16/06/2026
Bakit mo kailangang sabihin sa pastor kung hindi ka makakadalo?
Subukan nating sagutin ito, sa pag-aakalang ito ay isang seryosong tanong.
▪️Kapag kasali ka sa Basketball, volleyball etch.
Tatawagan mo ba ang iyong coach para sabihin na hindi ka makakarating sa laro?
▪️Tumatawag ka ba sa iyong trabaho para sabihin na hindi ka papasok ma late ka ng kunting minuto?
▪️Tumatawag ka ba sa iyong asawa para sabihin na hindi ka makakarating sa hapunan pagkatapos niyang magluto buong hapon?
▪️Tumatawag ka ba sa iyong mga kaibigan para sabihin na hindi ka na matutuloy sumama sa inyong trip?
Bilang miyembro ng isang simbahan, ay inaasahan na ikaw ay dadalo lalo na ikaw may tungkulin gagawin.
Bilang isang pastor, at kung lumaki ka man sa tahanan ng isang pastor, o ikaw ay bahagi sa tahanan na iyon, hayaan ninyong magdagdag ako ng pananaw.
✅ Ang iyong pastor ay ipinagdarasal ka at ang iyong pamilya buong linggo.
✅ Siya ay nagbabasa, nag-aaral, at naghahanda ng mensahe para pakainin ang inyong mga puso.
✅ Siya rin ay itinalaga ng Banal na Espiritu upang maging tagapangasiwa ng kawan.
✅ Siya ay tatayo sa harap ng Diyos at magsusulit sa Kanya para sa iyong kaluluwa.
✅ Siya ay inatasan ng Diyos upang sanayin, gabayan, patibayin, at turuan ka.
✅ Mahal niya ikaw at ang iyong pamilya nang higit sa iyong maiisip.
Ang magkaroon ng kabutihang-loob at paggalang na ipaalam sa kanya na hindi ka makakarating ay ang pinakamababa na magagawa mo para maipakita ang iyong pagpapahalaga .
Ang hindi na lang magpakita nang walang pasabi sa iyong lingkod ng Diyos ay kawalan ng konsiderasyon at nagdudulot ng hindi kinakailangang stress at mga tanong sa kanyang isipan.
Mga tanong tulad ng:❓
Sila ba ay may sakit?❓
Sila ba ay nasaktan?❓
Aalis na ba sila sa simbahan?
May nasabi ba akong mali?…at marami pang iba.
Ito ay nakakagulo, nakakabahala, at nakakapag-alala (kung mayroon kang totoong pastor).
Ang simpleng text message ay makakabawas sa lahat ng pag-aalalang ito at makakatulong sa iyong pastor na malaman kung nasaan ka kung may magtanong sa kanya.
Ito ay magpapakalma ng kanyang isip at magbibigay kapayapaan sa kanyang puso para maipagpatuloy niya ang serbisyo nang hindi nag-aalala tungkol dito.
Ito ay tinatawag na accountability (pananagutan), paggalang, at kamalayan sa iyong responsibilidad bilang isang miyembro na nasa iyong lugar.
⚠️ Paano maiisip ng sinuman na magandang ideya na hindi na lang magpakita sa iyong simbahan kung saan ka dapat naroroon (kung ikaw ay miyembro ng katawan) nang walang paggalang o malasakit sa iba pang bahagi ng katawan?
🔰1 Corinto 12:20 Datapuwa't marami ang mga sangkap, ngunit iisang katawan.25 Upang huwag magkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay magkaroon ng kaparehong malasakit sa isa't isa.26 At kung ang isang sangkap ay nagdusa, ang lahat ng mga sangkap ay kasamang nagdurusa; o kung ang isang sangkap ay pinarangalan, ang lahat ng mga sangkap ay kasamang nagagalak.27 Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y bahagi niya
Isang pag aalaala ,bilang isang nagmamahal at nagmamalaskit na lingkod ng Diyos🙏🙏🙏🙏
International Assemblies of the First Born Israel
Iafb Israel