukang sinasabi ninyo'y para sa mga pinaghandaan ng Aking Ama." Nang marinig ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. Kaya't pinalapit sila ni Jesus at sinabi sa kanila. "Alam ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay naghahari sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. Ngunit hindi ganyan dapat ang umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na ibig maging dakila ay dapat maging lingkod. At sinumang ibig maging pinuno ay dapat maging alipin ninyo, tulad ng Anak ng Tao na naparito, hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at ialay ang kanyang buhay upang matubos ang marami."

07/03/2023

Mateo 23:1-12

Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa mga tao at sa kanyang mga alagad, "Ang mga eskriba at ang mga Pariseo ang kinikilalang tagapagpaliwanag ng Kautusan ni Moises. Kaya't gawin ninyo ang itinuturo nila at sundin ang kanilang iniuutos. Ngunit huwag ninyong tularan ang kanilang gawa, sapagkat hindi nila isinasagawa ang kanilang ipinangangaral. Nagbibigkis sila ng mabibigat na dalahin at ipinapasan sa mga tao; ngunit ni daliri ay ayaw nilang igalaw upang tumulong sa pagdadala ng mga iyon. Pawang pakitang-tao ang kanilang mga gawa. Nilalaparan nila ang kanilang mga pilakterya at hinahabaan ang palawit sa laylayan ng kanilang mga damit. Ang ibig nila'y ang mga upuang pangdangal sa mga piging at ang tanging luklukan sa mga sinagoga. Ang ibig nila'y pagpugayan sila sa mga liwasang-bayan, at tawaging g**o. Ngunit kayo huwag kayong patawag na g**o, sapagkat iisa ang inyong G**o, at kayong lahat ay magkakapatid. At huwag ninyong tawaging ama ang sinumang tao sa lupa, sapagkat iisa ang inyong Ama, ang Amang nasa langit. Huwag kayong patawag na tagapagturo, sapagkat iisa ang inyong Tagapagturo, ang Mesias. Ang pinakadakila sa inyo ay dapat maging lingkod ninyo. Ang nagpapakataas ay ibababa, at ang nagpapakababa ay itataas."

06/03/2023

Lucas 6:36-38

Maging mahabagin kayo gaya ng inyong Ama." "Huwag kayong humatol, at hindi kayo hahatulan ng Diyos. Huwag kayong magparusa at hindi kayo parurusahan ng Diyos. Magpatawad kayo sa inyong kapwa, at patatawarin kayo ng Diyos. Magbigay kayo, at bibigyan kayo ng Diyos: hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang takalang ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamitin ng Diyos sa inyo."

05/03/2023

Matthew 17:1-9

FIGURE IT OUT!

Indirizzo

Bergamo
24124

Telefono

+393245906574

Sito Web

Notifiche

Lasciando la tua email puoi essere il primo a sapere quando God's Messages & Wisdom pubblica notizie e promozioni. Il tuo indirizzo email non verrà utilizzato per nessun altro scopo e potrai annullare l'iscrizione in qualsiasi momento.

Contatta Il Luogo Di Culto

Invia un messaggio a God's Messages & Wisdom:

Condividi